"Hoy babae itong cellphone mo, ring ng ring!"
"Hayaan mo yan, mapapagod din yan"
"Teka? Napapagod ba ang cellphone?"
"Oo naman mylabs, tulad ko napapagod din kaya sagutin mo na ako"
"Hahahahaha!"
Napamulat ako ng mata ng makarinig ako ng mga boses na nag uusap. Napatingin naman ako sa kisame teka! Nasaan ba ako? Bigla naman akong napabangon.
"Kc, buti naman gising ka na!"
"Sab, nasaan tayo?"
"Nasa clinic tayo kc. Ayos ka lang ba? Ano bang nangyari sayo? Nag alala kami sayo, Hindi ka naman marunong lumangoy bat napadpad ka sa swimming pool, sabi ni reen sa cr ka raw pupunta? Anyare te?" -ash
"Ha?"
"Kc!" Tinawag naman ako ni austin, at bigla niya akong niyakap.
"Excuse me?" Napabitaw naman siya at napakamot ng ulo. Piningot naman ni amee yung tenga niya.
"Aw! Aw! Aw!"
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" tanong ni amee kay austin habang pingot pa rin ni amee ang tenga niya.
"Aw, Worried lang! Aw." sagot naman niya
"Aso lang dude?" Sabi ni nathaniel
"Wala ka bang balak sagutin to babae? Itatapon ko to!" -kenzie
Napalingon naman ako sa bawat sulok. Anong meron bakit andito ang mga campus princes, nakita ko naman si ezekiel sa isang tabi na nakatitig sa akin. Seriously? Hanggang ngayon nakatitig pa rin sa akin? Iniwas ko ang tingin ko. Napansin ko rin na basa ang buhok niya.
"Edi itapon mo, kainin mo pa nga eh." -ash
"Uyyyy. Bagay kayo" panunukso ni amee.
"Hindi ah!" Sabay nilang sabi
"Asus, tignan niyo nga yan."
"Shut Up!" Sabay ulit nilang sabi. Nagkatitigan naman sila at sabay na nag iwas.
"Meant to be!!" Biro ni austin
"Heh! Meant meant ka dyan! Impossible yan. Napaka opposite kaya naming dalawa. Hindi kami magkakasundo, atsaka mainit ang dugo ko dyan!" Ash
"THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE!" Chorus nilang lahat except si ezekiel, kenzie, ash, reen at ako. Andito nga pala ang campus princes, ako, amee, reen, ash, at si sab.
"Tumigil nga kayo kung ayaw niyong salpakan ko yang mga bunganga niyo ng bulak." Tinuro naman ako ni ash, "at ikaw na babae ka. Ipaliwanag mo nga sa amin kung bakit ka natagpuan sa pool ha?"
Napabuntong hininga naman ako at sinagot ko si ash.
"Akala ko kasi marunong akong lumangoy kaya tumalon ako." Tumawa naman yung mga boys
"Kami ba pinagloloko mo?" Binatukan naman niya ako.
"Aray naman ash. Sorry na, hinuhuli ko lang naman yung isda dun tapos nung kukunin ko na bigla na lang lumayo kaya napa abante ako at nahulog." Sana maniwala si ash alam ko ang lame ng rason at hindi kapani paniwala pero ayoko namang ipaalam sa kanila ang nangyari, magka world war 3 pa ng wala sa oras.
"Hahahahahaha!" Mas lalong lumakas ang tawa nila austin at nathaniel ng marinig nila ang paliwanag ko agad naman silang napatigil sa pagtawa ng bigyan ng pamatay na tingin ni amee.
