Chapter 6: Living under 1 roof

94 3 0
                                    

Chapter 6: Living under 1 roof

*Simon's POV*

~Simon... gising.- gising sakin nang isang babae na may malamig na boses.

Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin si Isabelle.

Nagulat ako kaya nalaglag ako kinahihigaan ko.

Baka iniisip niyo nasa iisang kama lang kami... hindi noh, nasa couch ako natulog. Mas gusto ko munang mag-isa na natutulog ngayon dahil mamayang gabi nasa iisang bahay na kami at kailangan daw tabi kami.

~Ano ba naman Isabelle? gusto ko pang matulog.- sabi ko habang nakaupo sa sahig.

~Sorry sa nangyari. Gusto lang naman kita gisingin dahil ipinatatawag na tayo nila Mama at Papa.- sabi niya sakin.

At itinayo pa ako.

~Isabelle leave me alone! I can stand on my own.- sabi ko at medyo napalakas ata.

Bigla siyang lumayo sakin.

~Si-sige, b-baba ka na lang kung g-gusto mo na.- sabi niya na nauutal.

Tapos lumabas na siya sa room at naiwan akong mag-isa.

Makapaghilamos na nga para makababa na ako dun.

Bumaba na ako at pinuntahan sila. Nasa kusina pala sila, at nakahanda na yung breakfast.

~Oh Simon andyan kana pala. Umupo kana at kakain na tayo.- sabi ni Mama.

Umupo na ako.

~Simon ba't diyan ka umupo... dun ka sa tabi ni Isabelle.- sabi ni Papa.

Kaya tumayo ako at lilipat dun sa tabi niya, pero...

~It's okay Papa. Diyan na lang po siya.- sabi niya kay Papa.

~No Isabelle kailangan tabi kayo.- sabi naman ni Mama.

Kaya lumipat na ako sa tabi niya at kumain.

Habang kumakain tahimik lang si Isabelle, parang walang gana makipag-usap at di niya masyado ginalaw yung pagkain niya.

Konti lang kinain niya, bread, hotdog at gatas lang.

~Isabelle are you okay? Ang konti nang kinain mo.- sabi ni Mama.

~Wala lang po akong gana Mama. Sige po uubusin ko na lang yung gatas at yung laman nang plate ko.- sabi ni Isabelle.

Ano ba ang problema nito? Kanina lang ang saya niya nung ginising ako, tapos mukhang okay siya. Pero ngayon di na siya okay?!

Kinakausap ko siya habang busy sila Mama at Papa sa pakikipag-usap sa phone nila.

Tinatanong ko siya kung okay lang siya o kung may masakit ba sa kanya, o kung ano man, pero di naman niya ako inimik.

Wala akong sagot na natanggap.

After niyang maubos yung pagkain at gatas niya na kakaunti lang tumayo na siya kaagad.

~Mama, Papa pwede po bang umuwi muna ako samin ngayon? Babalik po ako kaagad bago po tayo umalis.- sabi niya.

~Okay sige Isabelle. Bumalik ka na lang mamaya.- sabi ni Papa.

At umalis na siya, sinundan ko siya hanggang gate, di man lang siya nagpaalam sakin.

Ano ba problema nun? Dahil ba yun sa nangyari kanina? O di kaya dahil sa napagtaasan ko siya nang boses?

Bahala nga siya! Ang ayaw ko sa lahat yung ginigising ako, mas gusto kung gumising nang ako lang.

Bumalik na ako sa loob at kumain na.

My Gay Husband (Lgbt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon