~5 yrs old Cyrus and Han~
Cyrus' mom [Yuna]: Oh, anak nasaan si lolo mo?
Cyrus: Nagtitimpla po siya ng gatas ma, na doon po siya sa kusina.
Cyrus' mom [Yuna]: Ganoon ba, may pakikilala ako saiyo Skylar. Ito si Han ang magiging bago mong kapatid.
Han: Ah..hello, Cyrus... masaya akong makilala ka.
~Playground~
Sa pagdala ni mama kay Han sa bahay ay pagdating ng hapon ay sinabihan ako ni mama na maglaro kami sa labas.
Sa totoo ay ayaw kong pumunta sa labas sa dahilan na naroon ang mga bata na bully. Na kung saan lagi humihingi sa akin ng chocolate na kung hindi ko sila bibigyan ay aawayin ako.
Sa pagkakita ko kay Han, una ay ayaw ko sa kanya. Iniisip ko na salbahe siya at aawayin niya ako dahil ang awra niya ay parang palaaway.
Sa nakapunta na kami ng labasan ay nakita ko ang malaking ngiti ni Han. Bigla ako hinawak ni Han sa kamay sabay takbo papunta sa padusdusan at napasabi...
"Tara Cyrus, laro tayo dito".
Masaya ako na makipaglaro kay Han, siya palang na bata ang nakipaglaro sa akin. Sa totoo ay wala akong kaibigan dito.
Biglang naudlot ang aming kasayahan na bigla dumating ang mga bully. Alam ko na chocolates ang habol sa akin kaya ito sabi ko kay Han. No
"Ah, Han ibibigay ko muna sa kanila ang chocolates at pagkatapos ay uuwi na tayo".
Sa pagbigay ko ng chocolates ay bigla nagreklamo ang isang bully na bakit kaunti lang ang dala. Ang ginawa ng isa pang bully ay hinawakan ang dalawa kong braso, at ang isa pang bully ay kinapa ang bulsa ko. Nasanay na ako sa ganitong gawi nila sa akin na na ayaw ko itong isumbong kay mama o kay lolo. Na ayaw ko na isipin nila isa akong duwag.
Bigla akong nagulat sa nangyari, bigla tinulak ni Han ang bully na humahawak ng braso ko.
Pagkatapos ay pinulpog niya ng kamao niya sa ulo ang isa pang bully, at ang last na bully ay kanyang sinuntok sa panga.
Umiiyak silang tatlo na nagbabala kay Han na isusumbong sila sa magulang nila na kung saan ay naging tugon ni Han ay...
"Sige, sumbong ninyo na hindi ako natatakot. Ganyan na ba kayo kaduwag na hindi ninyo ko kayang talunin.
"Mga loser!"
Agad silang tumakbo at doon ay sinabi sa akin ni Han na okey lang ako. Namangha ako sa tapang at lakas niya. Umupo kaming dalawa sa siso at nagpalitan ng mensahe sa isa't isa.
Sa pag-uusap namin, medyo nahiya ako sa kanya dahil matanda ako sa kanya ng 11 months. Ayon sa kanya ay sa totoo ay hindi niya alam ang exact birthday niya. Inayon ng mga madre sa ampunan na ang birthday niya ay November 17, 2000. Kung kailan siya iniwan ng kanyang magulang sa labasan ng ampunan.
Dagdag pa... na tatawig niya akong kuya dahil matanda ako sa kanya. Talagang nahiya ako na yung tipong dapat ang kuya ang nagtatanggol sa kapatid niya.
Sabi ni Han ay... "Tuturuan kita ng moves kung paano ipagtanggol ang iyong sarili".
Medyo mahina ako sa pagbsa at pagsulat kaya tuturuan mo rin ako kuya". Nagalak ako sa deal namin ni Han na ganito pala ang feeling na magkaroon ng kapatid.
Kapatid na maggagabay at kadamay mo.
12 yrs old Cyrus and 11 1/2 yrs old Han
Ngayon ay grade 6 na kami ni Han at classmate kami. Bigla dumating si mama at kinausap si teacher na kung saan ay mapula ang mata nito, at nanginginig sa pagsalita. Agad kami tinawag ni Han ng aming teacher na kausapin sa labas si mama.
Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksiyon. Natulala ako at bigla tumigil ang mundo ko.
Sinabi ni mama na...
Namatay na si lolo dahil sa atake na hindi na naagapan sa pagdala sa hospital. Pagpunta ko sa hospital, at pagkakita kay lolo ay hindi ko matanggap na nangyari ito.
Masyadong masakit sa dibdib. Si lolo ang tanging kaibigan ko ng hindi pa dumadating sa buhay ko si Han. Hindi ko ma-share ang problem ko kay mama dahil busy ito sa work niya sa kompanya. Si lolo ang lagi sa tabi ko, kapag bibili ako ng favorite na ice cream ay sinasamahan ako. Kapag nasugatan ako sa paglalaro ay siya ang gumagamot sa akin, siya nagpapatulog sa akin gamit ang pagkuwento about sa naging buhay nila ng namayapa kong lola, at gaano kagaling at kamahal ako ni mama.
Tinuro sa akin ni lolo na mahalin si mama, at never magtanim ng galit sa kanya dahil alam ni lolo na cold ang pakikitungo sa akin ni mama. Inintindi ko si lolo na inisip ko ganyan si mama sa'kin dahil sa pagod ito sa work. Lahat ng naging problema ko ay kinukuwento ko kay lolo maliban sa issue ko sa mga bully na naresolve naman ito at ang...
Sikreto na ayaw ko na malaman ni lolo at mama.
Hindi ko ito natago dahil nahala ito ni lolo kaya inamin ko ito sa kanya. Ang kanyang pahayag ay...
"Ganyan talaga ang buhay ng isang bata ay malikot pa ang pag-iisip. Bata kapa kaya i-enjoy mo kung ano nagpapasaya sa'yo. Huwag mag-over think. Kakaiba ang buhay, ipapadanas saiyo ang ganitong moment para sa iyong pag-usbong, at matuto ng aral sa buhay. Maari itong mawala o magyabong kapag lumaki kana. Kung anong landas na iyong tutunguhin ay magiging masaya ako sa'yo basta sa ikakabuti mo ito mahal kong apo."
May kilala akong mabuting kaibigan na dumanas ng ganito. Kapag ready kana ay ipapakilala ko siya sa iyo na alam kong magkakasundo kayo. Apo, ngayon ay i-enjoy mo ang buhay bilang isang bata na iyan ang isipin mo ngayon".
Niyakap ko si lolo na sinabi niya sa akin. Talagang masaya ako sa pagiging mabuting lolo at kaibigan niya sa'kin. Hindi ko malilimutan ang mga payo mo lolo at sayang hindi ko nakilala ang mabuting kaibigan na ipapakilala mo sa akin dahil kailan ko humingi ng payo.
18 yrs old Cyrus at Han
Matagal ko na pinaghandaan ito.
Sa susunod na taon ay tutungtong na kami ni Han sa college at pareho ang kukunin namin na course na mechanical engineering. Na kung saan ito ang aking pinili para makasama ko pa rin siya sa yearbook.
Natapos na ang klase at uwian na ay inaya ko siyang pumunta kami ng rooftop dahil may sasabihin ako sa kanya.
"Han, unang dating mo sa buhay ko ay naging memorable ang buhay ko. Na dating outcast, at mahina ay nagbago dahil sa tulong mo. Tinuring kitang idolo at kapatid pero habang tumatagal ay hindi na ito ang pagtingin ko sa iyo.
Pinilit ko na i-ignore ito pero hindi nagbago, at sabi ni lolo ay dalawa lang ang option na mangyayari na ito'y mawawala o yayabong kapag lumaki ako, at doon ang pagyabong ang pinunta ng puso ko.
Mahal na kita Han...
Kaya hinihiling ko na ganito rin ang pagtingin mo sa akin. Kaya ang sagot na gusto ko marinig ngayon ay oo at hindi."
Iyan ang sinabi ko kay Han na kinalaki na kanyang mata. Pinula ng mukha niya, at naging speechless siya habang pinapakinggan ang sinabi ko.
Ang kanyang tugon ay bigla siyang tumakbo pababa ng rooftop. wala siyang sinabi na anumang salita.
Nakuha ko na ang tusok na sumisikip sa puso ko ng matagal na panahon pero ngayon ay bigla ito bumalik. Naging doble pa ang sakit dahil sa naging reaksiyon ni Han sa pag-amin ko.
Tama ba ang ginawa ko?
-----------------------------------------------------------
Follow me!!!
FB acc: Mafuyu Strauss
Instagram: Mafuyuuu
roborianxd
BINABASA MO ANG
Perfect Numbers
RomanceBumalik sa dati ang lahat matapos ang dalawang taon na pandemic. Ito ang hinihintay na sandali ni Skylar na isang college student na muling makita ang kanyang unrequited love na si Vincent. Sa opening class na kanyang inaasam na kung saan ay kanyang...