Chapter 11: The Awakening
*Simon's POV*
~Donna kamusta siya?- sabi ko nung lumabas siya sa kwarto ni Isabelle.
~Okay naman siya... Ba't di ka pumasok sa loob?- sabi niya.
Pano ko siya kakamustahin at titingnan kung ako ang may kasalanan sa nangyari.
~Simon? Halika ka nga rito.- sabi nung Mommy ni Isabelle.
Tapos hinila niya ako papasok sa loob.
Sinabi niya sakin na huwag kong sisisihin ang sarili ko sa mga nangyari dahil di ko daw kasalanan yun.
Kasalanan daw nung dati niyang boyfriend.
Bakit ba naging boyfriend pa niya yun kung ganoon naman ang ugali noon.
Mga ilang oras din namin hinintay ang pag gising ni Isabelle pero wala pa rin siyang malay eh...
Nagpaalam na ang mga kaibigan ni Isabelle at pati na rin ang parents namin.
Bali ako na lang yung natira para magbantay sa kanya.
Ang sabi nila Mama at Papa at nang parents ni Isabelle tumawag lang daw ako kapag kailangan.
Yung fans ni Isabelle alam na din na nasa ospital siya kaya ang daming taga media sa labas nang ospital na nag-aabang.
Yung mga fans niya naman nag-iiyakan na sa labas kasama na din dun yung kaibigan kong si Dannika.
Pano kaya siya nakapasok sa ospital? Maparaan talaga basta makita lang yung idolo niya na okey.
~Andrie... Kamusta na siya?- sambit niya sakin.
~Ang sabi nung doktor okay naman daw siya pero kailangan pa siyang itest para malaman ang tunay niyang condisyon.- sabi ko.
~Ano ba kasi ang tunay na nangyari? Ang sabi sabi kasi ikaw daw nagsimula nang gulo, meron ding ang sikat na artistang si Henry ang tunay na nag-umpisa nang gulo.- sabi niya.
Sinabi ko sa kanya ang lahat nang nangyari at nung nalaman niya agad niyang tinawagan ang buong fans club niya at sinabi na si Henry ang may kasalanan kaya naospital si Isabelle.
Nagstay siya nang kulang kulang isang oras at tapos nagpaalam na din.
Buong gabi ko si Isabelle binantayan pero di pa rin siya nagigising.
*Harold's POV*
Kamusta na kaya si Mary ngayon? Sana okay lang siya.
Humanda ka sakin Henry. Sinabi ko naman sayo dati pa na huwag na huwag mong lalapitan o hahawakan si Mary.
Ngayon na nadisgrasya siya dahil sayo humanda ka.
~Hello Uncle Solomon can I see you? Papunta na po ako sa bahay niyo Uncle.- sabi ko.
~Okay Harold. Buti naman at dadalaw ka.- sabi niya sa kabilang linya.
~Di po ako dadalaw Uncle may gusto lang sana akong sabihin sayo.- sabi ko.
~Oh sige... sabihin mo na lang pagkadating mo.- sabi niya sakin.
Tapos inend ko na yung tawag.
Nung dumating na ako sa kanila kinausap ko na siya kaagad.
~So ano na ba yung gusto mong sabihin?- tanong niya.
~Uncle tungkol po ito sa nangyari sa kaibigan ko.- sabi ko.
~Si Mary na naman ba?- sabi niya.
~Yes Uncle.- sabi ko.
~Ano ba yung kailangan mong gawin ko at gusto mo pa ako makausap nang personal?- sabi niya.
BINABASA MO ANG
My Gay Husband (Lgbt)
Teen Fiction*~*~*~*My Gay Husband*~*~*~* (Chriztina) [MGH - Romantic Comedy] Note: For my readers, sorry for some errors I have made. Just understand my mistakes. Hope you'll enjoy this story. This is my second tagalog type-written story, please read and reflec...