Chapter 7: So, He is Archie

395 20 12
                                        

KC's POV

"Hoy kc! Ano na? Magugunaw na ang mundo di mo pa rin sinasabi kung nasaan ka kagabi?" Ayan na naman tayo. Mas lalo lang akong nabwibweset eh. Oo, kanina pa ako nabwebwesit hindi dahil sa kanina pa ako kinukulit ni ash pero dahil sa jerk na yun. -_-

"Wala! Namatay na!" Sagot ko kay ash. Bigla naman siyang napaurong malapit sa pintuan ng kotse. Baliw.

"I-ibigsabihin multo ka na? WAAAA!! MAMA, help. K-kc bakit mo ko minumulto? Anong naging kasalanan ko sayo?" Psh. Kahit kailan talaga tong si ash, minsan may pagka isip bata eh. Pupunta kami ngayon sa bahay, ewan ko nga kung anong nakain ni ash at sa amin pa gusto tumambay at dahil rin daw sa walang magawa ang kagandahan ni ash kaya ganun. Nalaman ko ring pinatawag si reen ng daddy niya.

"Loka! May multo bang nagda-drive? Tsaka pwede ba? Tumahimik ka?" May pagka inis kong sabi,

"Ay? Ganern?" Hahahaha. Lukaret din ang babaeng to eh. Ewan ko ba at kahit ganyan yan, napapakisamahan ko pa.

"Kc, Wala ka bang napapansin?" -ash

"Sa iyong kapaligiran?" Tanong ko naman sa kanya pabalik.

"Kay dumi na ng han----Ano ba yan kc! Seryoso ako." Ash said while gasping. Hahaha! Epic talaga mag isip tong si ash,

"Bakit? Mukha ba akong nagbibiro ha?" Mataray na sagot ko.

"Ay haroooot! Taray eh. Pero di nga? Pansin ko kasi na lagi na lang pinapatawag si reen ng daddy niya." Yup. These past few weeks, Sa tuwing magkakasama kami bigla bigla na lang may tatawag sa kanya at malalaman na lang namin na pinapatawag ulit siya ng daddy niya at magpapa alam na sa amin para umalis.

"I wonder why." Sabi ko kay ash, ibang klasi! May matinong pag iisip rin pala tong si ash, Kahit papaano ay nakakausap siya ng matino di nga lang halata. Napatingin naman ako sa kanya, mukhang malalim ang iniisip ha?

"We're here!" Sabay tanggal ko ng seatbelt, ganun din ang ginawa ni ash. Bumaba na kami at may sumalubong sa amin, si kuya zeus. Yung guard namin.

"Kuya zeus!" Masayang tawag ko sa kanya.

"Good Afternoon Maam Kc & Maam Ash, kamusta po?" bati naman sa amin ni kuya zeus.

"Naku naman kuya, tinatanong pa ba yan? Of course, maganda pa rin. Di ba kc?" Jeez. Ayan! Lakas mangarap ni ash.

"No comment." Harap ko sa kanya, ngayon naman ay binaling ko ng tingin si kuya zeus at inabot ang susi ng kotse. "Kuya oh, kayo na pong bahala!"

"Ay sige po maam!" Sabay kuha naman nila ng susi,

"Kc na lang po kuya." At napatango na lang si kuya zeus na ibig sabihin ay 'okay po'

Naglakad na kami ni ash para makapasok na ng bahay ng tumigil siya sa paglalakad, kaya naman ako, nilingon ko siya sa likod at ang mukha nakasibangot.

"O? Anong tinatayo mo jan?"

"GRABE KA KC! ANG BAD MO. BAT MO SINABING NO COMMENT? KAINIS KA! ANG GANDA KO KAYA." *pout* sabay talikod rin niya sa akin.

Hays. Parang lagi na lang big deal yung kagandahan niya. Haha! Well, I know naman na talagang maganda si ash, kaya di ko na kailangan sumang ayon. Pang asar lang mga kapatid. Haha! Di pa rin siya humaharap kaya minabuti ko ng mauna, Haha! :D

Pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na nakababata kong kapatid na si keira. Dumiretso ako sa kanya kung saan nakaupo siya sa sahig at ang ulo niya ay nakapatong sa lamesa. Umupo ako para sana ilipat siya sa couch ng makita ko yung mga ginawa niyang artwork. yup. Mahilig ang kapatid ko sa mga arts parehas sila ni reen, pero ako? Nganga! Ewan ko ba at kung bakit di "KC! WAAAAAAAAAAA! BAKIT?! BAKIT MO AKO INIWAN HINDI MO BA ALAM NA PARA AKONG TANGA NA NAGDRADRAMA DUN AT NGAY--

So This Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon