Chapter 12: Girls Talk

98 1 0
                                    

"KC!!!!!!"

"Ay, Halimaw ka!" Nagulat naman ako sa lakas ng tili ni ash, Aray ko po. Napaso lang naman yung dila ko dahil sa pagkagulat. Kasalukuyan akong nagluluto ng makakain ko ngayong gabi titikman ko na sana yung niluluto ko ng bigla namang sumulpot sa tabi ko si kc.

"Grabe naman! Mukha ba akong halimaw? Ouch!" Hinawakan pa niya ang dibdib niya na para bang nasaktan siya.

"Ano ba yan ash! Bakit ba lagi ka na lang naka high? Adik ka ba?"

Nag coconcentrate ako sa pagluluto kaya hindi ko namalayan ang pagsulpot ng mga kaibigan ko. Kasama ni ash si reen pero dumiretso lang ng kwarto ko. Andito pala ako ngayon sa condo.

"Over ka naman! Sayang naman ang ganda ko kung magiging adik lang ako." Tumawa naman siya.

"Paanong hindi? Kung makatili ka naman dinaig mo pa ang sirena ng bumbero sa lakas. Ano bang ginagawa niyo dito ha?" Pagsusungit ko kay ash.

"Taray naman! May sasabihin lang naman ako sa inyo." Bigla naman sumeryoso ang mukha ni ash. Lumabas naman si reen at umupo sa lamesa, tamo to! May upuan na nga, sa lamesa pa umupo. Nagpalit pala siya ng damit.

"Dapat lang na magtaray ako ano! Napaso kaya yung dila ko dahil sayo."

"Hahahahaha. Shunga ka kasi kaya ka napaso at hindi ko kasalanan yun. Maganda lang talaga ako." Asar niya sa akin at talagang sinabayan pa niya ng nakakalokong pag ngiti dagdagan mo pa ang walang kakonek konek na kagandahang sinasabi niya.

"Maganda pala ha!" Lumapit ako sa kanya, "Ano kaya kung ibuhos ko sayo itong niluluto ko?" sabay turo ko doon sa niluluto ko.

"Reen! Waaah! Nakakatakot si kc." Tumawa naman si reen, "Ayoko nga! Ayokong malapnos ang maganda kong balat, Maraming magluluksa kc pag ganon tsaka kung gusto mo ako na lang ang magbubuhos sayo tutal maganda naman ag idea mo. Game?" pang aasar na naman niya sa akin at tumawa pa silang dalawa.

Tinapos ko na ang pagluluto ko. Hindi ko muna pinansin yung dalawa at ini ayos ang lamesa. Kumuha ako ng tatlong pinggan at inilagay doon. Mabuti na lang at marami yung niluto ko.

"Kahit kelan talaga ash, napaka mo!" Grabe naman kasi ang kakulitan ng babaeng to.

"Tama! Napakaganda ko talaga!"

Napasimangot naman ako. Walang bukang bibig kundi ang taglay niyang kagandahan. Minsan nga papainumin ko to ng humbly syrup ng magpaka humble naman siya kahit minsan lang. Oo, minsan lang.

"Ano pala yung sasabihin mo?" Nagsandok na ako ng kanin at nilagyan yung mga plato namin at kumuha na ng niluto kong adobo. Umupo naman na sila ng maayos.

"Aayyieeeeeeee!" Napahinto ako sa pagsubo at nakita ko naman na kinakagat ni ash yung kutsara niya at halatang kinikilig. Napa huh naman ako.

"Haha. Kinikilig lang naman ang dyosa. Ikaw ah! Ayieee." Ngumoso naman si ash at inii-smack ang kutsarang hawak niya.

"Ano bang nangyayari sayo ash? Lumuwag nanaman ba ang turnilyo dyan sa utak mo?" Sumubo na ako dahil gutom na ako.

"Haha. No! No! Nakita lang naman namin yung kissing scene niyo ni ezekiel sa mall kahapon diba reeen?!"

Naibuga ko naman yung kinakain ko sa mukha ni ash dahil magkatapat lang kami at nasa gilid naman namin si reen. Napahawak naman si ash sa mukha niya at nagpipigil naman ng tawa si reen.

"Say whut?" Gulat na gulat kong sabi.

"Kc! I hate you, waahh my precious face."

"Hahahahahahahahaha!" Tuluyan ng napahalakhak si reen at nag peace sign naman ako kay ash.

So This Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon