Chapter 13

4 3 0
                                    

HERA'S POINT OF VIEW

"Eyesight – nothing changed. And next is . . . hearing—"

"Seriously?" Automatic akong napatakip sa mga tainga ko sa thought na kailangan kong tanggalin or kailangan nilang tanggalin hetong mga earplugs. No, ayaw ko. Ayaw kong matanggal or tanggalin. "No, I won't," madiin kong sabi sa kanila.

"Oh, come on." Bago pa ako makapalag, nagawa nang tanggalin ni Chloe ang mga earplugs. She's so fast. I wonder how she did it.

Napapikit na lamang ako nang marinig ko na naman ang mga malakas na boses at halu-halong tunog. Parang pakiramdam ko, anumang oras o segundo, sasabog na ang ulo ko. Hindi ko naman magawang takpan ang aking mga tainga gamit ang aking mga palad dahil hinawakan niya ang mga ito nang mahigpit. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko, hindi niya magawang bitawan kaya hindi na lang ako gumalaw pa. Masasayang lang ang lakas ko.

"Calm down." Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko tulad ng sinabi niya. "Now, concentrate."

Pinakinggan ko ang bawat boses at tunog na aking naririnig. Kaluskos ng mga dahon, pagsara ng pinto, tumatalbog na bola, ihip ng hangin, iba't ibang boses, at ang pinakamalakas na naririnig ko ay ang tibok ng puso ko.

Noong binuksan ko ang aking mga mata, naging normal na ang pandinig ko. But how? "Guys, normal—"

"You switch it off, am I right?" Napakunot ang noo ko sa kanyang tanong. Switch it off? "Naging normal na ang pandinig mo, tama ba?" Tumango ako. "You switch it—"

"Wait. Wolverians can—"

"Yes. We can turn off and turn on our wolf abilities kahit kailan natin gusto."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa aking narinig. Siguro, hindi dahil paniguradong mahihirapan ako. Ano bang klaseng buhay ito? Lagi na lang may challenge. Nakakapagod.

"Paano?"

"Pakiramdaman mo," wika niya sabay ngiti. Sinamaan ko siya ng tingin kaya binitawan niya ang aking mga kamay. "Madali lang."

Madaling sabihin, mahirap gawin. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa thought na iyon.

Lumingon siya sa apat na kasalukuyang nakatitig sa amin. "Fast learner siya. Ano na, Alpha?" Nasulyapan ko ang bahagya niyang pagngisi bago niya ibinalik ang tingin sa akin.

Okay? I know this kind of look. May balak silang gawin. "What?" I annoyingly asked.

"We'll test your overall skills." Sa isang iglap, nasa tabi na siya ni Nicole.

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko silang may mga hawak-hawak ng mga patalim.

"Huwag—"

May inihagis si Joshua na isang kakaibang patalim na hindi ko alam kung anong tawag sa direksyon ko. Mabuti na lang at agad kong nasalo.

"Are you sure about this?" hindi makapaniwalang tanong ko sabay turo sa hawak-hawak ko.

"Takot ka?" Dahil sa umatake na naman ang pagkapikon ko sa sinabi niya, wala na akong ginawa kung hindi ang pumayag. Ibinaba ko muna ang backpack ko sa isang sulok ng gymnasium bago ko sila hinarap.

Napangisi na lamang ako nang pumuwesto na sila. "Maybe, you."

"We're not," mariing sabi ni Aiden.

Seriously? Napikon ang Alpha sa simpleng biro ko? Whoa, that's new. Gusto ko tuloy matawa pero hindi ko naituloy dahil sa tindi ng pagkaseryoso nila.

"Fine." And they started to attack me quickly.

"Damn it."

Tumigil sila sa pag-atake sa akin at ganoon din ako. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa patalim na ibinigay sa akin ni Joshua kanina para pigilan ang pagsigaw ko dahil sa kirot. Naramdaman ko ang pag-agos ng aking sariling dugo sa aking balat.

"I guess, we're done," hinihingal kong wika.

Tahimik kong kinuha at isinabit sa kaliwang balikat ko ang aking backpack. After that, ibinato ko pabalik kay Joshua ang patalim na agad niyang sinalo. Tinignan ko siya nang masama bago ako tuluyang lumabas ng gymnasium.

"Tulungan ka na—"

"Huwag na!" Mukhang nabigla si Nicole sa biglaang pagsigaw ko. Hindi na ako nag-abalang humingi pa ng tawad dahil mas nangingibabaw sa akin ngayon ang inis.

Test lang naman, ah. Bakit umabot pa sa point na sugatan pa niya ako? Anong klaseng Alpha iyon? Leader na nananakit ng mas mababa sa kanya? Kahit na wala namang ginagawa na masama sa kanya? Grabe.

"What the hell?!" Kulay pula na ang puting long-sleeved shirt ko sa kanan dahil sa dugo na lumalabas mula sa sugat sa balikat ko. Ugh! Gaganti talaga ako kapag nakakuha ako ng pagkakataon.

Pagkarating na pagkarating ko sa harap ng school clinic, halos maiuntog ko na ang sarili ko sa pinto nitong gawa sa kahoy. Sarado ito.

Pinagloloko ba ako ng tadhana ngayon? Bakit ang malas ko? Naging magnet na ba ako ng kamalasan? Ha?!

Pumunta na lamang ako sa loob ng room ko. Pagkalapag ko sa backpack sa ibabaw ng kama, dali-dali kong hinanap ang first aid kit ko. Hinubad ko ang pang-itaas kong uniform nang dahan-dahan dahil may kung anong matalim na tumutusok sa laman ng sugat ko. Kaya noong makita ko ang kabuoan nito, halos lumabas na ang mga mata ko sa sobrang gulat at pagkataranta.

How? Bakit hindi ko naramdaman kanina? Bakit may naiwan na patalim na kasinlaki ng hintuturo ko? Ugh! Siguro, may inilagay siyang pampamanhid kanina na hindi ko napansin man lang o naramdaman.

Kahit na alam kong masakit, gagawin ko ito nang mag-isa. Mariin akong napapikit nang tanggalin ko nang biglaan ang patalim mula rito. Agad kong nilinis ang sugat dahil baka magkaroon pa ng infection. Binalutan ko na rin ito ng bandage pagkatapos. Napabuntong-hininga na lamang ako noong matapos kong isuot ang another uniform ko. Mabuti na lang, hindi malalim ang sugat. Kung nagkataon, makakapatay na talaga ako.

Napalingon ako sa direksyon ng pinto nang may marinig akong kumatok. I am sure, sila ito. Agad kong hinablot mula sa ibabaw ng maliit na mesa ang tela kung saan nakabalot ang patalim. Perfect para isampal sa pagmumukha niya.

Minalas nga na naman ako. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Ian na may hawak na notebook at ballpen. Dumako ang kanyang tingin sa balikat ko. Pagkaraan ng ilang segundo, bahagya siyang napangisi na siyang ikinakunot ng aking noo. Ano na namang ibig sabihin niyan?

"Congratulations, Sis," aniya sabay ngiti nang nakakaloko. Bakla ba siya? Lakas makapagtawag ng Sis, eh.

"Wait, what?" Mas lalong kumunot ang noo ko.

Wolvers Series #1: Under The Moon (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon