Chapter 9

1.1K 24 6
                                    

Larkin

"Aaaaaaaahhhh!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malakas na boses na iyon. Luminga linga ako sa paligid ngunit walang Maia akong nakita. Mabilis akong lumabas ng kwarto, hindi alintana ang hubad kong katawan.

Bakit ba kasi sumisigaw ang isang iyon?

"Maia? Maia? Where are you?"

I walked towards the kitchen. Wala si Mr. Lazaga, siguro pumunta na sa trabaho. My forehead creased while staring at her on the floor. Lupaypay ito sa sahig habang nakanguso sa harap ng stove. Napatingin din tuloy ako sa stove.

"Anong problema? Bakit ka sumisigaw?"

"K-kasi boyfie ano.."

"Ano?"

"Ano kasi boyfie.."

Pumalahaw ulit ito ng iyak na lalong nagpakunot ng aking noo. What the hell is wrong with this girl?

I walked near by the stove and examined it. Wala namang problema.

"Ano nga? Binibitin mo ako 'e."

"Wala ng gasul boyfie! Mahal ang gasul ngayon, waaaaah paano tayo makakaluto nyan? Huhuhu."

My jaw dropped while staring at her crying. Hindi makapaniwalang tingin ang iginagawad 'ko sa kanya. May saltik na ata sa ulo ang babaeng ito 'e.

I massaged my temple and heaved a deep breath. Hindi pa ba ako nasanay? Nakakalimutan 'ko atang isang isip bata ang renter 'ko.

"Tara na. Bibili tayo ng gasul."

Akmang hahawakan 'ko sya ng mabilis nyang naiwas ang kamay sa akin.

"Bakit?"

"Ih, boyfie sarado ngayon ang tindahan ng gasul kaya walang gasul. Wala tayong malulutuan, hindi tayo kakain, mamamatay na tayo boyfie huhu."

Napahilamos ako sa mukha at pilit pinakalma ang aking sarili.

"Then how can we cook break fast if we don't have gasul?"

I raised my brows as i pulled her to stand up. Pinagpagan naman nya ang kanyang sarili at nakangiting sinenyasan ako.

Naglakad sya palabas ng kusina kaya naman ay agad akong sumunod. May binuksan syang isang pinto at ibinungad nito ang labas ng bahay. There has fences around the area.

"What are we doing here?" lumingon ako sa kanya. Sinundan 'ko ng tingin ang itinuturo nya. My eyebrow arched when she pointed an axe. May mga malalaking kahoy na nakatayo at nakapatong sa pader.

Don't tell me..

"Anong gagawin 'ko dyan?"

"Magsisibak ka ng kahoy boyfie! Kasi dyan tayo magluluto hihi, tinuruan naman na ako ni Papa kung paano magpaapoy gamit lang ang kahoy!"

"Seryoso ka ba dyan?" i asked her again.

She leered reason for me to crumpled my face. May ibinato syang isang damit sa akin na agad 'ko namang nasalo.

"Bihis mo iyan boyfie! Kay papa iyan hehe."

"Saan mo ito nakuha?"

"Sa labahan," ani nito na lalong nagpalukot ng aking mukha.

•~•~•~•

"Hindi ba pwedeng kumain na lang tayo ng restaurant Maia?"

I asked her for fifth times. Muli 'kong inangat ang palakol at bumwelo bago ipinukol ito sa kahoy. Madami dami na din ang nasibak kong kahoy pero sabi ni Maia ay kulang pa daw.

His Sexy Dominant ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon