21 - Kuyas

201 2 0
                                    

Amore's POV

I'm at the point in my life where I want everything to end.

Wala na si mama, wala na akong pamilya. Ako nalang mag-isa.

Ang hirap naman nito, sobra.

Naibaba ko ang kutsilyong hawak ko sa mesa ng may kumatok sa pintuan. Pinunasan ko ang luhang tumangkang tumakas sa mga mata ko.

Kahit nagtataka kung sino ang kumakatok sa bahay ko ng ganitong oras ay pumunta ako sa pintuan. Tinignan ko lang ang doorknob kung magpupumilit ba ang kumakatok. Kung magnanakaw man ang kumakatok, wala siyang mananakaw sa akin dito sa loob ng bahay.

My house is a mess, I'm a mess myself. If it wants to do something to me. Isang sigaw ko lang may tutulong naman siguro sa akin.

I hold the door knob tight. Huminga muna ako ng malalim at nanginginig ang kamay na binuksan ko ang pintuan.

Bumungad sa akin ang tatlong matatangkad na lalaki. Kunot noo ko silang tinignan. Kailan pa nagkaroon ng bagong lipat dito sa amin?

Mestizo sila parang magkakambal pero parang hindi. They have the same face but they have different soft, harsh and sharp facial features. Halata na may lahi silang tatlo.

Italian maybe? Naghuhula lang ako kung anong lahi nila. Tinignan ko sila, head to foot. Pinagmasdan ko sila ng mabuti inaalala kung saan ko sila nakita. Wala talaga akong maalala.

Napakamot silang tatlo sa batok na parang nahihiya na tinitignan ko sila. Pansin kong may mga bitbit silang bag at pagkain.

"S-sino po sila?" Paos kong sabi. Naghihina parin ako ngayon dahil sa gutom. Naubos ko na kasi 'yong mga snacks na dinala ng mga kaibigan ko noong isang araw. Wala pa akong matinong pagkain dahil tinatamad na akong magluto.

Nagkatinginan sila na parang kinausap nila ang isa't isa gamit ang mga mata.

Naiintindihan ba nila ang sinabi ko? Dahil parang hindi eh.

"Say something you idiot..." the guy with lots of ear piercing in his ears whispered to the guy with purple hair.

Umubo muna 'yong matangkad sa kanila na nasa kaliwa nong naka purple na buhok. Nakaayos ang buhok niya na parang pupunta sa opisina. "H-Hi?" piyok niyang sabi dahil siguro sa nerbyos.

Napatingin ako sa dalawa na naluluha na sa kakapigil tumawa. 

"Shit, sorry." the guy with a lot of piercings  said. Napahalakhak silang dalawa kaya nagtataka ko silang tinignan. Hindi ko sila maintindihan o dahil wala ako sa sarili ngayon?

"Smettetela di ridere, idioti." he scolded them kaya napatayo sila ng tuwid.

"Sorry about that, Hi! My name is Luigi Pacino De Luca the youngest, this is Lodovico Valentino De Luca the eldest, this is Lucio Capone De Luca the second. And we are the De Luca siblings, we are your brothers." bigla akong na loading.
Hindi ko magalaw ang katawan sa straight forward na pagkasabi no'ng purple hair guy.

Hindi man lang niya dinahan dahan? Agad-agad? I was trying to process everything he said kaya hinintay nila na magsalita ako. Hindi ko kayang e buka ang bibig ko. Wala rin naman akong masabi dahil ang slow ko ngayon.

"Idiota, l'hai scioccata." galit na binatukan ni kuya Lodovico si kuya Luigi.

Wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Saang planeta ba sila galing? Bakit sila napunta dito? Dudugo ilong ko kakaintindi kahit wala akong maintindihan.

NS#1: AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon