Chapter 9: KC's Friends Meets The Campus Princes

109 2 0
                                    

Sabrina on the right side -->

KC's POV

Ang bilis ng araw at natapos na agad ang first week ng school. Medyo okay naman, akala ko hindi magiging madali ang mga araw ng pagpasok namin dito.

"Kyaaaaa! Ang gwapo talaga nilang lahat."

"Hello prince nathan!"

"I love you austin. Akin ka na lang"

"Prince Ezekiel, Thank you for last night."

"Whuttt?!!"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko araw araw. Walang araw na hindi sila kina huhumalinginan ng mga kababaihang nag aaral dito. Ano pa ba ang aasahan natin diba? Pag gwapo, kinahuhumalingan na agad. Edi sila na ang sikat.

"Hi miss beautiful!" He winked at me,

"Oy austin gago! Ang aga aga nakikipaglandian ka!" Sabi nung blue hair na kasamahan ni ezekiel. So austin pala ang pangalan nung naka red hair. In fairness ha? Kulang na lang maging rainbow mga buhok nila pag pinagsama sama.

"Bro naman! Huwag mong sabihing uunahan mo pa ako." at nagtalo na yun dalawa

"Kc right? Dumating na ba si ashley?" Napabaling naman ako sa isa pang kasama nila, ano ba yan! Hindi ko alam mga pangalan nila except dun kay mokong. At ano daw? Ashley?

"Si ash? Ah yup."

"Kenzie, para paraan ka din ah. May pa ashley ashley ka pang nalalaman" Teka, ang gulo nila promise.

"KC!!!!!" Sino pa ba ang laging nakalunok ng megaphone? Edi si ash lang naman. Tamo to, laging naka high.

"Ash, hinaan mo nga yang boses mo" Bulong ko sa kanya ng makalapit siya sa akin.

"A-YO-KO NGAAA!!" Tinakpan ko naman yung tenga ko. Sigawan ba naman ako eh nasa gilid ko lang naman siya.

"Hi miss botipol" kumaway naman si austin kay ash at nilapitan. Kinuha niya yung kaliwang kamay ni ash at akmang hahalikan niya ng hilain ni kenzie si ash. Teka! Ang gulo, anong nangyayari? Magkakilala ba sila ni ash? Nagkatinginan naman si austin at yung blue hair na parang gulat na gulat? What on earth is happening?

"Hala ka nathan!" Sinisi pa ni pula si asul.

"Anong ako? Sipain kita dyan eh!"

"Waahh! Takot ako" kumapit naman si austin sa braso ni ezekiel at binelatan si nathaniel. Asar din ang isang to pero ang weird lang nila. Iniwan ko na sila at lalakad na ako papunta ng theater club ng may humigit sa kamay ko. Humarap naman ako sa kumuha ng kamay ko at tinitigan ko ng masama ang lalaking kaharap ko ngayon.

"Problema mo?!"

"Tsk" He smirked at me, Napakunot noo naman ako. Ano nanaman ba? Hindi pa nga ako nakaka get over sa pagpinta niya sa mukha kong ginawa niyang coloring book at pagpapahiya sa akin tapos kukuhanin niya ang kamay ko na akala mo naman close kami?

Hinila ko yung kamay ko pero ayaw niyang bitawan. Problema nito?!

"Tara dalian mo! Baka di na natin maabutan"

"Ano ba nangyayari?!"

"Basta. May nag aaway daw sa field isang babae at tatlong lalaki"

Napalingon naman ako sa mga estudyanteng nagtatakbuhan. Dahil sa kuryusidad eh pumunta rin ako. Tatakbo na sana ako ng maalala ko na hawak pa rin niya ako.

So This Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon