Chapter 13: A&A Love Story

129 5 0
                                    

"Ashleyyyyyy!!!!! Bumangon ka na dyan!" Nakng. Kahit kailan ang tulog mantika ng babaeng ito. Dito kasi sila natulog sa condo ko matapos namin mag usap kagabi. Nakabihis na si reen at nakahanda na ang almusal namin papasok na kami mamayang konti. Patuloy ko pa ring ginigising si ash..

"MARIAH ASHLEY!!!" Sigaw ko.

"Ano ba, ang aga aga ang ingay." Nagtalukbong pa siya ng kumot.

"Hindi ka pa rin ba babangon diyan ha?" At talaga namang. Kinuha ko yung mga ice cubes sa freezer at nilagay sa bowl. Bumalik ako sa kwarto at tinanggal yung kumot na nakabalot sa katawan ni ash. Nilagay ko naman yung mga ice cubes sa mukha ni ash at pinunas doon.

"Waaaaahhh! Kc, ano bang ginagawa mo? Ang lamig nun ah."

"Babangon din pala dami pang arte. Maligo ka na nga. Pupunta na tayo ng school mamaya, dalian mo kung ayaw mong iwan ka namin."

Napasabunot naman siya at ginulo gulo ang buhok niya.

---

Naabutan namin si amee na naglalakad ng gate kaya naman ang naka high na si ash ay todo kung makatawag.

"AMEEEEEE!!!!!" Tumakbo si ash sa kinalalagyan ni amee kaya sumunod kami.

"Goodmorning everyone" bati niya sa amin. Bumati naman din kami. Magka-klase kaming apat ngayon kaya sabay sabay na kaming lumakad ng makasalubong namin ang campus princes.

"Magandang umaga sa napakagandang katulad mo aaliyah my labs." Bungad ni austin kay amee at binigyan ng bulaklak na halatang pinitas lang sa tabi tabi.

"Pwede ba tigilan mo ako? Ang aga aga masisira pa ata ang umaga ko." Inis na sabi ni amee.

"Hoy babae! Saan ka kagabi at bakit hindi ka umuwi?" Singit naman ni mckenzie.

"Wow! Pake mo?" Mataray na sagot ni ash. Sinamaan lang ni mckenzie si ash at ang bruha parang batang binelatan si mckenzie.

"My labs naman. Ang aga sinusungitan mo na ako lalo tuloy akong naiinlove sayo." Pa cute na sabi ni austin.

At anong meron sa dalawang to? Di ko ma reach ha! Masyadong mabilis ang nangyayari.

"Huwag mo nga akong matawag tawag na my labs. Nakakakilabot ka! Tumataas balahibo ko sayo."

"Ang sweet naman ng my labs ko kaya mahal na mahal kita eh."

"Kapal mo! Hindi kita gusto kahit anong gawin mo hinding hindi ako magkaka gusto sayo."

"Omy universe! Ano bang nangyayari dito?" Gumitna naman si ash at nakapamewang pa na nagtatanong.

"Si austin kasi na lab at per sayt kay aaliyah kaya nililigawan niya si aaliyah." Sinagot naman ni nathaniel yung tanong ni ash.

Ay grabe na ito. Nagtama naman ang tingin namin ni ezekiel, nakatitig siya sa akin at iniwas ko ang tingin ko. Jusko! Ano ba namang mga titig yun. Pamatay!

"Ito talagang my labs ko pakipot pa pero sabagay okay lang din para mas ganahan akong ligawan ka at pagbalik ko maririnig ko na ang matamis mong oo. Aalis na muna ako bye my labs. Mwaaa!" At umalis na nga si austin. Pumadyak padyak lang si amee na para bang batang nabwebwesit.

"Ay grabe! In fairness amee-girl. Masasabi kong bagay kayo ni austin" sabay tawa ni ash, tamo to! Nang asar pa.

"Hindi ah." Tanging sambit ni amee.

"Ayieeee. Kunwari ka pa amee, baka nga deep inside kilig na kilig ka na dyan." Sinundot sundot naman ni ash sa tagiliran si amee. Tumigil naman si ash at bumaling kay ezekiel

So This Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon