Isang magandang araw, ang aliwalas ng panahon. Ngayon magiging judge ako sa sasali sa dance club. Lumipas ang 4 days na natapos ang opening class, mamayang gabi ay magre-review ako para sa first quiz ko sa major.
"Hays".
Sana dalawin ako ng sipag sa pag-aaral na kung isipin ko yung balik-eskwela ay ang sarap alalahanin ang ganoong moment. Ang saya ng mga tao, ngayon ay balik na sa dati ang lahat na wala na talaga ang Jonas virus. Oo nga pala, sasali rin dito si Cyrus na na-curious ako ano kaya ang itsura niya sa personal.
Mabuti nalang noong program ay nag-message siya sa akin about sa nakita niya ang ID ko. Thank you talaga sa kanya dahil kinabukasan ay hindi ako papasukin ng guard kung wala ang ID. Sa 4 days na lumipas ay never pa kaming nagkita sa personal. Ang nagkuha ng ID ko sa time na iyon ay kasamahan ko sa dance club. Sa dahilan na pupunta siya sa labasan na kung saan nandoon si Cyrus kasi sa time na iyon ay busy ako.
"Ang weird daw ni Cyrus".
Bigla naman ako natawa kasi parang oo naman dahil sa message niya sa akin sa FB sa pagbalik ng ID. Ang sabi ng kasamahan ko ay tanong nang tanong siya na parang nag-aalala siya sakin na katulad ng...
"Bakit hindi siya pumunta".
"Dadaan ba siya dito na anong oras?"
"Nasaan ba siya ngayon?"
"Anong ginagawa niya"
Kaya sinagot niya ay "Umuwi siya sa lugar nila dahil may aasikasuhin doon. Hindi ko alam kung ano iyon at hindi ko alam kung taga-saan siya.
"Napangiti ako sa sagot ng kasamahan ko pero deep inside ay gusto kong tumawa dahil sa nagsinungaling siya at sabi niya ay baka stalker ko siya.
Parang ewan siya, sa pagbabalik ng ID ay bakit ganoon ang mga following questions niya. Iyan ang kanyang saad.Parang nag-aalala kaya ang sagot ko naman ay "Sa totoo, hindi ko siya kilala na parang freshman yata siya o sa ibang department siya kaya never ko siya nakita noong face-to-face class dati.
Kaya ganoon siya ay fan niya ako dahil sa naging intermission number ko sa program. Na alam mo naman, ang galing ng sayaw ko na masasabi ko na pinaghandaan ko iyon talaga kaya ganoon ang sabik niya na makita ako. Gusto yata niya ng autograph hahaha".Napahalakhak ako sa binitiwan kong mga salita.
"Ay naku, Skylar iyan ba ang epekto ng quarantine days. Hindi lang magaling sa pagsayaw pati sa pagiging joker ay number 1 pa na tawang tugon niya".
Dagdag niya na iba ang kutob niya kay Cyrus. Na may balak siya sa akin kaya kailangan kong maging alerto kapag magkita kami.
Sabi ko sa akin isipan na sumasang-ayon ako sa kanya na parang weird si Cyrus dahil sa message niya sa akin na "Hi" at ang next ay "Hi, puwede tayong maging friend?" ay masasabi ko na never ko nakita siya ay ganito ang message niya agad.Salamat kay Albert sa sinabi niya na marami ang friend requests ko mamaya dahil sa pagsayaw ko. Na totoo naman at doon napapunta rin ako sa message requests na muntik na matabunan ng ibang message na humahanga sila sa sayaw ko. Mabuti nakita ko ang message niya dahil hawak niya ang hindi dapat mawala sa student kapag pumapasok ng school.
Alam ko na hindi niya ma-contact ang number ko sa ID ko dahil invalid number na iyon. Sa dahilan nawala ko na ang simcard kaya minabuti niya na i-private message niya ako sa FB.Pagdating ng kinagabihan na iyon ay nag-chat kami na ang sabi niya ay...
"Gusto niya ako makita sa personal dahil may sasabihin siya".
Kaya ang reply ko naman ay "Sure naman".
Sa sitwasyon na 'yon ay comfortable ako sa kanya na parang ang gaan ng loob ko sa kanya na kahit hindi pa kami nagkikita. Ewan ko kung dapat ko pang isipin ang sinabi ng kasamahan ko. Basta magkikita naman kami soon kaya ready lang ako.
Ang naging resulta ay hindi kami nagkita sa loob ng isang linggo. Dahil hindi tugma ang schedule namin sa klase. Halimbawa ay may klase ako at pagdating sa kanya ay vacant. Hindi niya magawa na sumilip siya sakin sa room. Dahil pagagalitan siya ng teacher ko dahil sa school namin ay may weird na rule. Ang makitang sumisilip sa bintana ng room habang may nagaganap na klase ay may penalty. Kahit sa hallway sana magkasalubong kami ay hindi magawa.
Hindi ko siya mapuntahan sa canteen kung lunch time dahil umuuwi ako sa dahilan gusto kong samahan ang mahal kong Vincent. Kung uwian time ay hindi rin dahil nauuna ako umuwi sa kanya. Hindi ko siya mahihintay dahil sabay kami na umuwi ni Vincent, at sa chat lang kami nag-uusap.
Minsan hindi ko nababasa kung gabi dahil mahina ang signal sa boarding house. Ang nangyayari ay sa umaga ko nakikita dahil sa school ay maganda na ang signal. Hindi niya sinasabi ang gusto niya sabihin dahil gusto niya isabi ito kapag magkita kami.
Sa moment na iyan ay naisip ko na ano kayang meron kay Cyrus?
Sa dadating sa audition sa dance club ay magkikita na kami kaya medyo na-excite ako na dala rin ng curious ko na makita siya sa personal at ano ang gusto niya sabihin. Sa profile picture niya sa FB ay naka-face mask siya kaya hindi ko alam kung anong itsura niya. Sa account niya ay bagong gawa ito na kung saan ay wala rin akong makita kahit isang post.
Ang susunod na sasayaw ay si "Cyrus Ballesteros BSME1A".
Ito pala siya na hindi ko alam ano dapat kung maramdam. Naghalo na ang excite, pagiging curios na makita siya at... isang malaking inis sa kanya.
Ang tangkad niya na kung titignan siya sa malayuan ay parang lampas sa 6 feet ang height niya, messy look na hair ang style na bagay sa kanya. May maamong mata na ang haba ng pilik mata niya at medyo na makapal ang kilay. Kakaiba ang kanyang ngiti na mapang-akit ito, maliit na mukha at mataas na ilong na katulad kay Leeknow ng Straykids.
Siya pala yung number 13, anong plano niya kung bakit gustong-gusto niya akong makita. Inisin ako at yung gusto niya sabihing magkita kami ay para ipaalala sa akin ginawa niyang pagbuhos sa akin ng mabahong tubig na iyon. Na hindi ko malilimutan ang pangyayari na iyon.
"Walang hiya talaga dahil ang damit na all white at my malaki number 13 ang sinuksok niya".
Gusto niya talaga na ipaalala sa akin ang nangyari na iyon. Nalimutan ko na na malas ang 13 sa akin dahil favorite number ko ito pero ngayon na nakita ko ulit sa kanya ay nag-iba na ang ihip ng hangin.
Akala niya ay maiisahan niya ako ay nagkakamali siya dahil teritoryo ko itong dance club. Officer yata ako dito at ngayon na judge ako dito ay never ka magkakaroon sa akin ng magandang score.
Hinndi ka makapapasa dito. Ganito pala na hamon na gusto mo Cyrus ay pagbibigyan kita.
-----------------------------------------------------------
Follow me!!!
FB acc: Mafuyu Strauss
Instagram: Mafuyuuu
roborianxd
BINABASA MO ANG
Perfect Numbers
RomanceBumalik sa dati ang lahat matapos ang dalawang taon na pandemic. Ito ang hinihintay na sandali ni Skylar na isang college student na muling makita ang kanyang unrequited love na si Vincent. Sa opening class na kanyang inaasam na kung saan ay kanyang...