08 - Lunch

230 3 1
                                    

Amore's POV

I kissed their cheeks and hugged them so tight.

Ngayon na kasi sila uuwi sa Italy. They will stay there for about 2-3 weeks dahil marami silang dapat asikasuhin na trabaho doon.

Papà can't handle and manage all his businesses kaya kailangan sila para tulungan siya.

Noon isang araw sana dapat sila pupunta kaya lang na postpone nga lang dahil sa nangyari sa akin.

They just told papà some made up excuses because I told them papà shouldn't know what happened to me.

Kahit may sariling mga company na sila ay tinulungan pa rin nila si papà kapag nangangailangan ng tulong si papà.

Papà is hands on his companies kaya minsan lang siya nakaka bisita sa akin.

We sometimes call or facetime during our free time. He would sometimes send me gifts or foods out of nowhere. Magugulat nalang ako minsan may kakatok bigla sa pintuan ko.

Sinusuyo pa rin kasi ako ni papà kahit okay na sa akin na walang kahit regalo o pagkain. He would insist and I can't resist.

Just like them sinu surprise visit rin ako ni papà. Magugulat na lang ako may pupunta dito para sunduin ako papunta sa hotel niya.

Sinusurpresa rin naman din nila akong tatlo minsan, depende sa trip nila.

Isang araw hanggang isang linggo sila nag-iistay dito sa pinas. Nasanay na silang tumira sa bahay ko ng matagal.

Kaya minsan kasi ay nag iistay sila dito ng isang linggo kapag may vacant time sila.

Minsan rin ay nag e istay lang sila ng isang araw kapag miss na miss na nila ako kahit busy sila at ang dami pa nilang trabaho na dapat tapusin. Ginawa ba namang sakayan ng jeep papunta dito sa pinas.

Nagtataka na ako dahil dumadalas na ang pagpunta nila dito.

Ako ba talaga ang namimiss nila? o iba?

Dahil pumupunta rin sila sa ibang bansa para mag unwind and explore daw.

Sinasama naman ako, pero minsan lang ako pumayag dahil nga may trabaho ako at ang schedule ko ay depende naman kung kailan ako kailangan.

Gusto nga nila ako doon na manirahan kasama sila pero palagi ko silang tinatanggihan.

Ayaw kung iwan ang bahay at gusto ko dito manatili. Hindi kasi ako sanay sa ibang lugar kahit saan saan na ako nakarating kasama sila. Gusto ko pa rin talaga dito.

"Don't forget to lock the door. And don't let Pippino come close to your neighbor. The old woman keep on nagging at me because of pippino. He even attempted to slap my butt with that walis tambo." Napahalakhak ako. Kuya Vico kissed my hair and moved backwards so I could hug kuya Lucio.

"Please don't bring your boy toy in the house, especially if you plan to do those nasty things." Namula ako sa sinabi ni kuya Lucio.

Anong boytoy? Hindi ko nga 'yon kilala masyado. Stranger with benefits ko nga lang 'yon.

"Kuya!" Kailanman hindi sumagi sa isipan ko na papuntahin siya sa bahay para gumawa ng kababalaghan. Hindi ko alam bakit naisingit pa ni kuya Lucio ang topic na 'yan.

NS#1: AffectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon