Hay salamat naka uwi na din kami. Sobrang traffic kanina eh kaya nagabihan kami nang uwi. 'Yong dalawa tulog na habang nasa sasakyan pa lang kami dala ni Luke. Bali sasakyan niya 'yong ginamit namin kasi daw sasakyan niya na lang 'yong dadalhin.
Anong oras na ba? Bakit hindi pa rin ako naka ramdam ng antok, gusto ko nang matulog pero ayaw pa pumikit ng aking mga mata. Bakit kaya? Wala naman akong iniisip na kung ano pero bakit hindi ako makatulog. 'Yon talaga ang problema ko minsan tuwing gabi 'yong hindi agad ako makatulog.
"Magtimpla na lang muna nga ako ng gatas" Bulong ko, syempre gabi na bawal na tayo mag-ingay at bawal na tayong sumigaw.
Bumaba na ako at pumunta sa kusina, binuksan ko muna 'yong ilaw para naman maliwanag kasi madilim eh. Kailan ba naging maliwanag pag walang ilaw? Utak ba utak.
"11:10 na pala hindi pa rin ako inaantok" bulong ko ulit sa sarili.
Habang nakaupo lang ako sa kusina ay parang may napapansin ako na tapak mula sa hagdan at may malamig na hangin na nasaharalan ko. Bakit ang lamig ng hangin, kanina ang init tapos ngaton ang lamig na.
Naririnig ko ang mga tapak mula sa hagdan na malalaki. Omg! Baka may kapre dito!! Bakit ang laki ng tapak? Dati pag lumalabas ako at pupunta dito sa kusina ng ganitong oras wala namang tapak na gano'n kalaki.
"May tao dyan?" Tanong ko pero walang boses na sumagot sa akin.
Dahil sa walang may sumagot sa tanong ko hindi na ako ng dalawang isip na kunin 'yong walis malapit sa ref. Sa sobrang takot ko inubos ko na lang agad 'yong gatas na tinimpla ko kahit mainit, napaso na nga 'yong dila ko sa sobrang init. Bahala na kahit napaso 'yong dila ko basta I'm ready na pag lumapit 'yong kapre.
Nang naramdaman ko na malapit na sa kusina 'yong mga yapak at nag ready na ako at hinawakan ko nang mabuti ang dala kong walis. Agad na bumukas ang pintuan at ako naman ay kung sino pa 'yon basta ako tamang palo lang ako kung sino man ang gumawa ng mga yapak.
Habang pinapalo ko kung sino man ang taong gumawa ng yapak, hindi ko alam kung tao man pero naramdaman ko na pinipigilan ako nito. Nakapikit kasi ako kaya hindi ko nakita kung sino man 'yon.
"Avianna! Wait, ang sakit!" Rinig kong boses. Wait? Si Luke? Bakit siya nandito? Bakit pa siya gising?
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita ko agad ang pagmumukha ni Luke. Gago, sobrang kapal, di joke.
"Oh, i-ikaw pala" nahihiya kong ani. Parang gusto ko na lang matulog kahit hindi pa ako inaantok.
"It's 11:20 na bakit gising ka pa?" Tanong niya sa akin. Hindi ba obvious na kaya nga ako gising kasi hindi pa ako inaantok?
"Hindi pa ako inaantok eh" ani ko "Ikaw bakit gising ka pa?" Pagbabalik kong tanong
"Same" sambit niya
"Ah okay" ani ko "By the way, Good night babalik na muna ako sa taas" aalis na sana ako pero may sinabi siya
"You said na hindi ka pa inaantok, pwede ba tayong mag usap kahit saglit?" Ani niya. Ano ba 'yong pag-uusapan namin??
"Sure?" Hindi ko alam kung kaya ko ba talagang makipag-usap sa kaniya one on one eh.
Nauna siyang pumunta sa may sala at umupo, parang seryoso ang pag-uusapan namin. Sumunod na lang din ako sa kan'ya, pero hindi ako umupo kung saan siya umupo, baka kung ano pa sabihin eh, tunayo na lamang ako kasi gusto ko.
"Ano ba 'yong pag-uusapan natin?" Tanong ko, syempre para malaman ko eh kung wala namang kwenta babalik na lang ako sa taas.
Umiling na lamang siya.
"Hm? Wala kang sasabihin?" Tanong ko ulit sa kaniya, medyo na badtrip ako sa part na hindi niya ako sinagot "Kung wala babalik na lang talaga ako sa taas"
"Wait." Ani niya, nakita ko sa mukha na may kung anong gumagambala sa kan'ya.
"Oh?" Sambit ko
"Can i ask? If okay lang. Sana masagot mo" Ani niya
"Sure" ano kaya 'yong tatanongin ng lalaking ito? At Bakit siya sa akin nagtatanong.
Mga umabot sa isang minuto na wala ingay kaming dalawa dahil ako uminom na lang ng gatas kakahintay ng tanong niya at siya naman tudo isip kung ano ang itatanong.
Alas 11:58 na pero hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok at gano'n din siya, siguro hindi pa ito inaantok dahil sa gusto niyang itanong sa akin, at sa tudo kakaisip ng kung ano.
"Bilisan mo na dyan two minutes na lang mag aalas dusi na oh" ani ko, na boboringan na ako dito kanina pa kasi ako naka tayo lang pero hindi pa naman sumasakit 'yong mga paa ko.
"Just wait, okay. May iniisip pa ako eh" Ani niya.
Kanina pa ito nag-iisip eh hindi pa rin siya tapos?hindi ba siya nagugulohan dahil sa kakaisip niya pwede siyang mabaliw, baliw na nga eh. Charot.
"Kanina ka pa nag-iisip eh" pagrereklamo ko
"Sino ang kanilang ama?" Tanong niya, na ikinagulat ko. Totoo ba 'yong narinig ko? Oh kathang isip ko lang 'yon?
"H-ha? A-ano?" Putol-putol na sambit ko.
"Sino ang kanilang ama?" Mahinahon niyang tanong
"A-ah, iyon ba? Wala na 'yong ama nila eh." Ani ko. What the? Ito ba 'yong tanong niya? Bakit niya ito ba tanong? Iyon ba ang dahilan kung bakit di pa siya natutulog.
"What the hell, Avianna! Kailan mo pa balak sasabihin ang totoo? Gusto mo na lang ba itago ang totoo sa anak mo? I mean sa anak natin?" Bigla akong natulala na parang binuhosan ng malamig na tunig dahil hindi ako maka galaw.
Pero paano? Paano niya nalaman? Bakit niya 'yon sinabi? Wala namang siyang alam simula noong una? Bakit? Bakit biglaan ang lahat?!
"What do you mean? Totoo naman 'yon sinabi ko!" Gusto kong umiyak pero umiibabaw ang galit ko. Tangina totoo naman 'yong sinabi ko eh!
" Anong totoo? Avianna, ako ang ama nila di ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin at bakit hindi mo sinabi ang totoo sa kanila?!" Galit niyang Sambit
"Bakit ikaw pa itong galit? Dapat nga ako ang magalit dahil bakit kapa nagpakita ulit? Bumabalik lang kasi 'yong lahat, 'yong sakit At iyong galit ko sa'yo!!" Hindi kk na mapigilan na umiyak "Kasalanan ko bang pinagtabuyan mo kami? Deserve mo naman 'yon kasi ang selfish mo! Sarili mo lang ang iniisip mo Luke!" Hindi na siya ng salita no'ng nasabi ko 'yon
"Bakit hindi ka makapagsalita? Ngayon Luke Sumbatan mo ako nang Sumbatan!" Sigaw ko
"Totoo nga ako ang ama, pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Tanong niya
"Kung sasabihin ko matatang-" naputol ang pagsasalita ko nang biglang nagsalita si Noah Mula sa taas.
"Tito Luke and Ma, ang ingay niyo. 12:20 am na bakit pa kayo gising at sumisigaw?" Tanong niya
"Sorry hon, balik na tayo sa taas" Ani ko at umakyat. Naiwan si Luke sa sala at ako naman hinatid si Noah sa Kwarto niya at Pinatulog ulit siya.
Ngayon na alam na niya, siguro lagi ko na lang 'yon maiisip sa tuwing gabi. Hays, ngayon na alam na niya lahat, paano na 'yong dalawa? Paano pag 'yong dalawa malaman nila? Magagalit ba 'yong dalawa sa akin? At baka kung malaman nila 'yon mapalit na din ang loob nila kay Luke.
Bahala na, basta iiwas na muna ako sa gulo. Kung malaman man nila ang totoo, nasabi ko naman sa kanila dati pa kung ano ang ginawa ng kanilang ama.
________
Hi, Enjoy reading. Sorry ngayon lang ako na update ng new chapter dahil busy ako lately, kaya sabi ko if 'di na masyado bawi ako.Fb: Aria Pierre
Ig: Naptweetiewp
YOU ARE READING
One Night With My Boss(COMPLETED)
RomanceAvianna is a student she take the course of culinary who works at a company where the man she likes is a ceo of the company. Not everything has been easy because many of his employer also like him. They both did something and the man didn't want to...