HERA'S POINT OF VIEW
Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang bigla siyang sumakay sa kotse habang ngingiti-ngiti. Okay, challenge again.
"Babalikan kita rito sa bakasyon kaya don't worry. Pagtuonan mo muna ng pansin ang pag-aaral at abilities mo. Keep safe!" Narinig ko pa siyang humahalakhak bago umalis kaya napasimangot na lang ako.
Paniguradong mahihirapan na ako ngayon. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa mga naiisip ko. Hindi ko akalain na magagawa ito sa akin ni Dad – ang biglaang pagsabi ng katotohanan.
Fine. Kung Wolverian talaga ako, I'll accept it but not until I have those wolf abilities. At saka, gusto ko rin namang maranasan ang pananatili rito kaya challenge accepted.
Napakarami pa ring katanungang gumugulo sa isip ko kaya napagdesisyunan ko munang hanapin ang sinasabi ni Dad na paaralan – ang Órasi Academy. Ang weird ng pangalan nito. Siguro, ancient word ito. Ugh! Whatever.
"Hi, Robot!" bati ko sa robot na dumaan sa harapan ko kaya napahinto ito sa paglalakad at napaharap sa akin. Kinikilabutan pa rin ako sa green eyes nito pero pilit kong hindi ipinahalata.
"Hindi kami robots. Wolvots kami."
Nakapagsalita pa ako sa Ingles, alam naman pala nilang magsalita sa Tagalog.
"Wolbots―"
"Wolvots."
"Whatever. Saan ba makikita ang Órasi Academy?" tanong ko.
Tinuro niya ang direksyon ng gubat. Kahit na maaraw ang panahon ngayon, napakadilim pa rin sa loob ng gubat. Tila hindi ito nasisinagan ng araw.
"Gusto mo bang samahan kita?" Nakahinga ako nang maluwag noong marinig ko ang alok niya kaya napa-oo agad ako.
Nasa bungad pa lang kami ngunit ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng mga kamay ko kaya napahigpit ang pagkakahawak ko sa straps ng napakabigat kong backpack.
Cool! Bigla na lang nag-transform ang kamay ng kasama kong Wolvot sa flashlight. Grabe! Sobrang bilib na ako sa mga inventors dito.
Mabuti na lang at hindi gaanong malayo ang nilakad namin dahil nangangawit na ang katawan ko sa pagbubuhat. Pagkaraan lamang ng ilang minuto, bumungad na sa amin ang maaliwalas na kapaligiran. Para akong nabuhayan muli pagkatapos ng madilim na kahapon.
"Hanggang dito na lang ako." Napalingon ako sa kasama ko habang nakakunot ang aking noo. "Kaming mga wolvots ay ipinagbabawal na pumunta rito dahil mga lookouts lang kami. Sige na. Mauna na ako. Baka may iba pang makakita sa akin."
"Salamat."
"You're welcome." Kahit na robot siya, may puso din pala. Hindi tulad ng mga kaklase ko sa dating pinag-aaralan ko – mga bullies.
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad ko nang mapansin ko ang isang napakalaking structure mula sa hindi kalayuan. Mukhang malaking school ito kaya dali-dali akong tumakbo.
Agad-agad akong napahinto sa harap ng dambuhalang golden gate dahil sa pagod. Habang inililibot ko ang aking paningin sa kapaligiran, napansin ko ang isang signage na nakadikit sa pader na nasa right side ng gate.
[ÓRASI ACADEMY: SCHOOL OF THE WEST]
I'm here! I'm finally here! Dito ako mag-aaral sa malapalasyong lugar na ito. Hindi na ako makapaghintay.
Sa kadahilanang pinangunahan na ako ng excitement, inilabas ko na mula sa loob ng backpack ko ang isang green envelope na naglalaman ng papeles at perang pambayad sa tuition fee ngunit noong sinilip ko ang laman nito, mga papeles lang at ang pang-allowance ko ang mayroon. Hala! Paano na iyan?!
Pumasok ako agad nang papasukin ako ng dalawang guards na nasa magkabilang dulo ng gate.
"Um, saan po ba ang main office rito?" tanong ko sa isang bantay.
Itinuro niya ang malaking building na nasa gitna ng iba pang tatlong naglalalakihang building. "Fifth floor, Room 501," sambit niya.
Napahinga ako nang malalim pagkatapos kong magpasalamat kay Mr. Guard. Siguradong mapapagod na naman ako. Inayos ko muna ang salamin ko bago nagsimulang maglakad.
Napakaraming students dito. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil sa laki ng paaralang ito. Napayuko na ako noong pagtinginan na ako ng mga nakakasalubong ko. Ugh! Dapat kasi noong bakasyon pa ako pinag-transfer ni Dad. Parang pakiramdam ko tuloy, isa akong nerd na pusang napadpad sa mamahaling restaurant.
Nabitawan ko ang hawak-hawak kong envelope nang may mabangga ako. Halos mahulog pa ang eyeglasses ko. Hihingi na sana ako ng tawad ngunit hindi ko na nagawa noong makita ko siyang nakangisi. Okay, I knew it. Sinadya niya iyon.
"Transferee, huh? Mahina. Anyways, I'm Vanessa Dela Vega. Nice to meet you and, welcome to our academy." Nakakaasar ang tono ng boses niya, ah. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya bago siya umalis. Ganito ba talaga mag-welcome ang mga students dito? Walang pinagkaiba sa dati kong eskuwelahan.
Pinulot ko na lang ang envelope saka pinagpag. Sa halip na habulin ko pa iyon at patulan, tahimik na lang akong naglakad papunta sa main office dahil alam ko naman na wala akong laban sa mga Wolverians.
[501]
Sa wakas, nandito na rin ako. Grabe, ang hirap umakyat sa stairs. Hindi ko naman kasi alam gamitin ang elevator dito. Masyadong high-tech, eh.
Pinunasan ko muna ang mukha kong basang-basa na ng pawis gamit ang mga palad ko bago kumatok sa pinto. Nagulat na lang ako nang bigla itong magbukas.
"Come in." Kusang naglakad papasok ang mga paa ko no'ng marinig iyon.
Bumungad sa akin ang napakalawak at napakaaliwalas na loob ng office. Pinaupo ako ni Sir Paul sa isang wooden chair sa harap ng desk niya.
Siya si Mister Paul Segovia, ang headmaster ng Órasi Academy ayon sa isang student na napagtanungan ko kanina. Isa rin daw siya sa mga leaders ng mga Wolverians.
"Alam mo na ang pangalan ko, tama ba?" nakangiting tanong niya. Napatango na lamang ako dahil sa kaba. "Are you the daughter of Mister Leo Hizon?" he asked.
"Yes po. Paano po ninyo nalaman?" I curiously asked.
"He is one of my friends. What's your name?"
"Hera Hizon po." Kumunot ang noo ko nang bigla na lang siyang tumawa.
"Don't mind me. Ang mga papeles?"
Agad ko namang inilabas ang mga papers mula sa loob ng envelope at ibinigay sa kanya. Habang pinagmamasdan niya ang mga iyon, hindi na ako mapakali. Paano na ang pang-tuition ko? Hala! Si Dad naman kasi, makakalimutin na pala.
BINABASA MO ANG
Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)
Science FictionWolvers Series #1 Her name is Hera Hizon, a genius student and a calculative person. His father brings her to a place unknown to humanity and transfers her to an odd school. She never believes in supernatural beings before but after witnessing his f...