Chapter 15

6 3 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

Una, nagkaroon ako ng mga special abilities. Pangalawa, nasugatan ang balikat ko dahil sa test kanina sa gymnasium. Pangatlo, nakaaway ko pa si Vanessa at panghuli, nalaman ko na pagsubok lang pala ang lahat. Napakagaling din ng grupong ito. Kinailangan pa talagang gumawa ng setup para sa akin. Take note: hindi ako natutuwa.

"Congratulations, Hera!"

Automatic na napadilat ang mga mata ko nang may biglang yumakap sa akin nang mahigpit. Kulang na lang yata, tanggalan na nila ako ng hininga.

Napakunot ang aking noo noong mag-sink-in sa utak ko ang kanilang sinabi. "Late reaction, huh," sambit ko.

Kumalas sila mula sa pagkakayakap sa akin at tinignan nila ako nang seryoso. Okay, may nasabi ba akong mali? "You didn't understand, right?" tanong ni Chloe.

Ano ang hindi naintindihan?

Magtatanong sana ako ngunit nagsalita pa siya. "Can you see us clearly?" she asked.

Inisa-isa ko silang tiningnan para makakita man lang ng clue kung nagbibiro ba siya ngunit bigo ako. Tulad ng mga mata ni Chloe, bakas rin sa kanila ang pagtataka maliban kay Aiden.

"Yes," sagot ko sabay tango. "I can see clearly dahil sa glasses ko—wait, what?!" Hindi ko na maramdaman ang bigat ng salamin ko kaya dali-dali akong napahawak sa aking mukha. "Where's my—iyon nga!" Napatingin ako sa lupang natatakpan ng mga tuyong dahon kung saan ako napadapa kanina. Napansin ko agad ang bitak-bitak na eyeglasses ko. Sabi na nga ba, iyon ang nabasag kaninang narinig ko.

Nakatanggap sila ng masamang tingin mula sa akin. Sa halip na matakot sila, lalo pa silang ngumiti. Okay, are they playing with me again?

"Alam ba ninyo kung gaano kamahal iyan?" Kulang na lang, isigaw ko iyon sa sobrang inis.

"Siyempre, hindi. Kami ba ang bumili niyan?" sagot ni Joshua habang pasimpleng pinagmamasdan ang kanyang mga kuko sa kaliwang kamay niya.

Napahinga ako nang malalim sabay hilot sa magkabilang gilid ng ulo ko. Kaunti na lang, makakapatay na talaga ako.

Kasalanan nila ito. Hindi sana masisira ang eyeglasses ko kung hindi nila ako ginawan ng test―uh, whatever. Nasira na. Wasak na. Ano pa bang magagawa ko?

"Don't worry." Nabaling ang aking atensyon kay Nicole na tumapik sa balikat ko. "Hindi mo naman na kailangan ng glasses. Malinaw na ang paningin mo."

Bakit imbes na bumuti ang pakiramdam ko, mas lalo pang sumama?

"You don't know how important it is for me." Tumalikod ako at aalis na sana ngunit nagsalita si Aiden.

"And where are you going?"

"It's none of your business."

"Kailangan mo munang sumama sa amin—"

"At bakit?" Hindi pa nga siya humihingi ng tawad, nag-uutos na naman.

"Because I'm the future Alpha at walang sinuman ang sumusuway ng utos ko."

Napangisi ako bago tuluyang napaharap sa direksyon niya. "Oh, really? Well, I'm going to break that record of yours." Mas lumawak ang ngisi sa aking mga labi noong makakita ako ng invisible smoke na mula sa kanyang mga tainga. After a few seconds, he transformed from being human to being a beast. Siyempre, I'm just kidding.

"Hera, don't try to get on his nerves," babala ni Chloe habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Aiden.

"On the count of three. One."

Biglang bumalik ang tingin ko kay Aiden. Agad akong nataranta. What's happening to me?

"Two." Damn, hindi ako mapakali.

Then suddenly, "Fine!" I shouted. "Sasama na ako."

Grabe ang mga ito. Hindi man lang ako hinayaang mag-lunch muna bago pumunta sa main office. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

May urgent meeting daw ang mga HG officers kasama ang headmaster, HG adviser, at ang isang bagong teacher. Hindi naman nila binanggit kung sino iyon.

"Oh, Hera! Hindi na ba malabo iyang paningin mo?" Sa lahat pa ng unang mapapansin ni Headmaster Paul, bakit ako pa?

"Hindi na po, Headmaster," sagot ko na may kasamang ngiti.

Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ng pinto nang bumukas ito. Pumasok rito si Ma'am Emily kasama ang isang hindi pamilyar na lalaki.

"Um, Headmaster, students, this is Mister Steven Narvaez," pagpapakilala ni Ma'am Emily sa kanyang kasama.

"It is nice meeting you, Gamma," wika ni Sir Steven habang nakikipagkamay kay Headmaster matapos nilang makalapit sa table niya. After that, inisa-isa niya kaming pinukulan ng tingin.

"These are the students who will fight for their lives," ani Headmaster.

Bahagyang napakunot ang aking noo dahil doon. Fight for our lives? What does he mean?

"Ah, I see. I'll be your—"

"Wait!" Napahinto sa pananalita si Sir Steven sa biglaang pagsigaw ko. Napalingon silang lahat sa akin at bakas sa kanilang mga mata ang pagtataka. "Students who will fight for their lives? What do you mean, Headmaster?" Hindi ko na nakayanan ang curiosity ko.

"Kung ano man ang nasabi ko, iyon ang mismong ibig sabihin niyon. Kayong may mga Greek small letter marks ay makikipaglaban para sa inyong mga sariling buhay." Nanindig ang mga balahibo ko sa kanyang sinabi. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at tuluyan ng naging seryoso ang kanyang mukha. "Simula noong nagkaroon kayo ng mga marka, nakatakda na kayong makipaglaban kay Kamatayan. At kailanman, hindi ninyo matatakasan."

So that explains it! Bigla kong naalala ang discussion namin noon ni Ma'am Cortez sa library. Kaya pala imbes na 24 ranked leaders ang namumuno ngayon, 5 ranked leaders na lang dahil sila lang ang naka-survive.

Biglang nanlaki ang aking mga mata sa napagtanto ko. "So it means . . . we're going to play . . . a survival game." Just like what my parents did.

"Bingo!" Mas lalo akong nanigas sa aking kinatatayuan nang sumigaw si Headmaster Paul. Marahan siyang ngumiti at napaakbay kay Sir Steven na seryoso lang ang mukha. "Just like what we did." Muli siyang umupo sa kanyang kinauupuan kanina. Kasabay nito ang dahan-dahan niyang pagpalakpak. "Very smart, Hera. You're smart like my son," tukoy niya kay Aiden. Napaangat tuloy ang kanang kilay ko. "Anyway, this is too sudden but . . . dahil next week na ang Iykos tournament, you are going to train yourselves in the rest of the week. Your training will start tomorrow. Emily and Steven will teach anything you didn't know about the game strategies and rules. They will also help you to improve or enhance your skills. Are we clear?"

"Yes, Gamma!" tugon ng lahat maliban sa 'kin. Mukhang natanggalan na ako ng kakayahang magsalita dahil sa nalaman ko.

"Dismiss!"

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon