Chapter 8

6 8 0
                                    


~Kinabukasan matapos ng pag-amin ni Cyrus~

   Parang walang nangyari ay kinabukasan ay ganoon parin ang pakikitungo sa akin ni Han.

   Palangiti at mahinahon pero nagiging awkward siya sa sakin. Kapag nagkakaroon kami ng pagdidikit ng balat tulad aakbayin ko siya na lagi ko ginagawa sa kanya.

   Hindi ako naging komportable sa ganitong eksena kaya minabuti ko sa pagtapos ng klase namin, at pag-uwi sa bahay ay bubuksan ko ang topic sa pag-amin ko sa kanya.

   Magandang plano ito dahil hindi pa umuuwi si mama sa ganitong oras kaya dalawa lang kami sa bahay. Kinakabahan ako na sabihin ito ulit, na-shock ako sa naging reaksiyon niya sa unang attempt pero susubukan ko ulit sa ikalawang beses.

   Sana masagot niya ito na tanggapin ang resulta.

   Na nasa bahay na kami...

   Naging malamig ang pagtinginan namin ni Han na kapag pinagmasdan ko ang mga mata ni Han ay parang may gusto siyang sabihin.

   "Han, mahal kita hindi bilang kapatid o kaibigan. Mahal dahil alam ko, at sigurado ako na ikaw ang gusto kong makasama at tinitibok ng puso ko". Oo at hindi...

   Oo ang gusto kong marinig sa'yo. Mahal mo rin ba ako Han"?

   Ang aking wika sa kanya.

   Ang naging reaksiyon ni Han ay speechless at tulala na parang gusto niya na tumakbo ulit.

   "Han!"

   Ang aking sigaw upang magising ko ang kanya diwa, at doon ay nag-response na siya.

   "Ah..eh... malaki ang paggalang, at utang na loob ko sa pamilya mo na aking tinuring rin na pamilya. Masaya ako na naranasan ko ang feeling na magkaroon ng pamilya. Sa'yo Cyrus ay nagpapasalamat ako na nakilala kita dahil naging mabuti ka sa akin. Dinadamayan mo ako, at tinuring na importante sa pamilyang ito."

   Ang nanginginig na tugon ni Han.

   Hindi niya nasagot ang direct answer na gusto kong marinig kaya inulit ko ang tanong sa kanya na...

   "Mahal mo rin ba ako Han, oo o hindi ang gusto kung marinig!"

   Ulit ay bigla siya natulala ng ilang saglit na parang mapapaluha na siya pero sumagot siya sa tanong ko na...

   "Hindi"

   Mahinang pagsambit niya.

   Sa pagsabi niya sa kataga na 'yon ay bigla ako natulala na parang babagsak ang katawan ko. Sa pagsabi niya ay hindi ako nakumbinsi na feel ko ay hindi ito ang dapat niya isagot.

   Ayaw kong mawalang ng pag-asa sa moment na ito. Sa mata niya ay nagpapahiwatig na pinilit niya na sabihin iyon kaya kailan ko gumawa ng paraan.

   Sa ilang sandali, bigla umihip ang malamig na hangin na kung saan ay ito ang aking naisip.

   Bigla ko hinawakan ang batok ni Han, at hinalikan siya at doon ay parang slow motion ang galaw ng paligid na saya at mahiwaga ang aking naramdaman. Nakumbinsi ako na mahal ako ni Han, hindi niya kinontra ang paghalik ko, at naririnig ko ang pintig ng kanyang puso.

   "Ilang saglit ay bigla napaluhod si Han na humahangulngol na napasabi na..."

   "Bakit ganito ang hirap!..".

   "Cyrus!"

   "Hindi ko kaya..."

   "Hindi ko alam!"

Perfect NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon