HERA'S POINT OF VIEW
"How?" Bahagyang kumunot ang noo ni Aiden at halos magsalubong na ang kanyang mga kilay.
I smirked. "You don't know? How come?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin ang mga salitang iyon. How come he didn't know? He has the Greek Alpha mark at matagal na siyang naririto, bakit hindi niya alam?
"Look. Am I going to ask if I already know?"
"Dumb," bulong ko.
"What―"
"Wala. Ang sabi ko, hindi mo alam kasi ako lang nakakaalam ng ganoong sagot," padabog kong sabi.
"Okay. That's enough. Now, Hera, explain it to us," utos ni Sir Steven.
"Um, Sir, may I just demonstrate it?" tanong ko.
"Do what you want. Just make sure to enlighten us."
Napansin ko ang pagngisi ni Aiden sa akin na parang sinasabing papalpak ako. Well, he's wrong.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tinignan nang diretso sa mata si Mister Alpha bago binalingan si Sir Steven. "Sir, kailangan ko po ng gaganap na kalaban ko."
"Choose who you want," malamig niyang sabi.
"Choose me!" sigaw ni Joshua na parang batang nagmamakaawa. I am sorry, kid. I don't want a match with you.
Tinignan ko nang nakakaloko si Aiden. Mukhang alam niya naman na ang ibig sabihin niyon dahil napatayo siya at hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang patalim. Tahimik kaming naglakad papunta sa kalagitnaan ng right side ng gymnasium. Siguro, nagtataka kayo kung paano nila kami makikita, ano? Well, pwede naman nilang gamitin ang wolf abilities nila. Bahala na silang dumiskarte.
"How can you get me down first?" tanong ng kaharap ko. Ah, hindi niya pa rin talaga nakukuha ang ibig kong sabihin.
Agad-agad akong pumosisyon nang walang alinlangan. "It's easy," sambit ko. I know, I know. My answer is far from his question. Gusto ko lang siyang inisin.
"Go!"
When Ma'am Emily gave us a signal, I immediately ran to his back. Sinipa ko ang kanyang mga binti na naging dahilan ng pagkadapa niya. Napadaing siya dahil bumagsak ang kanyang katawan. Dali-dali kong hinablot mula sa kanyang kamay ang kanyang patalim na hinawakan ko nang mahigpit. Maingat akong umupo sa kanyang tabi.
My lips formed into a curve noong makita ko sa mukha niya ang pamimilipit. Napalakas yata ang pagkakasipa ko.
Pinagmasdan ko ang patalim ng weapon niya hanggang sa mapunta ang paningin ko sa dulo nito. "May lason ito?"
"Wala―"
"Great."
"Ugh!" Napahawak siya sa kanyang braso na nagsimula nang dumugo. Marahan akong tumayo nang sinamaan niya ako ng tingin. It serves him right.
"Don't blame me, okay? I just took my revenge and now, we are quits."
Nakatutok lamang ako sa pagkain ng pizza na nasa ibabaw ng plato ko kahit na nagdadaldalan ang dalawang babaeng nakaupo sa aking harap. Ewan ko ba? Nasanay na siguro ako. Paano ba naman ako hindi masasanay? Araw-araw yata nila akong sinusundan.
"Hera, nakapag-impake ka na?" Umangat ang aking tingin kay Nicole nang magtanong siya.
Kumunot ang noo ko noong mag-sink-in sa isip ko ang kanyang sinabi. "Nakapag-impake?"
"Hala. Huwag mong sabihing nakalimutan mo." Pinanliitan ko siya ng mga mata habang pilit na inaalam ang tinutukoy niya. "Bukas na ang tournament."
Bigla kong nabitawan ang slice ng pizza na hawak-hawak ko nang marinig ko ang salitang iyon – tournament. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko.
"O-okay ka lang?" Lumipat ang tingin ko kay Chloe na kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
"O-oo naman. Nabigla lang ako na bukas na pala iyon. Anyway, may training pa ba tayo mamaya?" pag-iiba ko ng usapan.
"According to Aiden, wala na raw. Usap-usap na lang," ani Nicole.
"Sa gymnasium ulit?" tanong ko.
"Yeah, Ate." Napatigil ako sa pagsusuot ng aking backpack nang marinig ko ang tugon ni Chloe. Noong tinignan ko siya, gulat din siya at umiwas ng tingin. "So-sorry." Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at biglang hinatak si Nicole.
"See you later!" sigaw ni Nicole sa akin bago sila makalabas ng cafeteria. I nodded and smiled at them.
This is the first time I heard that word from Chloe. Ilang araw na kaming magkakasama pero ngayon lang talaga. And why did she say sorry?
I just shook my head to remove that thought.
Aalis na sana ako noong bigla akong hinarangan ng working student na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Nakangiti na naman siya nang pagkalawak-lawak kaya hindi ko na namang maiwasang mapaisip.
"What?" I asked.
Maingat niyang kinuha ang aking kanang kamay at inilagay sa ibabaw ng palad ko ang isang silver necklace na may full moon pendant. "May nagpapabigay sa iyo. Iyong dati rin. Ang sabi niya, lucky charm mo raw. Kahapon niya pa pinapaabot sa akin iyan kaso naging busy ako, kaya ngayon na lang."
"Thanks." Napahigpit ang hawak ko sa necklace nang bumalik na sa counter ang kausap ko. Inilagay ko ito sa bulsa ng PE pants ko.
"Hera? Hera? Do you hear me?" Lumabas ako ng cafeteria para marinig nang maayos ang boses na nanggagaling sa earpiece ko. "Hera? Do you hear me? Hey!" Ah, si Joshua lang pala.
"Yeah, what now?"
"You need to go in your room, now. Mayroon daw kahina-hinalang pumasok doon, sabi ng ilang estudyante."
"Oh, really? Don't make a prank on me, Joshua."
"Believe me—"
"You want to see her, right? Well, it's your choice," sabat ni Aiden. Agad na nag-sink in sa akin iyon. Posible kayang . . . nandoon siya?
Dali-dali akong tumakbo papunta sa room ko at hindi na nagpatumpik-tumpik pa. Subalit, pagkapasok ko at hinalughog ang bawat sulok, wala naman akong ibang bakas na nakitang nandoon nga siya.
Napabuntong-hininga na lamang ako sabay upo sa gilid ng aking kama. Maybe, it's just a prank . . . pero may kutob akong hindi. Napakaseryoso ng boses ni Mister Alpha kanina.
Sa halip na magpakabaliw ako sa kakaisip, kinuha ko na lang ang silver necklace. Pinagmasdan ko ito nang maigi sa aking harapan.
Hindi sinasadyang napunta ang aking tingin sa salamin na nasa tabi ng kama ko. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita – isang green sticky note. Agad ko itong kinuha at binasa.
[Hera,
I know, you are strong. Alam ko, ang pagpatay ay mahirap gawin but isa ito sa kailangan nating gawing mga Wolverians. Hindi kailanman ito mawawala.
I hope, you'll survive. No, you will survive. I'm sure, you can. Survive for us and also, for yourself.
Good luck, Hera, our future protectress.
- Mom]
"Thanks, Mom." Pinahid ko ang luhang kumawala na mula sa aking mga mata. "I will."
BINABASA MO ANG
Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)
Fiksi IlmiahWolvers Series #1 Her name is Hera Hizon, a genius student and a calculative person. His father brings her to a place unknown to humanity and transfers her to an odd school. She never believes in supernatural beings before but after witnessing his f...