Sa wakas ay ito na ang pinakahihintay ko na sandali na makabalik ulit sa school matapos ang 2 years na JONAS Pandemic. Hindi ito biro na na-depress ako sa bahay nang masisiraan ako ng bait sa dahilan na nakatira ako sa lugar na puro palayan at tubuhan. Na makikita na ang agwat ng bahay dito ay 10 meters ang layo. Na kung isipin mo ay outcast ang mga bahay sa isa't isa.
Pagkatapos ay hindi ko gaano close ang mga kaedad ko dito at gayundin ang mga pinsan ko na feeling superior. Na porket nakakaangat sa buhay at mga tita ko na matatalas ang mata. Pagdating sa tito ko ay okey naman ako kaso mayayabang lang na nakatira 3 meters malapit saamin kaya made-depress ka talaga sa buhay na ito.
Ay naku, bakit pa sumagi sa isip ko iyon; mapagpatuloy ko na ang paglalakad. Napahinto ako ng isang minuto dahil sa sumagi sa isip ko iyon. Hindi ko namalayang nasa gate na ako napahinto at hindi pa mababalik ang diwa ko kung hindi pa ako tinawag ng guard na buksan ko na ang bag ko for checking. Gawi dito na kami ang kusang nagbubukas ng bag kaya baka napaisip ang guard siguro na lutang yata ako. Ay naku talaga Syklar! bulong ko sa'king sarili.
Ang daming tao, ang iingay ng nag-uusap habang naglalakad, ang lakas ng tunog ng tambol at trumpet na sabagay ganito dapat ang opening class. Matapos mabaliw ang mga tao sa pandemic na dapat ganito kabonga ang pasabog sa opening ceremony para sa balik-eskwela.
Ayun nakita ko siya at grabe nag-effort pa siya na itaas ang poster na nakalagay na "Go Syklar go go go" para makita ko sila. Upang maupo na ako kasama sila, na-appreciate ko ang ginawa ng classmates ko sa paggawa ng poster para sa intermision number ko mamaya. Infairness ang colorful na iba't iba ang kulay bawat letter na rainbow concept ang inspiration. Natatawa ako na masaya at syempre mas lalo ako sumaya na si Vincent ang nagtaas ng poster na talagang crush na crush ko siya o mahal na yata na ewan hindi kona alam.
Ang gwapo talaga ni Vincent na kaya naging crush ko siya noong grade 11. Ang suwerte ko na naging classmate kami sa college at close friend pa kami. Sa ngiti talaga ako napahulog sa kanya na parang maliwanag na buwan sa hating gabi na puno ng bituin. Pagkatapos ang mga mata niya na katulad kay Mateo G na mayroon maliit na nunal sa left eye. Sa likod ng leeg sa bandang kaliwa ay mayroong nunal din, mabilis ako ma-turn on sa magaganda ang ilong kasi ang ilong niya ay katulad kay Kathryn Bernado na masasabi ko na ang cute nito pagmasdan. Kaya dagdag factor ito na bakit crush ko siya.
Hindi masyadong kulot na bagsak ang buhok niya na kung saan ay type ko. Kung mahaba ito na nasend niya dati sa akin ang picture nito noong quarantine days ay talagang na-inlove ako. Sayang dahil ngayon ay pinagupitan na niya ito pero okey lng na love ko pa rin siya. Kahit na mas mataas ako sa kanya ng 4 inches na ang height ko ay 5'6" ay dedma na iyon sa akin na kahit na isa rin sa type ko ang mataas ang height.
Talagang na-miss ko na siya kaya ngayon ay papunta na ako kanya. Malapit na ako sa kanya na galak ang aking nararamdaman na makita ko mga mata niyang sabik sakin. Matamis niyang ngiti at ingay ng tropa namin na kasama niya na nagsasabi "bilisan mo na diyan Syklar mag-uumpisa na ang program!".
BINABASA MO ANG
Perfect Numbers
RomanceBumalik sa dati ang lahat matapos ang dalawang taon na pandemic. Ito ang hinihintay na sandali ni Skylar na isang college student na muling makita ang kanyang unrequited love na si Vincent. Sa opening class na kanyang inaasam na kung saan ay kanyang...