Chapter 14

4 2 0
                                    



   Isa ngayon sa magiging kabilang sa moment ko kay Cyrus. Nasa loob ng dance room ang mga members para sa meeting.

   Tatlong araw nalang hinihintay para sa accreditation program na kung saan ay sasayaw ang kami. Ang team A na kung saan ay kasapi ako ay nandito na. Pagkalipas ng 1 minute ay dumating na ang team B. Hindi pa dumadating ang team C; siguro ay seryoso ang pag-eensayo nila kaya nalimutan ang time para sa meeting.

   Ewan ko, bakit pumasok ngayon sa isip ko si Cyrus.

   Naka-feel ako ng lungkot sa naging topic namin ng kaibigan ko tungkol kay Cyrus sa canteen. Kahit naiinis ako sa kanya, hindi tama na magpalaganap ng maling kuwento tungkol sa kanya dahil sa umaangat siya.

   Habang tumatagal ay ang inis ko sa kanya ay nawawala naman.

   Nakakadama ako ng guilty dahil sa pag-iwas ko sa kanya na alam ko na napapansin niya. Panahon na siguro para patawarin siya. Sabihin sa kanya ang pangyayari kung bakit galit ako sa kanya.

   Masyadong awkward na iwasan siya dahil laging magkikita kami dito sa dance room. Sa ngayon ay nahihiya akong mag-interact sa kanya dahil sa nangyari sa CR.

   Basta gusto ko siya ang unang mag-approach, at doon ay sasabay ako.

   "Hello kuya Skylar, puwedeng mahingi ang number mo kasi crush po kita."

   Bigla naistorbo ang pag-iisip ko tungkol kay Cyrus. May babaeng humihingi ng number ko. Sa pagkikita ko sa kanya ay bagong member ito sa dance group.

   Sheyn: *masayahing nagsalita* "Oh!, Jessa kung 'yan ang balak mo ay huwag mo na ituloy dahil taken na iyan si Skylar."

   Jessa: *nadismaya* "Talaga ba, sige".

   Sa moment na iyon ay umalis na si Jessa.

   Skylar: *nagulat sa pag-appear ni Sheyn* *sigh* "Kilala mo?".

   Sheyn: *ngumiti* *magiliw na pagsalita* "Oo naman, ka-member ko siya sa team C. Alam ko naman na hindi ka taken pero alam ko na hindi babae ang hanap mo. Hahaha.

   Salamat dahil naisipan ni Sheyn ang ganoong ideya. Sa totoo ay hindi ko masisi ang nagkakagusto sa akin. Kahit papano ay may attractive looks naman ako, at syempre ang nagpa-akit sa kanya ay ang pagiging magaling kong sumayaw. Ang hambog na paglalarawan ko na ikinatuwa ko.

   Sa deparment ay naririnig ko ang kuwentong may nakakagusto sa akin na kung saan ay hindi ko pinagtutuunan ng pansin. Hindi ko inaasahan na may nakakagusto sa'kin dito sa dance group na naglakas loob na umamin. Kawawa siya dahil naging broken-hearted siya; pasensya dahil si Vincent ang nasa puso ko.

   Teka... "cheer up ng TWICE", ang naririnig ko ngayon. Biigla ako nasiyahan na may fan ng TWICE dito. Bigla ko naalala si Hannie Juance na online friend ko sa FB gamit ang fan acccount noong quarantine days.

   Magandang naman naging dulot ng pandemic in other way na na-discover ko ang TWICE. Doon ay nakilala ko si Hannie na nakasundo kami dahil sa TWICE. Bilib ako sa kanya sa pagiging pursige niya sa pag-update sa content about TWICE, at paglalaban sa bashers nito. Isang araw ay naging inactive na siya; nagtataka ako kung ano nangyari sa kanya na plano sana namin na magkita sa personal.

   Chaena: *kalmadong boses* "Cyrus, nandito ang cellphone mo. Nahanap ko na... ako na ang kukuha"

   Cyrus: *masayang expression* "Ay salamat!, nariryan pala. Mabuti naisipan mo na tawagan ang cellphone na mabuti ay hindi naka-silent ang volume nito

   Si Cyrus pala ang may-ari ng cellphone na kung saan tumunog ang "cheer up". Dagdag point ito para mapatawad ko siya na mabait ako sa nakikilala kong fan ng TWICE.

   Napapnsin ko laging magkasama sila ng babaeng 'yon. Siguro girlfriend niya iyon; bagay naman sila.

   Ewan kapag nakikita ko sila na magkasama ay nakakadama ako ng selos. Ewan dahil siguro na bitter ako makakita ng couple o siguro dahil type ko lang si Cyrus.

   Dumaan si Cyrus,at ngumiti sa akin...

   Ngumiti rin ako bilang tugon.

   Sa pagngiti niya ay parang may gustong ipahiwatig. Bigla ko na naman na naalala ang eksena namin sa CR na nahihiya talaga ako. Nakadikit naman sa kanya ang babae kanina na ang comportable nila sa isa't isa.

   Sheyn: *expression na nagbibiro* "Ang cute nila diba? Teka... type mo si Cyrus? Hindi kita masisi dahil guwapo niya, at height niya ay nakaka-attract talaga. Ang problema ay marami kang kaagaw dahil maraming nagkakagusto sa kanya."

   Skylar: *nabigla* *sigh* "Pinagsasabi mo!, ah... hindi ko gusto si Cyrus".

   Sheyn: *natawa* expression na nagbibiro* "Huwag kang denial na nahahalata kita. Ang kasama niyang babae ay si Chaena iyan isang education student na kasama ko sa team C. Sa totoo ay hindi ko alam kung ano ang relasyon nilang dalawa. Batay sa akin hinala ay si Chaena ang may gusto pero si Cyrus ay salungat dito."

   Skylar: *expression na sumasang-ayon* "Ah ganoon ba... bakit mo ipinapaliwanag iyan. Wala akong pake."

   Sheyn: *expression na hindi pagsang-ayon* "Sige sabi mo, alam mo para may something kayo Cyrus. Alam mo na nagkuwentuhan kami ni Cyrus, sabi niya ay gusto niya na maging kaibigan ka dahil fan siya sa galing mo magsayaw. Para sa akin ay hindi iyon ang main reason.

   "Tapos ikaw parang bad vibes ka ngayon dahil si Cyrus ang topic. May nangyari siguro sa inyong dalawa na hindi mo nakukuwento. Hindi mo magawang makuwento about sa lovelife mo na kung sino gusto mo. Bilang kaibigan ay curious lang ako. Kung ano ang nangyari sa inyong dalawa ay please ikuwento mo naman sa'kin baka may maitutulong ako".

   Kung sino pa ang nakakaalam ng lihim ko ay yung makulit pa. Sa totoo ay masasaligan ko si Sheyn na walang siyang pinagsabihan na bakla ako. Hindi ko nakukuwento sa kanya ang mga bagay tungkol sa love dahil nakukulitan ako.

   Hindi ko siya matalo...

   Na-share ko ang kuwento kung bakit ako naiinis kay Cyrus na nabingi na rin ako sa pagiging sirang plaka niya. Sa sinabi ni Sheyn na gusto ako maging kaibigan ni Cyrus ay hindi ko alam bakit ito ang nararamdaman ko.

   Bigla ako nasiyahan na naging excited pero may inis pa rin na konti na lang . Sa totoo ay unang kita ko kay Cyrus ay nakadama na ako ng kiliti sa puso. Tawag siguro dito ay mixed of love and anger at first sight na parang tanga lang ako.

   Napagtanto ko na crush ko na siguro si Cyrus pero syempre ang namamayagpag sa puso ay si Vincent. Wala akong plano na umusbong ang nararamdaman ko sa kanya pero gusto ko kaibiganin na siya kung itatadhana.

   Dumating na ang araw ng accredication program, ito na ang hindi ko malilimutan na nagawa ni Cyrus sa akin. 

       -----------------------------------------------------------

Follow me!!!

FB acc: Mafuyu Strauss

Instagram: Mafuyuuu

                      roborianxd

Perfect NumbersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon