HERA'S POINT OF VIEW
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay nginitian niya lang ako bago lumabas. Wait, totoo ba ang nakita ko? Ngumiti siya? Bago iyon ah—whatever.
Aalis na rin sana ako noong may biglang tumulak sa akin kaya napaupo ako nang pabagsak sa kama. Mabuti na lang at malambot iyon kaya nag-bounce lang ako. Pagtingin ko, nasa harap ko na si Ma'am Cortez na ngingiti-ngiti. Okay? What's up with her?
"Oh, sorry! May ilang questions lang akong itatanong bago ka aalis—"
"Huwag na po kayong magtanong. Sasabihin ko na lang po." Tumango naman siya kaya nagpatuloy na lang ako sa pananalita.
Ikinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin kagabi pati na ang naramdaman ko at pagkakaroon ko ng Greek letter mark. Nainis na lang ako nang bigla niya akong pinagtawanan nang pagkalakas-lakas.
"Ma'am, will you explain to me this mark? Naguguluhan na po ako."
Napatigil siya sa pagtawa and suddenly, she became serious. "Gusto mo ba talagang malaman?"
"Kahit sino naman po."
"Fine. Ang mga Wolverians na nagkakaroon ng mga Greek small letter marks ay ang mga future leaders. Ang mga mark na iyon ay magbabago from small letters to big or capital letters kapag sila na ang itinanghal na pinuno." So, may Greek big letter Alpha at Beta marks sina Mom and Dad.
"Do you mean na 24 Wolverians ang may mark na ganito?"
"Yes. Kaya ikaw, bilang isang future leader, you have to be stronger," wika niya.
Agad akong kinilabutan sa boses niya kaya medyo dumistansya muna ako. "A-ano ang ibig ninyong sa-sabihin?"
"Hindi mo pa lubos na kilala ang mundong ito, Hera." Tinalikuran niya ako at naglakad siya palapit sa pinto. Ang buong akala ko ay aalis na siya pero hindi pa pala. Humarap siya sa akin habang may malawak na ngiti sa kanyang mga labi na halos ikasigaw ko pa. "And, iyang mark na iyan ay sign na malapit nang lumabas ang wolf abilities mo." Ibig sabihin, malapit na akong maging fully Wolverian? "And oh! You have to thank him. Mabuti na lang at gising pa siya noong time na nawalan ka ng malay."
"Huh?" Sino?
"Si Aiden." Mas lalong kumunot ang noo ko dahil wala naman akong kilala na ganoon ang pangalan. "Siya ang nagdala sa iyo rito. Si Aiden Segovia, ang anak ng Gamma." Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Seriously? Siya talaga? I couldn't believe it!
"Seryoso?"
"Yeah." At naglaho na naman siya sa paningin ko. Grabe! Kung ordinary human lang ako, iisipin ko na nagte-teleport ang mga Wolverians dahil sa biglaang paglitaw nila at paglaho.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Ngayon, paano ako makakabalik sa dorm na hindi nakikita ng mga students na ganito ang suot ko - t-shirt at pajama?"
Bahala na nga!
Agad kong inilabas ang compass sa loob ng bulsa ko. "Dormitory, Room 201."
Itinuro ng arrow ang direksyon ng pinto kaya dali-dali akong lumabas. Patuloy lang ang paggalaw ng arrow hanggang sa makalabas na ako ng main building.
Kakalabas ko pa lang, pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga students na nakakasalubong ko. Well, wala na akong pakialam. Basta, patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa loob ng room ko.
6:00 AM, maaga pa pala. Pagkatapos kong maligo at makapagpalit, isinuot ko na ang backpack ko. Tahimik akong naglakad papunta sa cafeteria para kumain ng almusal. Kumalam ang sikmura ko kaya napagdesisyunan ko munang kumain. Noong makarating na ako, um-order agad ako ng makakain saka umupo sa isang table malapit sa glass wall kung saan, walang gaanong makakapansin sa akin. Kakain na sana ako noong makaramdam ako ng malamig na likido na naibuhos sa ibabaw ng aking ulo. Napapikit pa ako dahil sa sobrang lamig nito na umaagos na pababa sa uniporme ko.
Huminga muna ako nang malalim bago tinignan ang walang hiyang nagbuhos sa akin ng orange juice. Ngingiti-ngiti pa siya habang hawak-hawak ang baso na may laman pa.
"Oh, sorry," she said sarcastically na mas lalo pang nagpadagdag sa inis ko.
Dahan-dahan akong tumayo at hinarap siya nang mahinahon. "I don't feel it—" Naikuyom ko na ang mga kamao ko nang ibuhos niya pa sa akin ang natitirang juice.
Panay mantsa na ang nasa damit ko pero pinilit ko pa ring hindi ipahalata ang matinding inis na nararamdaman ko. Lalo na at maraming mga pares ng mga matang nakatitig na pinapanood ang bawat kilos namin.
"Oops! Sorry ulit." Nagawa pang tumawa sa harapan ko. Pasalamat siya dahil wala pa akong wolf abilities. Kung nagkataong mayroon, kanina pa siya nabugbog.
"Tell me. What's your problem?" Nag-echo pa sa loob ng cafeteria ang boses ko. Hindi ba siya nahihiya sa ginawa niya? Kung sabagay, makapal naman yata ang kanyang mukha (gandang sampalin).
"I'm bored," sagot niya nang walang kabuhay-buhay.
She's making fun of me? I'm not a doll that she can play with. Ugh!
Napayuko na lamang ako dahil baka kung ano pang magawa ko sa babaeng ito. It's embarrassing! Tumawa siya nang pagkalakas-lakas kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong hawakan ang kanyang braso. Pinisil ko ito nang pinisil hanggang sa marinig ko ang mahina niyang pagsigaw. Pilit siyang nagpupumiglas pero siyempre, hindi ko siya binitawan.
"Apologize," sambit ko.
"Ouch! P-please." Kitang-kita sa kanyang mukha ang pamimilipit. "L-let . . . me . . . go! F-fine. I'm . . . sorry."
Agad ko siyang binitawan. Madali naman pala itong pasabihin ng sorry, eh. Hayun nga lang, hindi sincere. Well, hindi naman ako teacher para turuan siya ng leksyon kaya hinayaan ko na lang siyang umalis pero bago iyon, nakatanggap muna ako ng matalim na tingin mula sa kanya.
Whoa! First time kong pumatol sa walang modo. I should be proud of myself ngunit hindi, eh. Siguradong ipapatawag ako sa disciplinary office dahil sa ginawa ko. Nangitim pa naman ang braso niya at halatang-halata na sa white long sleeve niya. Hindi naman siguro mahirap ang punishment sa akin. Napilitan lang naman akong gawin iyon dahil siya ang nauna. Let's say, self-defense.
"Excuse me." Dali-dali kong kinuha ang backpack ko at tumakbo palabas ng cafeteria. Ugh! It's really embarrassing. Kapag nalaman ito nina Mom, paniguradong masesermonan ako.
BINABASA MO ANG
Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)
Ciencia FicciónWolvers Series #1 Her name is Hera Hizon, a genius student and a calculative person. His father brings her to a place unknown to humanity and transfers her to an odd school. She never believes in supernatural beings before but after witnessing his f...