Chapter 7: It's a Deal!
*Mary's POV*
Ang saya ko kasi ang dami namin ngayon sa table na kumakain.
Kaso lang ang tahimik naman...
~Bakit ang tahimik niyo naman?- tanong ko.
~Ka-kasi po... Hindi kami sanay nang ganito.- sagot nung isang maid.
~Masanay na kayo. Kasi starting this day sabay lagi tayo. ^_^ Gusto ko laging ganito.- sabi ko.
Ngumiti naman sila sakin. Pagkatapos kumain lumabas muna ako saglit para magpahangin.
Habang nagpapahangin ako sa hardin may nakita ako.
~Wow isang frog. May naligaw na frog dito ^_^ - sabi ko nung makakita ako.
Susubukan kung hulihin yung frog. Dati kasi humuli kami nun nung nasa Pilipinas pa ako. Kaya miss ko nang makahuli ulit.
Hinuli ko yun nang hinuli, napagod ako sa kakahuli.
~Uy froggy magpahuli ka naman oh...- sambit ko.
Hinabol at hinuli ko pa din yung frog.
And at last nahuli ko din yung froggy.
~Napagod ako sayo ha...- sabi ko.
Hinimas himas ko yun. Di ako takot at nandidiri dito, dahil nung maliit pa ako palaga kaming humuhuli nito sa farm sa Pilipinas.
~Teka... May naisip ako. Hahaha.- sambit ko at tumawa tawa.
Pumunta na ako sa room namin para makapagpahinga.
Pumasok na ako sa loob at nakikita kong nakahiga na sa kama si Simon.
~Bakit ngayon ka lang pumasok? Alam mo bang ang lalim na nang gabi.- sabi niya at bumangon.
~Eh kasi... may hinuli ako sa labas.- sabi ko.
~Ano naman yun?- tanong niya.
~Ito ho...- sabi ko at pakita nung palaka sa kanya.
Biglang tumalon yung froggy mula sa kamay ko papunta sa kanya.
~Ahhhhhhhhhh!!!!!! Alisin mo sakin 'to!!!!!!!! Isabelle!!!!!!!!- sabi niya.
Tumayo siya at pilit na inilalayo yung palaka na nakadikit sa damit niya.
Wala siyang nagawa kaya hinuba niya yung damit niya at tinapon sa sahig tapos tumalon sa kama.
Hahaha... takot sa palaka. Tumitili lang nang dahil dun.
~Hahahaha...... Takot ka pala diyan.- sabi ko at tumawa.
~You Isabelle! Ikaw na babae ka!- sabi niya sakin tapos hinabol ako.
Pero nung pagkababa niya tumalon yung palaka papunta sa paanan niya kaya napalundag siya sakin.
Bakit parang ang opposite naman nang nangyayari? Siya pa yung nagpabuhat sakin?
Nung tumalon ulit yung palaka papunta samin mas napahawak pa siya at nagpabuhat sakin.
Ang bigat kaya niya. At saka babae ako noh... at siya yung lalaki na dapat magbuhat sakin.
Pero bakla nga siya diba... Pero nakakatawa siya. Gusto ko siyang natatakot sa palaka. Hahaha.
~Uy anong tinatawa tawa mo diyang babae ka?- sabi niya.
~Bumaba ka na nga Simon. Huhulihin ko na lang yang frog na yan. At saka may lalaki din palang takot sa ganyan? Akala ko babae lang.- sabi ko at ibinaba siya.
BINABASA MO ANG
My Gay Husband (Lgbt)
Teen Fiction*~*~*~*My Gay Husband*~*~*~* (Chriztina) [MGH - Romantic Comedy] Note: For my readers, sorry for some errors I have made. Just understand my mistakes. Hope you'll enjoy this story. This is my second tagalog type-written story, please read and reflec...