Chapter 30

1K 20 10
                                    

Larkin

Pagbukas 'ko ng pinto ng aking kwarto ay ang pagbukas din ng kwarto sa aking harapan. Saglit akong nanigas habang pinagmamasdan silang dalawa. Magkahawak ang kamay at halatang kakagising pa lang.

So they slept together? Of course Larkin. They are couple.

"Hi kuya! Mabuti naisipan mo ng lumabas ng kwarto mo."

Kuya. Hanggang kuya na lang ba?

"Yes. Nababagot na rin kasi ako," sagot 'ko habang nanatiling nakatitig sa kanya. Sya na ang naunang umiwas ng tingin bago tumikhim.

"Sige kuya. Tawagin ka na lang namin pag kakain na? Tuturuan akong magluto ni Mahal 'e!"

Hindi na nito hinintay ang sagot 'ko. Dire diretso ako nitong nilagpasan. I held my chest while watching them. Naka akbay na ngayon si Noah kay Maia.

I sighed. Masakit pa rin pala hanggang ngayon. It's been one week since that revelation happened. Dito na sya pinatira ni Mommy para daw kompleto ang pamilya namin.

Sa condo 'ko sana ako ngayon naninirahan pero hindi pumayag si Mommy. Pumayag na rin naman ako dahil gusto 'ko rin namang makasama si Mommy. Twenty three years without my mom is hell. Gusto kong bawiin ang mga taon na iyon.

I thought i would be happy but i was wrong. Sa bawat araw na lumipas ay laging nandito si Noah. Naglalambingan silang dalawa ni Maia sa kung saan parte ng lugar ng bahay. Everytime i see their kiss with full of love, my heart are breaking into pieces. So last day, i decided to locked myself in my room. Sa corp sana ako pero hindi naman ako pinayagan ni Daddy na umalis.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad pababa ng hagdan. Malayo pa lang ako ay rinig 'ko na ang malalakas nilang halakhak. Luminga linga ako sa paligid. Wala sila Mommy at Daddy. Paniguradong niyaya na naman iyon ni Ninang.

"Hindi ka naman pala marunong magluto mahal 'e! Huhu. Ang pangit tuloy ng lasa."

"Full of love naman iyan 'e."

"Full of love sa iyo. Ikuha mo ako ng turon!"

"Ayoko nga blee."

Naabutan 'ko silang naghahabulan sa kusina. Nanatili akong nakatayo sa may bukana ng kusina habang pinagmamasdan sila. Mukhang hindi nila ako napapansin.

Niyakap ni Noah si Maia mula sa likuran at kiniliti ito. Humalakhak naman ng malakas si Maia at pilit na ginagantihan ng kiliti si Noah. Naikuyom 'ko ang aking kamao saka umiwas ng tingin bago ibinalik ang tingin sa kanila.

"If you are going to flirt here in the kitchen, you two better get your ass out of here." there's a bitterness hint in my voice. Napatigil naman sila at sabay na napatingin sa akin.

"Kuya.."

"Get the fuck out here. Magluluto ako."

Napayuko si Maia. Umiwas ako ng tingin saka dumiretso sa refrigerator. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita kong sinapo ni Noah ang mukha ni Maia at may ibinulong dito saka sila sabay na umalis ng kusina.

Pagkaalis nila ay umayos ako ng tayo. Napahilamos ako sa mukha habang pinipigil ang luha na muling tumulo. Nagiinit na ang aking mata at alam kong ilang segundo na lang ay magraragasa na naman ulit ang mga luhang pinipigilan 'ko. Nakakainis! Nakakagago!

Bakit hanggang ngayon hindi 'ko pa rin tanggap na hindi na ako?!

Bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako na pwede kami?!

Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako?!

Huminga ako ng malalim saka naglakad papunta sa stove. Nanginginig ang aking kamay habang sinisimulang hiwain ang mga ingriedents na gagamitin.

His Sexy Dominant ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon