Ngayon ay lunes, magkakaroon ng pagpupulong sa dance club. Alam ko na ang gagawing pagpupulong ay tungkol sa sasayawin para sa accreditation program next week.
"Naku!"
"Mukhang ang aga ko dito."
Sabagay ang usapan ay 4:30PM na oras ngayon ay 4:00PM. Dahil vacant class ko, ayaw kong tumambay sa classroom. Ayaw ko muna marinig doon ang pagiging bida bida nina Jester, Adrian, at Albert na maiingay talaga. Sinamahan ni Vincent ang kanya mama dahil may bibilhin ito na isang rason ko kung bakit narito ako. Teka, makapagbasa muna ng manhwa para hindi ako ma-bored kakahintay.
Sheyn: *masiglang pagsalita* "Oh Skylar, good afternoon! Aga mo, wow nagbabasa ka ng manhwa ngayon... teka alam ko na yaoi iyan".
"Uy, huwag kang maingay!. Baka may biglang dumating."
Gulat na reply ko sa kanya na kung saan ay tawa ang sunod na reply niya.
Matagal kong kaibigan si Sheyn na isang architectural student. Boyish kung pumorma katulad ng pagsuksok ng over sized na damit, laging nakapantalon, at vans na sapatos. Ang personality niya ay sweet girl kaya hindi ko inakala na bisexual siya. Kapag naka-uniform siya ay sweet girl ang dating niya.
Sabay kami dati nag-audition sa dance club, at doon nagkakilala. Na-confirm niya na bisexual ako dahil sa naging mayday sa facebook noong quarantine days.
Dahil sa ganda ng story na nagpaiyak sa akin na "December Rain" ay na-post ko sa myday na na-sure ko na hindi mahahalata ng viewers ko na yaoi genre ang binasa ko. Laking gulat ko na bigla nag-message si Sheyn sa myday ko. Sinabi niya na alam niya na "December Rain" 'yon dahil sa art nito na kahit ang langit na part ang na-post ko.
Syempre naging denial ako dahil ayaw kong mahuli. Inunahan niya ako na...
"Skylar, no offense dahil nahahalata na kita dati dahil siguro na mahilig ako bumasa ng yaoi. Kaya naging matalas ang gay instinct ko, at doon nasapul ka. By the way marami akong irerekumendang yaoi na manhwa na puwede mong basahin."
Wala na akong nagawa kundi umamin. Ang kulit ni Sheyn na yung tipong magpapadala siya ng mensahe araw araw sa'yo about sa yaoi na topic. Una naging awkward sa'kin pero nang tumagal ay kinagiliwan ko ito. Slice of life lang na genre dati ang binabasa ko pero dahil kay Sheyn ay napadpad na ako sa R18+ na bumasag ng inosenteng kong mga mata.
Skylar: *nakangiti* "Sheyn, yung dati mong look na mahabang buhok hanggang likod, at tapos may bangs. Ngayon naka-boy cut kana, sayang... pero bagay naman sa'yo. Ang pogi mo hahaha."
Sheyn: *natawa* "Uy salamat, syempre inspire ito sa mga favorite na characters ko na binabasa".
Skylar: *sigh* *natawa* "Ayun lang, yung dati mong look na nagmumuka kang sweet girl sa mahabang buhok mo, at bangs. Ngayon nagmukha kang isang cum laude na ayaw agawin ang kanyang titulo kaya laging tambay sa library."
BINABASA MO ANG
Perfect Numbers
RomanceBumalik sa dati ang lahat matapos ang dalawang taon na pandemic. Ito ang hinihintay na sandali ni Skylar na isang college student na muling makita ang kanyang unrequited love na si Vincent. Sa opening class na kanyang inaasam na kung saan ay kanyang...