06 - Second Time

372 4 0
                                    

Amore's POV

Napasinghap akong nakatingin sa loob ng bahay niya. Mukha naman 'tong hotel, hindi bahay! Kulang na lang maglagay siya ng reception area sa may gilid para hotel na talaga.

Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay.Hindi naman ganito kalaki ang mga bahay ng mga kuya ko na magmukhang hotel. They have their own main mansion for their future families but not as big as this one.

May mga bahay naman sila pero pang pahingahan o tambayan, 'yong klase na mga bahay na sakto lang dahil kung saan saan lang kasi sila napadpad at hindi nila minsan tinitirhan kaya they settle for houses na kasya kaming lima. Sa dami ng mga bahay nila hindi ko na mabilang.

May kasama ba siya dito? Para kasing pang buong angkan ang nakatira dito. Wala akong nakita na kahit maid man lang o butler.

It was silent, na parang nabibingi ka na lang sa katahimikan and I felt a lonely atmosphere here. Parang abandon hotel na hindi tinitirhan ng ilang buwan. Baka may multo dito?

I shiver thinking about ghosts living here.

Malinis naman ang buong paligid. Walang mga cobwebs o alikabok. Spotless lahat. Kumikinang pa nga ang mga gamit.

Hindi nga ako nagkakamali, tingin pa lang sa mga gamit dito, alam mo ng mamahalin na.

Kung siya lang ang nakatira dito, hindi ba siya nalulungkot tumira dito ng mag-isa?

Sa bahay ko nga kahit hindi masyadong kalakihan nalulungkot ako tignan ang paligid dahil ako lang mag-isa. Nasanay kasi akong may kasama kaya palagi kong hinahanap.Buti na lang talaga doon tumira minsan ang mga kuya ko at may Pippino na ako na sakit sa ulo.

"Let me get you a cold compress." I nodded. Pinaupo niya muna ako sa red leather sofa niya kaya naiwan akong mag-isa dito sa lobby niya. Na hindi ko alam kung living room ba 'to o lobby? Dahil hindi talaga 'to matatawag na living room.

I look so small now inside his place. Tumingala ako sa malaking chandelier. I suddenly looked down. Baka may ulo ni sadako bigla ang susulpot sa mukha ko na nakakabit sa malaking chandelier kahit high ceiling. Mala unggoy siya d'yan kapag nangyari 'yon.

I sat uncomfortably on his sofa. Parang hindi ako bagay dito. The lights suddenly turn dim. Tangina. Tinatakot ba ako ng lalaking 'yan? dahil hindi nakakatuwa.

Kaya ta tayo na sana ako para hanapin siya ng may narinig akong kaluskos. Napatalon ako sa gulat at natumba sa carpet.

"Aray!" 'yong pasa ko kanina natamaan sa lamesa.

Dali dali lumapit ang maitim na anino sa akin. Sisigaw na sana ako ng makita kong siya lang pala 'yon.

Titigilan ko na talaga manuod ng mga horror movies. Kinakain na ako ng multong imahinasyon sa mga pinapanood ko.

"Hey, are you okay? How did you get there?" Confusion was on his face.

"Ah, n-nakihiga lang." He didn't actually believe me and help me. Tinulungan niya akong maupo sa sofa niya.

Umupo siya sa tabi ko habang tiningnan ang namamaga kong braso. Lalong namula at sigurado akong iitim 'ito mamaya.

He examined it closely. There was anger and annoyance evident in his expression, making his jaw clenched. Parang nagtitimpi siya at pinipigilan niyang sumabog ang nararamdaman niya ngayon.

NS#1: AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon