Chapter 5: A night with him

357 42 20
                                    


--

KC's POV

Napahinto ako sa pagstrum at pagkanta ko ng may naanigan akong pigura ng lalaki dun sa sulok ng room na to kaya tumayo ako para sana tignan ko kung sino yun.

"Oh my god! Bakit siya andito?"

Si m-mokong! Anong ginagawa niya dito? Hala! :O

"Omo! Narinig kaya niya ako? Ay ang tanga mo talaga kc. Nakita mong tulog malamang di ka niya maririnig."

Bumuntong hininga ako ng nakita ko siyang mahimbing na natutulog at talagang dito pa niya naisipan matulog? Pero pano nangyari yun? Walang tao dito ng pumasok ako sa room na to. Hmm! Alam ko na! *evil laugh*

"Yes! Pagkakataon ko na to! Yey!" Sabi ko sa sarili ko kaya dali akong pumunta kung saan nakapwesto yung bag ko at kinuha ang isang pentel pen dun. Hihihihihi :D

Hahahaha! Sinusulatan ko na yung mukha niya, kakapalan ko na sana yung kilay niya ng bigla siyang napamul----

"WHAT THE FCK!!!!"

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Napasigaw at napaupo naman ako sa sobrang gulat.

"What the hell are you doing?!" Matigas na pagkakasabi niya,

"Ah? Hehe! Wala naman!" Takte kc. Ano ba namang palusot yan? Masyado kasi akong nadala sa pagsigaw niya eh. T_T

*death glare*

"Really?" Pagkasabing pagkasabi niya yun ay bigla naman nag iba ang expression ng mukha ko.

"H-hoy!?" Minabuti ko ng tumayo para pag may nangyari di maganda eh makakatakbo agad ako palabas sa music room na to.

Hindi niya pinansin yung tanong ko sa kanya, at unting unti siyang lumalapit sa akin. Takte, Imbes na makalapit ako sa pintuan eh mas mapapalayo pa yata ako.

"Hep! Hanggang dyan ka lang!" Sabay taas ng dalawang kamay ko pa, pero para siyang bingi at pinagpatuloy ang paglapit sa kinaroroonan ko. Waaaaa! Ano bang binabalak nito?

"E-ezekiel, Ano kasi... kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako nila ash" Lalakad na sana ako ng hinarang niya ang katawan niya sa daraanan ko kaya naman mas lalo pa akong napa atras. Wala na! Na corner niya na ako. Ts! Nakakabanas!

"ANO BA! UMALIS KA NGA DYAN! STUPID JERK!"

"Fck! Quit shouting!"

"Stupid! Kanina pa ako nagdadaldal dito pero wala ka manlang imik, tapos sasabihan mo ako na tumigil sa pagsigaw ni isang be----

Kyaaaa! Napatigil ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"You're so annoying"

"Pwede ba ilayo mo yang mukha mo!? Nakakasuka! Jerk." Pilit kong isinasandal ang ulo ko sa pader kung saan nacorner niya ako. Ts!

"I am not a jerk!"

"Yes you are!"

"Dont call me stupid jerk. You freak!" Aba!

"Stupid! At bakit ko gagawin yun ha? Hindi ako freak!"

"Yes you are." Aba! Walang originality tong mokong na to, gaya gaya pa!

"Stupid nga talaga" bulong kong sabi pero alam ko naman na dinig niya yun.

"Tsk!" Mas lalo pa siyang lumapit sa akin kaya naman sinipa ko siya sa where-it-hurt-the-most. Bwahahahaha!

"Arggg!" Napa atras at napayuko naman siya dahil sa ginawa ko kaya pagkakataon ko na to para makatakas sa kanya pero masyado siyang mabilis at nahawakan niya agad ako.

So This Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon