Chapter 3

24 7 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

"Here's your schedule." Iniabot niya sa akin ang green na papel na sa tingin ko ay ka-size ng short bond paper. "Room 201 ang kuwarto mo sa dormitory. Para hindi ka malito, sa west ang dorm, sa east ang school building, itong building ang main building, at sa likod nito ay ang gymnasium. Sa first floor ng dormitory, makikita ang dining hall at cafeteria. Bahala ka nang mamili kung saan mo gustong kumain."

"Magkapareho lang din po iyon, tama ba?"

"Hindi. Sa cafeteria, simple lang. Sa dining hall naman, high-classed."

Whoa! Grabe, ah. Pati sa kainan, dalawang klase.

"Ah, ganoon po ba? Okay po." Sa cafeteria na lang ako dahil baka wala pang isang linggo, kapag sa dining hall ako kumain, ubos na ang allowance ko.

"Huwag mo nang problemahin ang tuition fee mo. Nabayaran na ni Leo noong nakaraang araw." 

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pumunta rito si Dad? "Seriously, Sir?"

"Yes. Bakit? Hindi niya sinabi sa iyo?" Napailing na lang ako. "Oh, talagang sinorpresa niya ang anak niya, ah." Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumawa na naman siya. Hindi ko inaasahang ganito ang ugali ng isang headmaster. It's far from what I expected.

But hey, why did he emphasize the word 'anak'? Nakatatawa bang maging anak ng Dad ko.

"Um, mayroon po ba kayong map ng academy?"

Binuksan niya ang drawer ng kanyang table at tila may kinalkal sa loob nito. Pagkaraan ng ilang sandali, iniabot niya sa akin ang isang bagay na gawa sa bakal.

Kung pagmamasdan ito nang maigi, para itong compass ngunit walang letters kundi mga guhit lang ang mayroon. May maliit din itong arrow sa loob na kulay berde.

"It's a compass but a different one. Sabihin mo lang kung ano ang lugar na gusto mong puntahan at ituturo niya na ang direksyon." I smiled widely because of that. "Dito lang sa loob ng academy iyan gumagana dahil dito lang naka-program 'yan."

Oh, I see.

Ilang hours ko palang rito but I'm starting to like this place. Ugh! Hindi ko talaga inakala na makapupunta ako sa ganitong lugar. It feels like I'm dreaming.

"Hera?" Napatigil ako sa pag-iisip at automatic na napalingon kay Sir Paul. Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng kanyang noo. "Humiwalay na ba ang isip mo sa katawan mo?" Biglang nag-sink-in sa akin ang kanyang sinabi kaya napatawa ako nang mahina.

"Hindi pa po."

"So, hihiwalay talaga ang isip mo sa katawan mo? That's impossible."

"Maliban na lang po kung gagamitan po ninyo ako ng device or apparatus na kayang gumawa ng ganoon."

"Intelligent, huh? Well, wala namang ganoon dito dahil wala pa namang nakaiimbento." Napabuntong-hininga na lang ako. Akala ko pa naman kung mayroong ganong bagay. "May nakalimutan ka pa ba?"

"Kayo po dapat ang tanungin ko niyan. May nakalimutan pa po ba kayo?" Mukhang naguluhan siya sa winika ko kaya I decided to state it clearly. "Kung hindi po ninyo maalala, remind ko na lang po kayo, Sir. Uniforms ko po?"

"Ah, oo nga pala. I apologize. Uniforms for this girl!"

Hindi ako sigurado kung ako ba ang pinagsabihan niya ng last sentence ngunit agad akong napatayo at napaatras. Bigla na lang may lumabas na isang human-sized robot sa pader na nasa likuran ni Sir Paul. May dala-dala itong mga nakatuping damit na sa palagay ko ay mga uniporme. Nanigas ang buong katawan ko nang lumapit ito sa akin.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sir Paul na tila inaasar ako kaya I managed to get my uniforms immediately. Laking pasasalamat ko naman nang lumayo na ang robot mula sa akin ngunit hindi naman ako makahinga nang maayos dahil dumaan na naman ito sa pader.

"Multo iyon." Nalipat ang tingin ko sa headmaster na nagpipigil ng tawa. Ano raw? Multo iyon? "No, it's not. It's a human-sized Wolvot."

"Nabasa po ninyo ang iniisip ko?"

"Hindi. Halata naman sa mukha mo. You look horrified. Kaunti na lang, mauubusan ka na ng dugo," sabay tawa niya nang pagkalakas-lakas.

"Um, Sir? Paano po tumagos sa concrete wall hayung Wolvot?"

"I don't know. Ang mga inventors lang ang nakakaalam." Nakadidismaya naman. "First day mo na bukas kaya magpahinga ka―"

"Wait lang po. Paano po ang school supplies ko?"

"Nasa loob ng locker mo. Hindi pa secured iyon kaya puntahan mo na at lagyan ng password."

"But Sir, how can―"

"Use this, Hera," sabay turo niya sa right side ng ulo niya. Napatango na lamang ako. "You may go."

Palabas na ako nang biglang tinawag ni Sir Paul ang pangalan ko kaya napahinto ako.

"What is it, Sir?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim kaya tuluyan na akong humarap sa kanyang direksyon. Nagulat naman ako nang makita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"Being a Wolverian is not easy. Be strong."

Kanina pa nag-e-echo sa loob ng isip ko ang mga salitang iyon. Being a Wolverian is not easy? Bakit? Sa pagkakaalam ko, mas madali ang pagiging Wolverian dahil mayroong wolf abilities na pwedeng gamitin to keep ourselves safe and to do things easily.

Maybe, may malalim pang ginagampanan ang mga Wolverians na mga responsibilidad—that's it! I have to find it out!

Dali-dali akong napabangon sa kama at tumakbo palabas ng room ko. Aking inilabas ang compass mula sa pocket ng fitted jeans ko. Ikatlong beses ko nang gagamitin ito. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong great traveler.

"Where is the library?"

Gumalaw ang arrow at itinuro ang direksyon ng school building kaya nagsimula na akong maglakad. Nang makarating ako sa harap nito, itinuro ng arrow ang stairs. Nakaiilang palapag na ako pero hindi pa rin iyon gumagalaw. Nasira na yata.

"Aray!" Agad akong napahawak sa aking noo na hindi sinasadyang mapauntog sa pader. Hinilot ko ito hanggang sa mawala ang sakit. Ugh! Mabuti na lamang, ako lang ang narito dahil kung nagkataon, hindi ko kakayanin ang kahihiyan.

Nang hindi na umiikot ang aking paningin, bumungad sa mismong pader na nasa harap ko ang isang signage.

[<--- LIBRARY <---]

Tahimik akong pumasok sa dambuhalang wooden double door kung saan nakaturo ang arrow. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon