Chapter 11

12 3 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

What? Seryoso ba siya—muntik ko nang makalimutan, seryoso pala siya parati. Halata naman sa hitsura niya ngunit parang joke ang pagkakadinig ko sa sinabi niya, eh.

"Biro ba iyan?"

"Of course, not." Mas naging dark ang expression niya.

"Then how can I see this damn seal you are talking about? Huh? Ilipat ko ang mga mata ko sa likuran ko para makita ko? Iyon ba—"

"Matalino ka ba talaga or such a stupid?"

Kung hindi lang ito ang future Alpha baka kanina ko pa nasuntok ang pagmumukha nito.

Nilunok ko lahat ang mga sinabi ko sa isip ko noong itinuro niya ang salamin sa tabi ng kama ko. Ugh! Another kahihiyan!

Napahawak na lamang ako sa noo ko bago naglakad palapit sa salamin. Dali-dali kong tinignan ang seal na tinutukoy niya dahil hindi naman ako naniniwala lalo na at noong last kong nakita itong batok ko, wala namang seal na nakalagay.

 Dali-dali kong tinignan ang seal na tinutukoy niya dahil hindi naman ako naniniwala lalo na at noong last kong nakita itong batok ko, wala namang seal na nakalagay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Itim na buwan na may puting crescent sa kanang bahagi nito. Kung hindi ko alam na seal ito, aakalain ko itong isang normal na tattoo.

"Pero paano? Paano ako nagkaroon ng ganito?" Hindi siya sumagot kaya napagdesisyunan kong ibalik ang aking tingin sa kanya.

"Nilagay siguro ng parents mo. Iyang ganiyang seal ay in-invent ng sikat na inventor 16 years ago dahil sa utos ng kasalukuyang Alpha. Siguro, may importante silang dahilan kung bakit nila nilagay iyan."

Siguro nga. Nagsisimula na akong magduda sa kanila. "Where's my Mom?" I need to ask her.

"Dynami. It's far from here. Anyway, gusto mo bang sirain iyang seal?"

"Seriously?" Ayaw ko nang maramdaman ang sakit na naramdaman ko kagabi.

"No. I mean, hindi totally na sisirain kung hindi another 12.5% pa para maging 25% na."

Huh? I don't understand. Ang gulo nitong magpaliwanag, kasinggulo ng pagmumukha niya – hindi malaman kung anong emotion mayroon siya. And why the hell am I judging him? 

"What do you mean?" tanong ko.

"Kung sisirain nang tuluyan iyang seal, pwede mong ikamatay—"

"What?" Napaawang ang bibig ko sa kanyang sinabi.

Marami pa akong pangarap sa buhay. Marami pa akong gustong abutin. Gusto ko pang makilala ang mga amazing scientists at inventors dito. Ayaw ko pang mamatay―okay, I exaggerated.

"Kaya nga 25% nga lang, hindi ba? Sapat na iyon para lumabas na nang tuluyan ang mga wolf abilities mo." Biglang kumunot ang noo ko nang magkaroon ng isang ngisi sa kanyang mga labi.

"Tinutulungan mo ba ako?" I looked at him suspiciously.

"Hindi ba?" He glared at me for the nth time.

"Yup. Malay ko ba kung ginagawa mo lang ito para paalisin ako," I said.

"Childish." I automatically rolled my eyes sa kanyang sinabi. "Seryosong usapan. Gusto mo bang lumabas ang wolf abilities mo o hindi?"

"Siyempre, oo. Sino ba naman ang hihindi?"

"Ikaw." Bigla akong nakaramdam ng inis nang marinig ko iyon. Iniinsulto ba niya talaga ako?

"And why, Mr. Alpha?"

Mas lalong nadagdagan ang inis ko noong pumalakpak pa siya nang dahan-dahan. "Maybe, because you're weak—"

"Are you underestimating me?"

"No. I'm just telling the truth."

"I'm not weak," mariin kong sabi.

"Then, show me."

Is he challenging me? If yes, well, challenge accepted.

"Fine, but . . ." Paniguradong mawawalan na naman ako ng malay just like what happened last night. Mahirap na dahil baka—whatever! Hindi naman siguro.

"But what?"

Grabe, mas lalo pa yatang naging masungit. Mas malala na sa ugali ng buntis.

"Alam mo naman siguro ang nangyari sa akin kagabi, hindi ba?"

"Kaya nga ako narito, hindi ba? Para tulungan ka."

"Fine." Huminga muna ako nang malalim bago ako naglakad palapit sa bintana. Dahil hindi pa rin ako mapakali, tinanong ko ulit siya. "Tutulungan mo talaga ako?"

"Ginagawa na nga, Miss Hizon—"

"Sure?"

"Yes—"

"Promise?"

"Trust me. Kung ayaw mong maniwala, gawin mong proof ang pagtulong ko sa iyo kagabi—"

"Okay na, Mister Alpha." I did not need more explanations. Sa ngayon, gusto ko munang palabasin ang tinatawag nilang wolf abilities. "Wait. Ano ba ang feeling nang may abilities ng wolf?"

"Mahirap sa umpisa ngunit habang tumatagal, dumadali na," sagot niya. Siyempre, mahirap sa umpisa—eh, bakit ko pa tinanong? Nahawa na yata ako sa kakulitan ni Joshua.

Bago pa sumabog sa pagkainip ang future Alpha, hinawi ko na ang kurtina. Agad na sumalubong sa akin ang sinag ng buwan kaya naramdaman ko na naman ang sakit na iyon but this time, sa batok ko naman. Pagkaraan ng ilang segundo, napahandusay na ako sa sahig dahil buong katawan ko na ang nangingirot. Para bang may matulis na bagay na dumadaloy sa bawat ugat ko. Kahit na gusto kong sumigaw, hindi ko magawa sa kadahilanang nanghihina na ako. Unti-unti ring nanlabo ang paningin ko ngunit naaninag ko pa rin si Aiden na nakatayo malapit sa aking kinaroroonan.

Habang tumatagal ang pagkakatitig ko sa kisame, unti-unting nawala ang sakit sa buong parte ng aking katawan. Tatayo na sana ako pero hindi ko na nagawa nang biglang sumakit ang ulo ko. Sa sobrang sakit, parang pakiramdam ko, sasabog na ang ulo ko anytime kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong magsisigaw-sigaw at gulu-guluhin ang buhok ko hanggang sa dumating ang oras na wala na akong maramdaman at marinig.

"A-ayaw ko na," bulong ko at hinayaan ko na lang ang sarili kong lamunin na ng dilim. "I'm t-tired."

Kagigising ko pa lang, kung anu-ano na ang naririnig ko. Nagpalinga-linga ako sa loob ng kuwarto ngunit wala namang ibang tao maliban sa akin. Bakit ganoon? Iba't ibang boses (mapalalaki at mapababae, may malakas at mahina, basta halu-halo na). Agad kong tinakpan ang magkabilang tainga ko ng unan dahil nakakarindi, tila sasabog na ang mga eardrums ko.

6:58 AM, two minutes na lang, magsisimula na ang first subject namin. Paano pa ako makakapasok kung ganito naman ang kalagayan ko? Parang pakiramdam ko, may tumatambol sa loob ng mga tainga ko kung tatanggalin ko ang pillow na ito. Dapat may pantakip akong iba na mas maliit para hindi mahalata.

That's it! Biglang sumagi sa aking isipan ang parati kong dala-dala na small-but-terrible na bagay. Pilit ko munang inalala kung saang part ng bag ko nailagay iyon. After a few seconds, sa wakas, naalala ko na. In the small pocket na nakalagay sa right side ng backpack.

Nagbilang muna ako ng hanggang tatlo saka ko binitawan ang unan. And there it went, iba't ibang tinig na naman ang aking naririnig. Binilisan ko ang pangangalkal dahil hindi ko na matiis ang ingay. Ilang saglit ang nakalipas, nahanap ko na rin sa wakas. Agad-agad kong inilagay ang mga ito sa mga tainga ko.

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon