Chapter 15

5K 92 12
                                        

Avianna's Pov

Hinahanap ko ngayon ang dalawa dahil may Field Trip sila ngayon at pupunta kami muna sa school para dun na lang kami at lahat sabay-sabay pumunta sa isang resort.

"Stef,noah! Nasaan kayo bilisan niyo dyan dahil aalis na tayo" ani ko habang hinahanap sila, nasaan na kaya yung dalawang yun?

Kanina pa ako naghahanap sa dalawang yun pero hindi ko naman makita dito sa palibot, isa pa wala dito sa loob ng bahay sa tuwing tinatawag ko itl eh agad naman nagsasalita ang dalawang yun pero ngayon lang hindi nagsasalita yung dalawa eh, wala dito sa bahay? Impossible naman yun na lumbas sila ng bahay na walang kasama.

Pagulit-ulit kong tinatawag ang dalawa pero ni isa walang boses na may nagsalita sa akin, kanina ko pa talaga hinahanap yung dalawa libot na ako nang libot ng bahay pero hindi ko parin na kita yung dalawang batang yun.

Lumabas na ako ng bahay para hanapin baka nandito sa kabilang bahay lang yung dalawa para maglaro pero nagtataka ako kung gano'n bakit ngayon lang sila lumabas ng walang paalam at hindi naman gano'n ang dalawa palaging nag papaalam pag lumabas yun eh.

"Nasan na kaya ang dalawang yun kanina pa ako hanap nang hanap walang Noah at Stefanie ang nagpapakita sa harap ko" habang naglalakad papalabas

Dali-dali akong lumabas dahil maya-maya lamang ay aalis na kami, no'ng nasa gate na ako ay may nakita akong sasakyan na nakaparada sa harap ng aming bahay. Kaninong sasakyan ito? Parang bagong bili lang ito ha.

Pagbukas ko ng gate ay agad ring bumukas ang pintuan ng sasakyan. Sino kaya yung taong nasa loob ba't lumabas siya ng pintuan tamang-tama pagbukas ko ng pintuan. Nakita ko rin sa likod na bumukas ang pintuan at agad akong napa atras baka mga kidnappers ito at baka ikidnapped ako.

Tumalikod ako "Hey wait!" Kilala ko 'tong boses na 'to ah! 'wag niyong sabihin na siya 'to.

Tinignan ko siya"What?"

Nang sinabi ko yun ay may lumabas sa pintuan sa likod ng sasakyan, bakit nandito ang dalawang ito?Anong ginagawa nila sa sasakyan ni Mr. Caddel. Hindi man lang nagpaalam na lumabas sila

"What are you doing in Mr.Caddel's car?" Tanong ko sa dalawa at yumuko lamang ang dalawang ito"Bakit hindi kayo nagpaalam na lalabas kayo? Sinabihan ko naman 'di ba kayo na magpaalam kayo bago kayo lumabas ng bahay!" Galit kong tono sa dalawa

"Sorry ma" sabay nilang dalawa pero naka yuko

"Don't do that again, understood?" Kumalma na ako dahil alam ko naman pag nag sorry na yung dalawa hindi na nila gagawin ulit yun.

Lumapit silang dalawa sa akin "Yes po ma, we don't do that again" Sambit ni Noah "Wag ka na magalit sa amin ma" Pagdugtong ni Stefanie

"Ms. Guzman, i'm sorry if hindi nagpaalam ang dalawa sa'yo na lalabas sila 'cuz nakita ko silang dalawa sa labas, pinahinto ko ang sasakyan dito sa harap ninyo at lumapit ang dalawa sa akin" Pagkukuntinti sa dalawa

"Then, bakit sila nasa loob ng sasakyan mo? May balak ka bang e kidnap ang mga anak ko?" Tanong ko sa kan'ya at nakita kong tumaas ang mga kilay niya

"No, wala akong balak e kidnap ang anak mo, dapat nga binabantay mo ang anak mo dahil ikaw ang ina bakit mo pinabayaan? Paano nga pag na kidnap ying dalawa mong anak dahil pinabayaan mo lang lumabas" Nang sambit niya yun ay parang sinampal ako ng kaniyang mga binitawang mga salita, tulad parin siya ng dati walang pinagkaiba.

Hindi ko na lamang siya pinansin, tumalikod na lamang ako at pumasok. Tangina ang sakit niya nagsalita, hindi ko naman pinabayaan ang dalawa pero bakit gano'n siya magsalita? Nararamdaman ko na nanamumuo na pala ang mga tubig sa aking mga mata

"Ma, are you crying?" Nakita ko na pumasok si Noah

Pinunasan ko ang luha na nasa pisngi ko "A-ah hindi" pumunta ako sa sofa para kunin ang mga gamit namin dahil nga may Field Trip yung dalawa "Noah, can you help me with this?" May dalawa kaming bag na dala yung isa mga damit para pag magpapalit ng damit yung dalawa tapos yung isa naman ay mga snacks at tubig. Kinuha ni Noah ang bag na may lamang mga damit.

"Thank you" Ani ko "Welcome ma, look dala ko yung camera ma para ano po, ano nga yun picture-picture po pala!" Dinala pa talaga yung camera para mag picture eh may selpon naman akong dala at pwede mag picture.

Lumabas na kami ng bahay at ni lock ko ang pintuan "We have selpon naman eh, may camera naman yun" Sambit ko "But ma, maganda pa rin tung ganitong camera kaysa dyang cellphone"aba marunong na 'tong bata na 'to kung ano ang maganda sa "Okay Noah" hahaha hinayaan ko na lamang siya.

Nakita ko yung dalawa na nasa labas si Mr. Caddel at si Stefanie, hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawang ito ang narinig ko na lamang ay ang salita mula kay Mr. Caddel ay "May minahal akong babae dati" Sino kaya yung babaeng minahal niya dati? Ba't gano'n yung pinag-uusapan ng dalawang yun? Pero bakit ko nga ba inaalam kung sino ang babaeng yun eh wala naman akon pakialam sa buhay niya.

"Ma!" Narinig ko ang boses ni Stef at nagsensyas na lumapit daw kami sa kanila ni Mr. Caddel.

Lumapit si Noah sa dalawa ako naman ay sumunod na lamang kay Noah "Yes Stef?" Tanong ko sa kaniya pero hindi ako tumitingin sa kan'ya or sa kanila.

"Gan'yan ka ba makipag-usap? Nasaan ang tingin mo? Wala naman dyan si Stefanie ha" Sambit ng lalaking pakialamiro

Tumingin ako sa kan'ya "Mahilig ka ba talagang mangialam?" Hindi ko napigilan ang sarili ko sa inis

"Yes" Malamig niyang sambit at pumasok sa sasakyan, gano'n din ang dalawa

"Huy bakit kayo pumasok diyan?" Tanong ko sa dalawang bata

Sumilip si Stefanie "Sabi mo ma sira yung car natin" hay nako itong bata "sabi ko nga"mahina kong sabi

"So, papasok ka or not?" Tanong ni Pakialamiro,pft.

Wala akong magawa kundi sumakay na din kasi anong oras na baka ma late kami at maiwan, wala pa namang masyadong sasakyan dito at kung mag taxi ka naman matagal pa bago maka dating.

Pumunta ako sa likod at dun na sana ako uupo ng biglang hinila ako ni Pakialamiro at dun ako pinaupo sa harap "Dun na lang ako sa likod" pang matitigas ko

"Dyan ka na lang ma, masikip na kami dito ni Noah" Ani ni Stefanie

Nakita ko na nandun ang mga bag, siguro masikip maman talaga sa kanila. Umalis na kami ng bahay at pumunta sa school at tamang-tama maya-maya ay aalis na rin kami at yung iba nasa bus na naka upo. Bumaba na kami ng sasakyan ni Pakialamiro, kinuha ko sa likod ang bag at yung isa na nasa kay Stefanie ay kinuha ni Pakialamiro.

"Alam mo naman na mabigat 'to sa mga anal mo pinapadala." Tangina kanina pa 'to ah hindi pa ba siya tapos?

LUKE CADDEL a.k.a PAKIALAMIRO.

Lumapit si Pakialamiro sa teacher, hindi ko na lamang pinansin at naka tingin lang ako sa dalawa na naglalaro sa mga classmates nito. Maya-maya lamang ay sinabi ng teacher na aalis na at pumunta na isang resort kung saan mag Field Trip.

"Let's go" Ani ni Pakialamiro

"Sasakay kami sa bus." Ani ko

"Nope di kayo sasabay sa bus, sasabay kayo sa akin dahil kasama ako sa field trip kaya sumakay na kayo sa akin dahil ako lang naman mag-isa kaya dito na kayo sumakay at isa pa yung bus puno na" Sumakay na lang kami sa sasakyan niya.

Umalis na ang bus at ang sasakyan na lamang ni Pakialamiro.  Pagkatapod non ay umalis na rin kami at sumunod sa bus. Tahimik kaming apat sa loob ng sasakyan, walang kantang maririnig kahit boses naming apat wala.

Mga ilang minuto lamang ay naka dating na kami sa resort, ang ganda ng resort at ang sarap ng hangin  kasi yung resort na 'to ay medyo malayo sa city puro kahoy ang makikita mo, hindi masyado ma init. Pumasok na kami sa resort at nong pumasok kami ay mas lalong maganda pala pag nasa loob ka.

________
Hi, enjoy reading! Next na yung Chapter 16 hehe
Fb:Aria Pierre
Ig: naptweetie_wp

One Night With My Boss(COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now