Chapter 25

7 4 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

"3 minutes left. Get your things and yourselves ready," paalala ni Ma'am Emily pagkapasok namin sa loob ng room.

Inilabas ko ang isang bottled water mula sa malaki kong bag at saka ito dire-diretsong nilagok. Isinuot ko ang aking small backpack na siyang dadalhin ko sa loob ng tatlong araw—kung aabot ako.

Napansin ko ang paglapit ni Chloe kaya nag-angat ako ng tingin. "Wear this, Ate." Inabot niya ang isang bagay na parang itim na relo. "It's a mark changer. Sa left mo isuot."

Gaya ng kanyang sinabi, isinuot ko iyon sa left ko. Ibinalot ko muli sa tela ang sword ko bago ito hinawakan.

"Huwag na huwag ninyong tatanggalin ang inyong mga earpieces para hindi kayo mawalan ng communication sa isa't isa," sabi ni Sir Steven sabay kuha ng remote at pag-on ng 35-inches width television. Nag-flash sa screen nito ang minutong natitira bago magsimula ang tournament.

[IYKOS Tournament

(Begins in 01 minute and 02 seconds)]

"Mapapanood po ninyo kami?!" Halos mabingi na kami sa biglaang pagsigaw ni Nicole. Agad siyang napatakip sa kanyang bibig nang mapagtanto niyang sumigaw siya.

"Yeah. Hindi lang kami ang manonood sa inyo kundi pati ang mga iba pang naninirahan dito sa buong Wolverian Territory. Kaya dapat pagbutihin ninyo. We'll wait for our great students' grand return," wika ni Ma'am Emily habang inisa-isa niya kaming tiningnan. Ngumiti siya ngunit halatang pilit iyon. Kung sabagay, sino ba namang matutuwa sa ganitong sitwasyon?

"The game will start in 10 . . . 9 . . ."

Automatic na napabalik ang aming tingin sa screen ng TV. Damn! Countdown na!

"6 . . . 5 . . ."

"Kahit na ano ang mangyari, huwag kayong sisigaw or else, you'll die!" Bakas sa boses ni Ma'am ang kaba. "Understood?"

We immediately nodded sabay takip sa aming mga bibig. Hala! Kalakas ng kalabog sa loob ng aking dibdib. I really hate this!

" . . . 3 . . . 2 . . . 1 . . ."

"Good luck!"

Mariin akong napapikit nang maramdaman ko na ang sarili kong nahuhulog. Shit! Para akong tumalon sa bangin!

Agad kong naimulat ang mga mata ko noong bumagsak ang katawan ko sa damuhan. Tahimik akong napadaing sa sakit ng likod ko.

Tumayo ako nang madama ko ang pagsara ng circular na butas kung saan ako lumabas. Nakahinga ako nang maluwag noong mapagtanto kong wala akong anumang natamong sugat.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Napakaraming matatayog na puno at maaliwalas na kalangitan. Aakalain mong walang patayan na magaganap.

"Guys, are you okay—shit! My butt hurts!" reklamo ni Joshua mula sa earpiece.

"Bro, hala ka! Baka may kalaban na riyan!" pananakot naman ni Ian.

"To be honest, mayroon na. May dilang demonyo ka talaga, Ian. Omega, hayun ngang mga colors ng uniforms ng ibang schools." Naging seryoso ang boses ng loko. Welcome, Serious Joshua in battle mode.

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon