Gabi na at hanggang ngayon hindi pa rin ako inu-uwi ng stupid jerk na si ezekiel. Pagkatapos niya akong higitin sa kotse niyang mabango na kasalukuyang nakahinto sa lugar kung saan matatanaw mo ang nakakagimbal na mga rides dito sa Amusement park. Oo, at wala akong idea kung bakit nandito kami ngayon. Sa tuwing hihilain niya ba ako dapat wala akong alam? Naiinis talaga ako ngayon bukod sa hindi niya ako iniimikan ay nabobored na ako at napapagod na naka upo. Mag tatlong oras na kaming nandito.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at padabog itong sinara. Sa totoo lang marami akong mga katanungan sa mokong na ito pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko.
Kung hindi niya ako iuuwi pwes ako mismo ang mag uuwi sa sarili ko gamit ang sarili kong mga paa.
Lakad...
Lakad...
Lakad......
"Hey, Where are you going?"
Hindi ko siya nilingon at patuloy na naglakad hanggang sa nagulat na lang ako ng napahinto na ako dito sa harap ng ferris wheel. Grabe, Talaga namang mapapatingala ka sa sobrang taas nito. Hindi ko alam kung bakit ako narito humanap naman agad ako ng mauupuan at saktong paglingon ko may mga bench sa banda roon, pumunta naman ako dun at umupo.
Ano na kayang nangyari kay amee? Si ash kaya? Hindi ko mapigilang hindi mag alala. Tahimik lang ako dito habang pinapanuod ang mga nagdadaanang couple. Bigla kong naisip si ezekiel. Napa iling naman ako. Gusto ko ng umuwi pero hindi ko magawang umalis sa kinalalagyan ko. Napatingala naman ako at tumingin sa langit, ang daming bituin na nagniningning.
"Miss, mukhang mag isa ka ata." Lumapit naman sa akin ang limang kalalakihan. Hindi ko sila pinansin. Naramdaman ko ang pag upo ng isa sa tabi ko at ang dalawa naman ay nasa likuran ko at nasa harapan ko naman ang natira.
Mas lalo akong nainis dahil bakit ba lagi na lang ganito ang set up ng buhay ko? Lagi na lang akong napapahamak. Hindi maganda ang kutob ko sa kung ano mang mangyayari ngayon kaya naman tumayo na ako para iwanan sila ng tinulak ako nung lalaki kaya naman napabalik ako sa pag kakaupo.
Nakng! -_-
"Miss, huwag ka naman munang umalis." Sabi nung katabi ko na leader ata ng mga ito. Tahimik pa rin akong naka upo sinubukan kong tumayo pero hindi ko pa nagagawa eh hinawakan nung dalawa sa likuran ko ang balikat ko. Naikuyom ko ang mga kamay ko.
"Oh, Easy miss." Sabi nung katabi ko at naramdaman ko ang palad niyang hinihimas ang legs ko. Itinaboy ko naman ang kamay niya.
"What do you want?" Cold kong sabi, badtrip!
"Boss. Mukha naman atang masunurin ang babaeng ito."
"Ayan ang gusto ko." Bwiset talaga! Nag iinit ang ulo ko.
Tumayo na ako pero hinawakan ako nung isa kaya naman humarap ako dun at sinuntok siya napa upo naman siya at hinawakan yung pisngi niya. Ngumisi ako sa kanya at nakita ko ang mabilis na pagtayo at akmang susugurin ako ng pinigilan siya ng isang kasamahan niya.
"Pare, bitawan mo ako. Tuturuan ko lang ang babaeng yan." Tumalikod na ako sa kanila at lumakad na ng hilain nila ako at tinakpan nila ang bibig ko. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas sila.
"Sige, dalhin niyo na siya doon." Sabi naman nung leader nila.
Binuhat naman ako nung isa pero nananatiling nakatakip ang bibig ko. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Nasaan ba si ezekiel? Bakit hindi man lang niya ako sinundan? Naramdaman ko ang pagtapon nila sa akin sa damuhan. Madilim ang lugar na pinagdalhan nila sa akin pero matatanaw mo di kalayuan ang mga rides. Kung titignan mo ay baka hindi nila mamalayan na may tao sa gawi namin dahil sa sobrang dilim.