04 - My house

344 4 2
                                    

Amore's POV

Pumunta ako sa counter pero wala na ang manager namin doon na nakatayo kanina. Hindi ko alam kung mangagamba ba ako o maging panatag kung papaalisin ba ako sa trabaho o hindi.  Minabuti kong sinimulan ang pag take ng orders ng mga customers. 

Hindi naman ako pinatawag kaya ramdam ko na walang problema. Hindi naman siguro ako paalisin dito sa trabaho kung hindi siya magsumbong sa asal ko sa kanya. Na dapat hindi ko ginawa. I should be professional and not include personal issues when working.

Pagkatapos ng shift ko ay dumaan muna ako sa divisoria para bumili ng laruan ni Pippino dahil naiwala na naman niya o baka nasira at tinapon ni kuya Vico. Kahit kabibili ko lang noong nakaraan. May mga laruan sila kuya na reserba para sa kanya pero ayaw naman ni Pippino laruin dahil gusto niya 'yong starfish. 

Sana may stock pa sila kundi magagalit 'yon sa akin tapos sisirain ang mga halaman ko ulit. Ganon siya kapag hindi na mahanap 'yung starfish niya. 

Kaya naman lakarin dahil malapit lang sa restaurant na trinabuhan ko. May extrang pera naman ako sa bahay na tinatago ko para sa mga emergency purposes kaya sakto lang ang perang dala ko sa mga bibilhin ko ngayon.

Pumunta rin ako sa ukay-ukay para maghanap ng Oversize shirts na ibibigay ko sa mga kuya ko at para na rin sa akin. 

Nakakita naman ako ng mga magaganda. Mainit at pinapawisan ako ng sobra pero kere lang dahil marami naman akong nakita. Kailangan lang mga ito labhan ng maayos para magmukhang brand new. 

Hindi naman mga 'yon maarte sa mga damit na kaya kong bilhin kaya kere na mga 'to. Noon mahilig sila sa mga mamahalin pero ngayon sa mumurahin na. Mas prefer na nila ngayon ang ukay o galing divisoria tapos na natutuwa pa sila kapag nakahanap sila ng mga branded o class a. Kasama ko sila minsan sa ukay-ukay kapag sinusundo nila ako tatlo sa trabaho. 

Hindi ko talaga maiwasan malula sa mga binibigay nila sa akin dahil hanggang ngayon iniispoil pa rin nila ako ng bongga kahit hindi ko naman kailangan ang mga binigay nila sa akin ng biglaan na hindi ko na maitanggi. Nabili na daw nila kaya no return, no exchange daw. 

Minsan lang kasi ako gumagala dahil busy rin sa trabaho kapag weekdays. Sa weekends ay wala akong trabaho pareho sa restaurant at sa bar. 

Tapos may mga araw sa weekdays na sabay ang work ko sa restaurant at sa bar. Mayroon rin namang pagkakataon na wala akong work sa restaurant at may work ako sa bar.

Binilhan ko rin sila ng leche flan para sa dessert nila mamaya. Paborito kasi nila ang leche flan. Tinatamad naman ako gumawa kaya bumili na lang ako. 

Wala kasi daw doon sa Italy na kasing sarap ko gumawa ng leche flan. Kaya ginagawan ko sila sa weekends o kung kailan aalis na sila papuntang Italy. 

Bumili rin ako ng bagong tsinelas dahil sinira ni Pippino ang akin kahit itinago ko na sa kabinet. Ginawa ba namang laruan. Konti na lang ibibigay ko na talaga siya sa kapitbahay namin na kaaway niya. 

Hindi ko na iniisip ang nangyari kanina dahil panatag ako na hindi na siya susulpot ulit. 

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang pamilyar na sasakyan sa harap ng bahay ko.

Tangina! Gaano ba kakapal ang pagmumukha ng lalaking ito. 

Napatingin ako sa bahay. Lagot kapag nandoon silang tatlo sa loob. Sana wala sila diyan sa kaya tinawagan ko si muna si kuya Luigi para makasigurado.

NS#1: AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon