Chapter 8: The first step

112 2 0
                                    

KC's POV

Naglilibot ako ngayon dito sa campus, hays. Hindi ko alam pero alam niyo yung feeling na nakakatamad ng gumalaw? Yung gusto mo nakahiga ka na lang parati? Hahaha. Tapos na pala ang klase ko at hihintayin ko na lang sila ash at reen nasa theater club kasi sila ngayon. Nakita ko naman si archie na nagpa-practice ng soccer, ay hindi lang pala siya pati pala ang mokong na yun dumiretso ako kung saan sila nagpa-practice. Huminto ako dito sa malapit sa puno para panuorin sila, Oh well. Aaminin ko na magaling sila lalo na siya. Umalis na rin ako agad, at naghanap ng pwedeng mapag tatambayan. Habang naglalakad ulit ako ay napahinto naman ako ng makita ang isang babaeng parang bumubulong sa hangin habang kumakain sa isang bench.

Nilapitan ko naman siya,

"Uhm.. hello?" Bati ko sa kanya

"..." hindi niya ako pinansin, kaya tinitigan ko siya. Makikita mo agad sa kanya na ang hinhin niya.

"Hey, You alone?" Pagtatanong ko sa kanya, napabaling naman siya sa gawi ko at mariing tumango. Nginitian ko naman siya.

"Uhm, ano. May maitutulong ba ako sayo?" Nagulat naman ako sa sinabi niya,

"Huh? Uhm wala naman. I just wanted to ask why you are eating lunch out here alone?" Ayan na tuloy nasabi ko. Mabait naman siya hindi katulad nung melanie kanina. Banggain ba naman daw ako.

"Gusto mo ba itong school?" Hanudaw? Ang layo naman ng sagot niya sa tanong ko.

"Hm, medyo. Ikaw ba?"

"Yup. I really, really love it" She smiled.

"I see. Bakit hindi mo kasama ang mga kaibigan mo para kumain?" Yung kaninang ngiti niya ay napalitan naman ng lungkot. Hala?

"Did something happen?" I asked, ewan ko pero nalulungkot ako para sa kanya. Hindi ko alam pero yun yung nararamdaman ko. Tumango naman agad siya bilang sagot niya.

"Alam mo, hindi mo bagay ang malungkot. Kung ano man ang nangyari, huwag kang mag alala. Magiging okay din naman yan eh."

"Salamat"

"Simula ngayon, kaibigan mo na ako." Umalis ako sa pwesto ko kanina at humarap naman sa kanya, inilahad ko naman yung kamay ko para makipag shake hands. Nagulat pa siya ng gawin ko yun.

"Uhm.." Nagdadalawang isip pa ata siya, kaya minabuti ko ng ako ang kumuha ng kamay niya.

"Ayan, at dahil tinaggap mo ang kamay ko ibigsabihin kaibigan mo na rin ako mag mula ngayon. Im Kc, katelynn chloe." Ngumiti naman ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya. Tumayo naman siya at bigla niya akong niyakap.

"Sorry" nagulat ata siya sa ginawa niya. Umiling naman ako at ako naman ang yumakap sa kanya, at katulad ng ginawa niya kanina ay niyakap din niya ako.

"Sabrina"

"Huh?" Humiwalay na siya sa pagyakap ko at tumingin naman sa akin ng nakangiti, halatang halata sa kanya na masaya siya.

"Sabrina ang pangalan ko, Sabrina Miller" Ngumiti naman ako at nag thumbs up sa kanya.

"KC!!!!!!!!" Narinig ko nanaman ang boses ni ash, napalingon naman ako sa likod. Andyan na pala sila.

"Nakung babae ka. Kanina ka pa namin hinahanap at nandito ka lang pala." Napakamot naman ako ng ulo

"Hehe. Kanina pa ba kayo nakalabas?"

"Ay malamang naman. Kakasabi nga lang na KANINA KA PA NAMIN HINAHANAP!!" Nakapamewang na sabi niya

"Hihihi" Napabaling naman si ash at nakita ko naman si sabrina na tumatawa. Napahinto naman siya ng makita kaming nakatingin sa kanya at agad namang yumuko.

So This Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon