Chapter 10: Confronted

100 2 0
                                    


Kasalukuyan namin pinapanuod si ash sa mini stage ng theater room. Katulad sa music club, malawak at malaki rin ang space dito kaya makikita mo na talagang makakagalaw ka ng maayos. Baka nagtataka kayo? Si ash lang ang kasama sa club na to ako naman sa music club at si reen sa art club.

"Akala mo ba madali lang ang lahat para sa akin ng iwan mo ako nun ha? Hindi jonathan. Nahirapan ako na halos ikamatay ko na ng iwan mo ako nung mga panahong dapat na kasama kita." Madramang sabi ni ash. Nakakapagtaka lang kung saan niya hinuhugot ang mga katagang yan. Nagkaroon kasi sila ng on the stop acting at masasabi mo talagang may talent ang bruha.

Simula pa lang nung bata kami ay hilig na talaga ni ash ang pag aacting.

"Ah. Ehhh" sabi naman nung jonathan 'kuno' na napahawak pa sa noo niya. Hindi niya siguro alam kung paano niya susundan yung flow na ginawa ni ash.

Tumalikod si ash at bakas sa mukha niya ang lungkot. Ano kayang drama nito? Naalala ko yung mckenzie, hmm. Matanong nga mamaya si ash.

"Ayan! Dyan ka naman magaling, masyado kasi kayong paasa! Ni hindi niyo nga alam yung pakiramdam ng maiwan palibhasa mga pa fall lang kayo at ito naman kami nagpa fall. Huwag kang mag alala, hindi naman kita sinisisi, sinusumbat ko lang sayo ang mga pagkakamali mo." Paturo turo effect pa si ash

Bigla namang bumukas yung pinto kaya lahat ng tao dito sa theater room ay napalingon. Iniluwa nun ang mga nag gwagwapuhang aso. Akala niyo ha? Sino tinutukoy ko? Sino pa ba edi ang mga campus princes. Nandun din si sabrina at archie. Umupo naman sila sa likuran namin at tumungo naman si sabrina sa gawi ko.

"Hi kc, reen! Clubmate ko rin ba kayo?" Pina upo ko siya sa tabi ko. Umiling naman ako sa kanya. Ganun din ang ginawa ni reen.

"Ayun si ash oh, nanunuod lang kami. Tutal patapos na rin yung class namin kanina kaya hindi na kami umattend." Tumango naman siya,

"Ang galing naman ni ash, alam mo ba? Natakot nga ako kahapon akala ko kung saan niya ako dadalhin." Tumawa naman ako.

"Ganon talaga siya. Loka loka!" Pinagpatuloy namin ang panunuod sa grupo ni ash.

"Austingot, hindi pwede yun. Dapat ang mga babae mahinhin lang no, tsaka malay mo may gender crisis siya."

"Nathaniella babe naman, nagseselos ka ba? Hayaan mo. Magpapalakas ako para hindi ka na tumingin sa iba!" Nakarinig naman ako ng batok.

"Gago! Pustahan tayo, dating lalaki yan at papatunayan ko sayo yan." Lumingon ako sa likod para tignan sila, pero iba pala ang nakita ko makatitig wagas. Nanuod na lang ulit ako.

Akala ko tapos na yung scene ni ash pero talaga namang kina career niya. Pumunta siya sa harap namin.

"At ikaw na lalaki ka! Alam mo, sa totoo lang ang panget panget panget panget mo. Akala mo ba natutuwa ako sayo ha? Pwes hindi! Una pa lang kitang nakita nag init na ang ulo ko sayo. Akala mo kung sino ka! Argg! Mang aagaw! Sa akin siya kaya huwag kang maharot okay? Akin yung upuan na yun. Akin lang ang akin!" Teka? So si mckenzie naman ang trip niya ngayon? Ano bang meron ang dalawang ito? Tumayo naman si mckenzie at hinarap si ash

"Excuse me miss, pasensya ka na pero hindi kasi ako psychiatrist. Mabuti pa ihatid na lang kita mukhang malala ka na!"

Mukhang hindi na to kasali sa acting ha? Napalingon naman ako kay reen at nagkibit balikat lang siya. Tumingin din ako sa kaibigan ni mckenzie tapos si ezekiel hanggang ngayon nakatitig pa rin sa akin at yung dalawang asul at pula naman na kanina nagbabangayan eh parang gulat lang sa nangyari.

"Hoy, hindi ako baliw noh, jonathan! Pakibugbog naman to kahit pambawi mo lang sa pag iwan mo sa akin!"

"Ash, ano ba sinasabi mo? Hindi--

So This Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon