Weeks Later
Makalipas ang ilang linggo, gano'n pa rin naman ang ganap sa amin, lagi na kami dito sa mansion nila Mama at Papa, naging malapit na din kami sa isa't-isa ni Luke.
Napag-usapan na namin kung kailan ang kasal, kumuha na din kami ng wedding planner, para mas mabilis. Hindi ko inaakala ang lahat mg 'yon dito rin pala mauuwi, masaya ako dahil masaya na ang dalawang bata at buo hindi ko na nararamdaman sa tuwing paggising ko parang may kulang sa kanila ngayon na buo na sila wala na akong iisipan pa.
Simula noong sinabi sa akin ang about kay Mhyne, ay doon na din naging busy si Luke dahil gusto niyang bumawi at bawiin lahat ng kinuha nang babaeng 'yon sa kanila. Hanggang sa nabaon ng utang ang papa ni Mhyne, dahil sa kay Mhyne nagawa ng papa niya na mag utang sa ibang mga kilala nito hanggang sa pati ang company nila ay kinuha sa kanila kaya ngayon nagmamakaawa sila na kung sakali matulongan sila ni Luke pero hinayaan na lamang sila ni Luke, wala naman daw pake si Luke sa kanila dahil hindi naman nila 'yon ka ano-ano, kulang pa nga daw ang bayad nila sa kanila ni Luke kaya deserve nila 'yon.
"Anna!" Narinig kong tinatawag ako ni Mamang
Agad akong bumaba para tignan kung bakit niya ako tinatawag.
"Bakit po?" Tanong ko pagkababa
"May naghahanap sa iyo sa lahat, hindi ko alam kung sino eh"Saad nito at agad naman akong lumabas
Pagkalabas ko ay nakita ko sila ni Bia at ang anak nito.
"Huy! Pumunta ako sa inyo, sira 'yong gate niyo naka ilang punta na ako doon, wala ka man lang chat or tawag sa akin hindi mo man lang sinasabi sa akin na dito ka pala sa mansion at nagkabalikan na pala kayo ni Luke" saad nito, ngumisi na lang ako eh hindi naman siya nag tanong or nag chat sa akin kung nasaan ako kaya wala din akong balak na sabihin haha
"Papasok mo sa loob ang mga bisita mo Anna"Rinig ko mula sa pintuan, si mamang mabuti ngayon hindi na mainitin ang ulo ng matandang ito dati kasi lagi itong galit noong nag tatrabaho pa lang ako sa kanila
Binuksan ko ang Gate at Pinapasok sila sa looh kasi ang init naman dito kung dito lang kami mag chismisan di ba?
"Ang init" Saad ko at sinabihan ko sila na sumunod sa akin sa loob
"Gags, ang laki naman ng mansion na ito! Totoo ba na dito na kayo titira?" Tanong niya sa akin, hindi naman kami sinabihan na dito titira ehh haha
"Ah, hin-" hindi na natuloy ang pagsasalita ko dahil ununahan na naman ako ni Mamang
"Dito na sila titira, dahil magpapakasal naman sila ni Luke next Month"Saad ni mamang habang umuupo sa isang single na sofa
Agad naman sinaway siya mi Papang"Ano ka ba, huwag mong unahan 'yong dalawa" bulong nito
"Totoo ba na ikakasal kayo???!!" Sigaw nito, napa takip na lang ako ng tainga"Ay sorry po, pasensya na po kayo Ma'am at Sir" dagdag nito, nginisihan lang siya ng dalawang matanda
"Shh ka lang ha, actually sakto ang pagpunta mo dito dahil 'yon din sana sasabihin ko kaso inunahan ako ni mamang" Saad ko
"Hala! Dapat bridesmaid ako ha? " Saad nito, hindi naman ako makakagindi dito kasi kaibigan ko ito kaya nag oo na lang ako
"Sige na nga, mahal naman kita eh... Kung hindi lang talaga kita kaibigan" Ani ko at niyaya ko siya maglakad muna sa garden habang si Andrey ay sinabihan ko na lang na maglaro sa kanila ni Stefanie at Noah may dalawa naman kasing gadget ang isa kaya pwede siya makasama sa nilalarong online games ng dalawa
Naglibot-libot lang kami doon at pinag-usapan ang about sa kasal at kung ano ang mga nangyari sa amin noong hindi kami nagkita at nag-uusap ng dalawa, 'yong mga pinunta niya sa bahay na wala ako 'yon sinabi niya din sa akin. Habang naka punta na kami malapit sa pool na kaming dalawa lang, wala na mga naglilinis dito kasi ito ang inuuna nila kasi ang dalawang bata minsan naliligo dito kasama ang dalawang matanda.
Sinabi ko na din sa kan'ya ang about sa nakaraan na nagtatrabaho pako sa kanila kung paano nangyari ang lahat, 'yon na intindihin niya.
"Avianna"Rinig ko sa likod dahil nasa likod siya nakin habanh ako nasa unahan niya.
"Bakit??" Tanong ko sa kan'ya habang nagpapatuloy sa paglalakad
"I'm 4 weeks pregnant" Saad nito na Kinabigla ko, napatitig ako sa kan'ya na nakatakip ang bibig na malaki ang mata.
"Wt? Sino ang tatay niyan? Jusko huy? Totoo ba yan? Omg, Ninang ako ha!" Sa pag ka excite ko hindi ko namalayan na nagmumukha na pala akong baliw dito kakatalon ko.
"Sh ka lang ha? Hindi alam 'to ni Andrey and also Adrean"Bulong nito
"Si Adrean ang tatay? Hay, mabuti naman dahil kung hindi sasampalin kita eh. Kailan ba balak niyong magpakasal?" Tanong ko sa kanila, syempre matagal na din itong magkasama eh, tapos dinagdagan pa ng isa di pa rin nagpapakasal, sinabihan ko naman dati silang dalawa eh pero wala pa rin
"Next year, pagkalabas nito. Tataposin namin muna ang sa inyo haha"Saad nito at niyakap ko naman siya
"Congrats sa inyo, dapat baby boy yan ha para may kalaro na 'yon isa"Saad ko at humiwalay sa yapak
"Ikaw naman 3 weeks pa ngalang tapos ikaw sinasabi mo na dapat baby boy, magaling naman kami gumawa ng baby boy eh kaya nga may Andrey kami ngayon haha" pangbibiro nito at kinurot ko naman siya sa takiliran niya
"Hay nako, ang bastos din nyan ng bunganga mo minsa ano?" Saad ko, eh paano naman bigla palang dumating 'yong mga bata narinig ang sinabi niya tapos magtatanong paano po ba ginagawa ang baby bog? Huhu, maiiyak na lang talaga ako kapag gano'n ang nangyari
"Hindi naman 'yan, naglalaro naman sila doon sa sala ng mansion eh"Saad nito
"Kahit na" ako ito
Bumalik na kami sa sala dahil nandoon naman sila, natapos naman ang mga pinag-uusapan namin kaya, bumalik na kami doon. Mahirap na eh si mamang kasi kahit matanda ma naririnig pa rin ang pinag-uusapan kahit malayo, hanggang maghapom sila dito ni Andrey. Naligo pa nga ang tatlo sa swimming pool eh, mabuti na lang may extra si Noah na pangligo kaya pinahiram niya muna si Andrey.
YOU ARE READING
One Night With My Boss(COMPLETED)
RomanceAvianna is a student she take the course of culinary who works at a company where the man she likes is a ceo of the company. Not everything has been easy because many of his employer also like him. They both did something and the man didn't want to...
