Chapter 2

9 10 0
                                    

 "Ano ito bakit kamukhang kamukha sila?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

 "Ano ito bakit kamukhang kamukha sila?". Hindi ko lubos maisip na makikita ko na siya na katulad nang pinangako niya sa akin na magbabalik siya. Itatagpo kami ng taghana at ibabalik namin ang naudlot na pag-iibigan.

   Stranger: "Hello bro, kilala mo ba ang may-ari ng ID na iyan. Nakita ko iyan sa CR?, engineering ang may-ari ng ID at tamang tama dahil engineering student ka dahil naka-red ka na dress coding ng engineering".

   Hindi ako makapaniwala na ang tagal ko itong hinintay. 2 years akong nag-stop sa school dahil dinamdam ko ng husto ang nangyari sa kanya. Sa pagbalik ko sa school bilang freshman mechanical engineering student ay bigla nalang nawala ang tinik sa puso ko na namamalagi sa akin.

   Hindi ako makapagsalita sa ngayon... parang gusto kong umiyak.

   Stranger: "Low...hello..[ayos lang ba siya? parang ewan bigla siyang natulala]".

   "Ah, sorry bro may bigla lang akong naalala. Mayroon kasi akong pinoproblema ngayon kaya speechless ako. Oo bro kilala ko siya na senior ko iyan".

   Stranger: "Ah okey sige ibigay mo iyan sa kanya, aalis na ako dahil mag-uumpisa ang program".

   "Ah sige. [ Oo nga pala, may program na kailangan kong pumunta na baka nandoon siya.]"

   Jessi: Oh nandito ka pala Cyrus, bakit bigla kang nawala? Bilisan mo dahil ang program ay magre-ready na at hahanapin pa natin saan ang mga classmates natin. Ikaw palang kilala kong classmate ko kaya sama tayo papunta sa program.

   "Ah oo naman, umihi muna ako syempre naiihi ako eh haha. Tara bilisan natin at baka maubusan tayo ng mauupuan".

   Papunta na kami ni Jessi sa program na bigla kaming tinawag ng isang titser. Kami ay pumunta ng 2nd floor ng IT department upang tumulong sa kanya na ilabas ang mahabang kabinet sa loob ng kanyang room. Medyo naiinip na ako sa moment na nagbubuhat na kami ni Jessi kasama si titser. Sa dahilan na atat na ako pumunta sa program dahil napi-feel ko na makikita ko siya. Kapag nakita ko siya ay yayakapin ko siya ng mahigpit.

   "Titser peguin naman eh, bakit ka umeksena haha", na binubulong ng utak ko ngayon, [mukha kasi siyang penguin].

   Teka kanina may timba dito na ngayon biglang nawala. Ayun nakita ko na nasa baba, nasagi ko yata o ng kabinet. Mabuti ay natapos na at binigyan kami ng titser ng sandwich na tanda ng pasasalamat. Bumaba na kami ni Jessi at ang sabi ko sa kanya na dito muna siya maghintay dahil kukunin ko ang nahulog na timba.

    Kanyang tungon ay "Hala yogs, sama nalang ako".

    Ang kulit niya na gusto ko kunin iyon na mag-isa. Ewan, nasa mood ako ngayon na mag-isang kunin iyon. Dahil ayoko na mag-aksaya ng oras ay pinasama ko nalang siya.

    Ang baho ng tubig na parang iburnal at teka bakit may kulay pula na kaunti ang gilid-taas ng timba?, na dugo ba ito?

    Sa gilid may nakikita akong pantasa, mga nakabilog na papel na basa na, isang mechanical pencil. Ang mechanical pencil ay may nakaukit na heart at isang papel na nakatupi na square. Hindi siya basa na aking binukad ay laking gulat ko sa aking nakita.

Perfect NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon