Natapos na pagsayaw ko sa accreditation program na ang daming nangyari. At the same time, masaya ako dahil nakaligtas ako sa 1st semester kaso may tatlong tres [75] na grade ako sa subjects.
Kinabahan ako kay Vincent, mabuti pinakuha siya ng removal exam sa isang subject na bagsak siya. Nakapasa siya kaya nakaligtas rin siya sa semester na ito. Ibig sabihin ay regular student pa kami, at classmate pa kami sa next semester na masaya ako para doon.
Pagdating sa ibang friend ko na sina Adrian, Albert, at Jester ay si Adrian lang ang nakapasa. Talagang makakapasa siya dahil matalino naman siya. Kawawa ang dalawa na kahit pinakuha ng removal exam ay hindi nakapasa. Hindi sila nabiyayaan ng himala.
Pagdating sa program, ewan ko kung paano nangyari ang hindi ko inaasahan. Hanggang ngayon ay hindi pa nag-sink in sa akin na nangyari 'yon. Sa 1 week na pag-practice namin ng sayaw ay kasama ko ang team A sa auditorium. Ang ibang team naman ay nag-eensayo sa ibang lugar tulad ng gymnasium, at dance room.
Pagkatapos ay nagkakaroon ng meeting bago umuwi, doon hindi maiiwasan na makita ko si Cyrus.
Isang araw, pumunta ako sa CR ng dance room para magpalit ng damit dahil marami na itong pawis. Pagpasok ko ay nagpapasalamat ako dahil team B ang nag-eensayo sa dance room dahil wala dito si Cyrus subalit pagpunta ko sa CR. Sa CR ay walang tao; umihi muna ako, at sunod na ginawa ko ay pumasok sa CR.
Pagbukas ko ng pinto ay bila itong bumukas bago ko hawakan ang handle nito.
"Arayyy!...ang sakit."
Ang inis na sambit ko dahil natamaan ako sa noo sa pagbukas ng pinto.
Laking gulat ko sa pagharap ko ay bumungad sa'kin ang naka-top less na kung saan ay nakatakip ng puting tumalya sa ibaba.
Ibig sabihin ay kakaligo nito...
Dumungaw sa akin ang medyo may kalakihang katawan. Makinis ito na mayroong nunal sa bandang kanan sa ibaba ng dibdib. Maganda ang dibidib dahil malaki ito at ang nagpaandig sa akin ay ang abs. Ang ganda ng 6 packs abs nito na kahit hindi ito masyadong detailed. Ito ang type na body na gusto ko.
Ang puso ko'y sumisigaw na ang gay panic ko, at napunta na ako sa mukha ay nag-appear sa aking ang magandang ngiti ni...
"Cyrus?"
"Anong tinitignan mo."
Iyan ang lovely na sabi niya.
Sa isip ko ay baka isipin niya na bakla ako dahil sa inasal ko. Bigla ako nanigas sa position ko na iyon na walang tinig na lumalabas sa bibig ko.
"Skylar, lunch na tayo!
Malakas na tinig na naririnig ko sa likod. Si Vincent ang nagsabi niyon. Isang himala dahil dumating siya, at doon may rason ako para umalis sa kinalalagyan ko ngayon. Agad ako umalis, sumama kay Vincent na nagsabi na...
"Tara!"
Vincent: *mabilis na pagsalita* *seryoso* "Skylar, sino ang lalaking nakaharap mo?"
Skylar: *huminga ng malalim* *medyo kinabahan* "Si Cyrus, isang 1st year mechanical engineering student. Bagong member ng dance club".
Vincent:*tumingin ng matulis* *seryosong boses* "Friend mo?"
Skylar: *Napaisip bigla* *sigh* "Ah...hindi. Hindi kami close."
Vincent: *seryosong boses* "Sige".
Bigla ako nagtaka dahil ang direksiyon na nilalakad namin ni Vincent ay papunta sa canteen.
Skylar: *katamtaman na lakas ng boses* "Teka lang, himala dahil kakain tayo ng lunch sa canteen. Akala ko uuwi tayo?"
BINABASA MO ANG
Perfect Numbers
RomanceBumalik sa dati ang lahat matapos ang dalawang taon na pandemic. Ito ang hinihintay na sandali ni Skylar na isang college student na muling makita ang kanyang unrequited love na si Vincent. Sa opening class na kanyang inaasam na kung saan ay kanyang...