Chapter 4

9 9 0
                                    


   Ito na pinakahihintay ko, ang damit na sinuksok ko ay ang lucky 13. Pagdating sa pustura ng buhok ko na ano kaya ang bagay?

   Nakatayo ng bahagya o medyo messy style katulad sa KPOP. Masyado napadami ang pabango ko at ang ganda ng sapatos ko na kulay pula na pang-dance crew ang dating.

   Ayun nakita ko na siya na umupo at ako dito sa labas ng room. Naghihintay na tawagin para sa audition. Magandang moment ito para sa akin dahil ipapakita ko sa kanya ang talent ko sa pagsayaw na excited na ako.

   Himala na hindi sumama sa akin si Jessi. Makulit siya sa akin sa totoo pero trip ko naman ang ganoong gawi niya sa akin. Hindi na siya masyadong nagsasama sa akin dahil classmate namin yung classmate niya sa senior highschool siya na kung saan ay doon na siya sumasama.

   "Teka, natawag na ang pangalan ko".

   "Ito na papasok na ako sa room".

   Ito pala ang itsura ni Skylar sa malapitan na magkamukhang- magkamukha sila. Hindi ko na napansin na grabe ang ngiti ko sa kanya.

   Nagsimula na ang music kaya iaatake ko na ang swabe ko na dance steppings na kailangan ko na mapahanga siya.

   "Omg!, sakin pa siya kumindat; bigla ako kinilig."

   "Hoy, sakin siya kumindat, huwag kang ano. Ganda ng ngiti niya".

   "Ang tangkad niya grabi!"

   Mga baliw, kumindat lang parang sinisilihan itong mga kasama ko. Akala nila hindi ko maririnig ang bulungan nila. Hindi pa siya nagsisimulang sumayaw ay naloloka na sila. Anong plano mo Cyrus na gusto mo ba akong mabwiset talaga.

   "Motley Crew" ang pinatugtog niya na music ibig sabihin hiphop ang sasayawin niya, kung makakapasa siya ay sa team ko siya mapapasama; ginigigil mo ako.

   "Syklarrr!...ang galing niya, ace siya sumayaw."

   "Guwapooo!"

   "Galingggg!"

   Ewan...kainis, sa totoo ang galing niya. Ang smooth ng galaw niya at ang swag ng dating. Ang expression niya na pangiti- ngiti na kinaaaliw ng mga audience. Naiirita ako na makita ito.

   Grabi ang hiyaw ng mga tao especially sa mga babae na okey lang kayo? Nauumay na ako dito, kainis na talaga.

   Sa ngayon ay natapos na ang pagsayaw niya, teka bigla tumahimik ang audience na hinihintay na nila ang magiging scoring namin.

   Ano?!...

   Perfect 10 ang bingay ng dalawa kong kasama...

   Hindi ko sila masisi na magaling talaga siya. Nakakahiya kung mababa ang score na ibibigay ko na alam kong iba-bash ako ng mga audience.

   Skylar ano na?, Ikaw na magbibigay ng score. Itaas mona ang cardboard at ilagay mo na ang score.

   Ay naku naman, kailangan niya ng 25 points para makapasa siya. Sa ngayon ay may 20 points na siya na nakuha sa dalawa.

   Anong tinitingin- tingin niya na nagpapa-cute ba siya, na sakin siya nakatitig?

   Iniisip niya siguro na hindi ko siya ibabagsak dahil magaling ang performance. Tignan natin ngayon sa score na itataas ko. Sa moment ito ay matatapos na kung ano man ang connection natin.

   Ano itong nararamdaman ko na bigla ako sumigla. Parang huminto ang oras habang tinititigan ko ngayon si Skylar at bumalik ang natutulog kong damdamin. Parang kinakabahan ako sa kanya. Hindi pa siya nagtataas ng score at hindi ko pa siya nakita na ngumiti sa akin. Lagi lang siya naka-serious look.

Perfect NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon