Chapter 26

7 4 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

Napatitig na lamang ako sa patalim ng aking silver sword. She can kill me but sad to say, I can't kill her.

You can do it because you need to do it. Do you understand me? You can kill, Hera. Anyone can kill.

I can do it because I need to do it. I can because I need to.

"Mabagal ka," panlalait ng babae.

"Really? Then, try to avoid this!" Agad akong umikot sabay pagwasiwas sa aking sandatang humiwa sa kanyang leeg.

Oh! She's wearing a yellow uniform – from Myrodiá.

Nag-echo pa sa loob ng kagubatan ang pagbagsak ng kanyang ulo at katawan sa lupa. Kumalat ang napakaraming dugo sa palibot nito nang patuloy-tuloy.

Isinuot ko ang backpack ko at agad kong kinuha ang mansanas. Napansin ko ang napakaraming talsik ng dugo sa balat nito kaya pinunasan ko ito sa tela ng PE pants ko.

Bumalik sa panginginig ang mga kamay ko nang masilayan ko muli ang bangkay ng aking pinatay. I didn't think that I can kill in brutal way.

Lumipat ang aking tingin sa aking wrist. Nagbabago na ang mark ko.

[ω (Lower Omega) ---> χ (Lower Chi)]

"I apologize for killing you," bulong ko bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

"Hera, are you still there?" tanong ni Joshua.

"Yeah, I'm still here."

"Bakit tahimik ka?" Si Joshua naman ang nagtanong.

"I-I j-just . . . killed someone. I murdered."

"Sis, are you okay?" Ian asked.

"I-I guess, I'm a monster now," natatawa kong sabi. Ewan ko ba? Parang nasisiraan na ako ng bait. Paulit-ulit pang nagple-play sa isip ko ang mga ginawa ko kanina.

"Dati na—oops! Sorry, Sis."

"It's fine." Inihagis ko sa malayo ang pinagkainan ko ng mansanas.

"Sorry—shit!"

"H-hey!" Automatic akong napahinto sa paglalakad. "Ian? What happened?"

"Siguro, inatake siya," ani Nicole.

IAN'S POINT OF VIEW

Sakit, ah. "Hoy! Madaya ka! Alam mo ba iyon?" sigaw ko at tinanggal sa panang naitusok sa binti ko. Kaunting force lang ang nai-exert dahil kung hindi, pati buto ko, naapektuhan.

"Walang . . . rule . . . bukod . . . sa . . . patayan," sumbat niya. Hindi ko naman malaman kung saan banda siya naroroon dahil paiba-iba ang direksyon kung saan nanggagaling ang boses—teka, if I am not mistaken . . .

"Kilala mo ba kung sino ang pinupuntirya mo? Ha?"

"Siyempre . . . hindi . . . Ngayon . . . nga . . . lang . . . kita . . . nakita." Napangisi ako noong sumagot siya. Hindi dahil sa naging sagot niya. Alam ko na . . . kung nasaan siya nagtatago.

Ibinato ko ang aking patalim sa itaas na parte ng isang puno na nasa kanan ko.

"Ugh!" Nahulog siya mula sa puno kasama ang kanyang bow at arrows.

Siguro, nagtataka kayo kung paano ko nalaman. Too easy. Sa bawat paglipat niya, sinunod niya ang pattern ng Sign of the Cross.

Lumapit ako sa kanya para kunin ang aking patalim. Buhay pa rin siya kaya inapakan ko na lang muna ang patalim na nakatarak na sa kanyang dibdib.

"He didn't h-hear m-my p-pray," sambit niya habang nakatingin sa kalangitan. Lumabas ang napakaraming dugo mula sa kanyang bibig.

"Narinig Niya. Napakalakas nga, eh. Sa sobrang lakas, iyon pa ang naging dahilan ng pagkamatay mo. My apologies. I want to live."

She smiled and nodded before she closed her eyes. She's . . . dead.

Noong tinanggal ko ang aking weapon mula sa kanyang katawan, 'di sinasadyang napunta ang aking tingin sa wrist ko.

[β (Lower Beta)]

Beta – the second highest rank. I don't need to get anyone's mark. I just need to protect what's mine.

"Ian?" Oh, she's worried.

"Sorry, Sis. Pinatay ko lang si Mu," sagot ko.

"From?"

"She's from Myrodiá."

"Anyway? Did you get hurt?" Oh, she's really worried. Makaasar nga sa lokong iyon.

"Yes, I am. Sobrang sakit ng binti ko. Natamaan ng pana ni Mu." Pinaramdam ko pa sa boses kong talagang nasasaktan ako. For sure, mapipikon ang isang iyon.

"Ah, okay," tugon niya.

Ano ba naman iyan? Hindi man lang sinakyan ang trip ko.

HERA'S POINT OF VIEW

Nagpatuloy rin ako sa paglalakad nang sumagot si Ian. Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari roon.

"Chloe, Nicole, kumusta na kayo?"

"Okay lang naman!" sambit ni Nicole.

Huminto na naman ako sa ilalim ng isang puno when Chloe didn't respond.

CHLOE'S POINT OF VIEW

"Chloe? Hey? Chloe? Still alive?"

'Of course, Ate. I'm still alive.' If I could only tell those words—uh, I have to be quiet.

Tahimik kong pinapanood ang lalaking target ko. Kasalukuyan siyang kumakain. I'm just waiting for the right time to attack.

Napahigpit ang hawak ko sa handle ng whip ko. Here it is! Binuksan niya ang kanyang bottled water at dire-diretso iyong nilagok.

"Ugh!" he shouted. Patuloy siya sa pagdaing noong pumulupot sa kanyang leeg ang weapon ko. Dumaloy ang napakaraming kuryente sa katawan niya kaya makaraan lamang ang ilang sandali, wala na siyang buhay.

Napako ang aking tingin sa aking wrist.

[σ (Lower Sigma) ---> ρ (Lower Rho)]

Rho? Tumaas lang ako ng isang rank.

Ibinalik ko ang paningin sa bangkay. Sobrang sunog na sunog ito. Halos hindi na makita ang hitsura, pati ang kanyang blue uniform ay naging itim na.

"That's easy." Tama nga si Mama. It's better to kill them off-guard.

"Hey? Chloe?"

"Hi, Ate! Sorry. Na-delay ang reply ko," sabi niya.

"Thanks, God. Akala ko pa naman kung ano ng nangyari sa iyo. Anyway, congratulations."

"H-huh? W-wait, how did you know?"

"It's obvious," I replied as I smiled.

"A-ah, yeah. It's obvious."

"Whoa! Congrats, Chloe. Panalo—speaking of the devil. I got to go." Biglang naging seryoso ang boses ni Nicole so I guessed, mayroon na siyang kalaban.

NICOLE'S POINT OF VIEW

Tumalon pababa ang isang batang babae na nakasuot ng red uniform mula sa isang puno. Napahigpit ang hawak ko sa mga iron fans noong lumapag siya sa aking harap, ilang metro lang ang layo mula sa akin.

Ngumisi siya at itinutok sa aking direksyon ang kanyang espada. May bahid pa ng dugo ang patalim nito kaya sa tingin ko, may napatay na siya.

"Kid, how old are you?" tanong ko sa kanya.

"16."

"You look like 8 years old."

Mas lalong lumapad ang kanyang ngisi nang sabihin ko iyon. "Because I have a baby face," aniya sabay turo sa kanyang mukha.

"At pandak ka pa." Naging dark ang expression niya sa sinabi kong katuloy ng linya niya.

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon