Chapter 12

9 3 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

"Hello?"

Okay, parang normal na ulit ang pandinig ko. Paano kaya natitiis ng mga tagarito ang ganitong katalas na pandinig? Mabuti na lang at hindi sila nabibingi.

Dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo at magpalit. After that, sinuklay ko na lang ang buhok ko dahil wala na akong oras para magpatuyo. Hindi ko naman pwedeng itali ito, baka pagtawanan pa ako kung makita ng iba hetong mga earplugs. Bagong kahihiyan na naman kung nagkataon.

7:03 AM na! Late na ako! Ah, basta, may excuse naman ako at valid reason pa. Panigurado namang maniniwala sa akin ang teacher.

Hinihingal akong nakarating sa harap ng pinto ng classroom namin. Grabe, nakakapagod. Dapat sobrang bilis ko nang tumakbo ngayon pero bakit hindi? Baka pumalpak ang pagsira sa seal kagabi kaya hearing ko lang ang na-enhance.

Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit bigla itong bumukas. Lumabas mula rito ang limang students na kasa-kasama ko kahapon. Bahagyang kumunot ang aking noo sa pagtataka nang masilayan ko silang nakangiti nang pagkalawak-lawak maliban kay Mister Alpha na nakasimangot lang.

"Guys, anong—" Bago ko pa masabi ang dapat kong sabihin, pinagtulungan na nila akong hinatak papunta sa loob ng gymnasium. Tinignan ko sila nang masama noong binitawan na nila ako. "Nababaliw na kayo? Huh?"

"Hindi. We're just happy for you." Napataas ang kanang kilay ko sa isinagot ni Chloe. "Na mayroon ka nang mga wolf abilities. Um, sabi niya," pagpapatuloy niya sabay turo kay Aiden.

"So, hinatak ninyo ako papunta rito para lang doon?"

"Hindi. Tuturuan ka namin kung paano gamitin ang mga wolf abilities mo—"

"Absent tayo sa klase?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag-react sa sinabi ni Nicole.

"Um, yeah. Ganoon na nga. Nakapagpaalam naman na kami kanina kay Ma'am Cortez."

I couldn't believe this. First time kong mag-absent sa klase. Simula noong bata pa ako, hindi ako lumiliban sa klase kahit na may sakit ako.

"Joke lang. Utos ito ni Ma'am Emily kaya excused tayo ngayon hanggang maghapon."

Napabuntong-hininga na lamang ako. Para sa akin din naman ito. Bakit pa ako tatanggi?

"Omega! Bakit ka pala nakalugay ngayon?" Sinamaan ko ng tingin si Joshua. Loko pala ito, eh. Pakialam niya ba?

"Inggit ka?" pagtataray ko.

"Hindi, pero nakakapagtaka lang kasi, eh."

Tinignan niya ako nang nakakaloko kaya agad akong nagkaroon ng hinala na napansin niya na ang mga ito.

Bigla siyang naglaho sa paningin ko ngunit agad ko ring naramdaman ang presence niya sa aking likuran. Bago niya pa tanggalin ang mga earplugs, hinablot ko na ang isang kamay niya at biglaang itinutok ang ballpen na hawak-hawak ko sa kanyang leeg.

"Huwag mo akong iniinis," bulong ko sa kanya bago ko siya marahas na binitawan. Napangisi pa ako tuloy nang mapansin kong gulat na gulat siya.

"Sino ka ba talaga?" Napalingon ako sa direksyon nila nang marinig ko ang boses ni Nicole. Nanlaki na lamang ang mga mata ko sa aking nakita. Para silang nakakita ng multo o halimaw sa mga hitsura nila.

Napailing na lang ako bago sumagot. "I'm Hera Hizon—"

"That's not what I mean."

My forehead creased. "Huh?"

"Paano mo nagawa iyon?"

"Instinct? I don't know. Now, tell me. Paano kayo nakakatiis sa matalas na pandinig niyo?" Finally, natanong ko na rin. Kanina pa ako naaatat na magtanong.

"Iyon lang ba ang problema mo?" Halos mapatalon pa ako sa biglaang pagtanong ni Aiden. May balak ba siyang patayin ako sa gulat?

Wait, iyon nga lang ba ang problema ko? Siyempre, hindi pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila―Hera, iba na naman ang sinasabi mo.

I just shook my head because of my own thoughts.

"Of course, not. Hindi ba lima ang mga wolf abilities?" Tumango sila kaya ibinalik ko ang aking atensyon sa pananalita. "Bakit wala naman akong nararamdamang pagbabago sa sarili ko bukod sa pag-enhance ng pandinig ko—"

"Are you sure about that?" pagputol sa akin ni Chloe. Nagtataka akong napatingin sa kanya. "Hindi mo ba naramdaman ang sarili mong sobrang bilis na gumalaw kanina?"

"Hindi nga—" Bigla akong nakaamoy ng kung anong kakaiba mula sa aking likuran. Haharap na sana ako sa direksyon ni Joshua nang mapansin ko ang isang napakaliit na matulis na bagay na may kung anong itim na likido na bumubulusok papunta sa akin. Mabuti na lang at mabilis akong nakailag.

Hindi ko namamalayan ang sarili kong nasa likod na pala ako ni Joshua. Kaunting inch lang naman ang tangkad niya kaysa sa akin kaya hindi ako gaanong nahirapan sa pagsakal sa leeg niya.

"What the hell did you do? Huh? Papatayin mo ba ako using that venom?" Yeah, it's a venom of a poisonous snake pero hindi ko alam ang specific na pangalan ng ahas na iyon.

"Whoa! Easy. I just did it to test your skills—"

"What if hindi ako nakailag? Ha?!" gigil kong sabi.

"Y-you're dead." He even smirked!

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal ng braso ko sa leeg niya na naging dahilan ng kanyang pag-ubo. Ewan ko ba, basta nanggigigil ako ngayon sa Zeta na ito.

"Wala palang pagbabago, ah." Nalipat ang aking tingin kay Chloe nang marinig ko ang tono ng kanyang boses. Ngingiti-ngiti rin siya.

"I c-can't b-breathe." Binitawan ko na lang si Joshua at hinayaang tumakbo papunta sa likuran nila habang ako naman ay nanatiling nakatayo at hindi nag-abalang umiba ng posisyon.

"Speed – checked. Strength – checked. Smelling – checked—"

"How about my eyesight?"

Napatigil si Ian sa pagsusulat sa kanyang mini notebook. Tumingin siya sa akin ngunit blangko lang ang expression sa kanyang mukha bago tumingin kay Aiden.

"Remove your eyeglasses," ani Ian.

Dahan-dahan kong tinanggal ang eyeglasses ko ayon sa utos niya. Mariin akong pumikit sa takot na wala ng pag-asang luminaw pa ang aking paningin. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at naghintay ng ilang minuto para i-adjust ang paningin ko. But nothing changed kaya isinuot ko na lang ulit ang salamin ko.

"May nagbago?" Napailing na lamang ako sa tanong ni Nicole. "Don't worry. Hindi ka naman habang buhay na magsusuot ng salamin, eh. Lilinaw din iyang paningin mo kalaunan. Sadyang matagal lang ang pag-enhance ng eyesight mo dahil, alam mo na, malabo." Kahit papaano, napangiti naman ako sa sinabi niya. At least, alam ko na lilinaw din ang paningin ko.

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon