Chapter 25

743 19 0
                                    

Larkin

Funny to think that i gave everything for her yet she still manage to cheat on me. I became a good boy friend. I did all of my best to became a good boy friend but she still manage to found another.

Mahina akong tumawa saka ininom ng diretso ang isang lata ng beer. Everytime that video came inside my mind, my heart is clenching in pain. Dapat ako lang ang halikan nya! Dapat ako lang at walang ibang lalaki na mamahalin nya!

What did i do wrong for her to find another? Nothing! Wala akong ibang nilanding babae bukod sa kanya! Bakit ganun na lang kadali sa kanya ang lokohin ako?

I clenched my fist and throw the can on the floor. Bakit si Levi pa?! I am sure that the guy she is cheating on me is Levi! Sino pa ba ang lagi nyang kasama? Edi si Levi! But how dare he betrayed me? He's my friend. He know how i love Maia. He know how i want Maia to be my wife. Everything messed up when he came here. He steal my girl. He steal my wife.

"Aaaaaaah!" i frustratedly yelled and grip on my hair. Patuloy ang pagtulo ng mga luha sa aking mata habang patuloy na sumisikip ang aking dibdib.

Hindi pumasok sa isip 'ko na magagawa akong saktan ni Maia. I trusted her to the point that until now, i am still believing on her.

Na siguro may rason lang si Maia kaya nya iyon ginawa. O siguro naman ay isa lang namang edit iyon na ginawa ng isang ekspertong editor. Pero alam 'ko sa sarili 'ko na niloloko 'ko lang ang sarili 'ko.

Daddy gave me a video and pictures of Maia and guy as a proof that she is cheating on me so as my private investigator. That is enough evidence to confront her but why am i still hoping that all of those are just edited and lie?!

"Larkin."

Napaangat ako ng tingin. She is looking at me with pity in her eyes. She sat beside me and pulled me into a hug. I closed my eyes and hugged her back. Her embraced are giving me comfort. Napakasarap sa pakiramdam na niyakap nya ako.

Patuloy ang paghikbi 'ko habang nakayakap sa kanya. I probably looked like a weak duckling.

"Iiyak mo lang iyan, Larkin. Ayos lang iyan," aniya habang hinahaplos ang aking likod. I closed my eyes. I suddenly remember my mom. If she is here, she might be the one who's hugging and comforting me right now.

"Lala, masakit. Masakit lokohin. Hindi 'ko akalaing lolokohin nya ako ng ganito Lala. I trusted her," i said between my sobs. Patuloy lang ang kanyang palad sa paghaplos sa aking likod.

"Hiningi mo na ba ang paliwanag nya?"

Umiling ako.

"Hingin mo ang paliwanag nya. Huwag kang basta basta magpapaniwala sa mga nakikita mo. Saka ka lang maniwala pag mismong sariling mata mo na ang nakakita."

Hindi ako umimik at nanatiling nakayakap sa kanya. I became speechless on what she said.

Inangat 'ko ang aking paningin. She is wearing her usual mask. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa hindi 'ko namalayang umangat na pala ang aking kamay at inalis ang kanyang mask.

Nanlaki ang kanyang mata at mabilis na tinakpan ang kanyang mukha samantalang naninigas naman ako sa aking kinauupuan.

Bumilis ang pagtibok ng aking puso habang nakatitig sa kanyang nakatakip na mukha. Iniling 'ko ang aking ulo saka kinusot kusot ang aking mata.

Mommy is dead right. She is dead. Nakita 'ko pa mismo ang katawan nyang inililibing.

Pinilit kong makatayo habang pagewang gewang na naglakad papasok sa kwarto ni Maia. Pabagsak kong hiniga ang aking katawan sa kama ni Maia.

His Sexy Dominant ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon