Chapter 10

4 0 0
                                    

OPERATION: Comeback of CyJy group chat

THU AT 7:26 PM

Miss Beautiful

: Update, mare?

: Tahimik mo kagabi, ah. Nagsawa ka na?

: wala pa ring
bago, mare.

: nahiya ako
maglapag sa gc hahaha.

Miss Beautiful

: Ikaw, nahiya?

: Hindi ako naniniwala.

Mr. Pogi

: Huwag ka talagang maniwala, insan.

: Ako sumalo lahat kahapon.

Miss Beautiful

: Kawawa ka naman, insan.

: Hindi ka na sana sumunod sa kaniyang bumalik dito, pero salamat dahil nandyan ka. Ikaw kumuha ng dapat ay matatanggap ko rin.

: sige lang, kunwari
wala ako rito.

: nakakapagod na
ba ako?

Mr. Pogi

: Hindi ako mapapagod na intindihin ka kahit madalas ay sobra na.

Miss Beautiful

: Gusto mo maging honest ako, mare?

: yoko. Masakit ka
magsalita

Miss Beautiful

: Masakit pero tama.

: alam ko namang
desperada na ako. Pinanghahawakan ko lang naman iyong pangakong binitiwan namin noon.

Miss Beautiful

: Mare, wala ng pangakong natutupad.

: Kahit noong panahon pa ng mga ninuno natin, walang tumupad ng pangako.

Mr. Pogi

: Encourage na lang natin siya, insan kaysa sa i-discourage natin.

Miss Beautiful

: Encourage? Mas lalaki lang ulo niya. Baka mamaya hindi na pala siya ang babae sa buhay ni Cyrus, pero todo ang asa niya.

: Masasaktan lang siya lalo.

: Huwag mo kasing palakihin ulo niya, insan.

: Kaya ganiyan kasi hindi mo pinagsasabihan. Ikaw kasama niya ng ilang taon doon, hindi mo man lang sinuway.

Mr. Pogi

: Ako na napagalitan. Pagtanggol mo ako, babs.

: kaya mo na iyan.

Mr. Pogi

: Wala ka rin kasing alam, insan. Nandoon ako noong mga panahong palihim siyang umiiyak kapag nag-uusap sila sa chat. Kapag nag-aaway sila, may conflict, nandoon ako sa tabi niya.

: Nasaksihan ko kung gaano niya kamahal ex niya kaya pinapalakas ko ang loob niyang baka meron pa.

: Masaya siya sa kaniya, kaya bakit ko sisirain ang kasiyahan niyang iyon?

: Malaki na siya at alam niya ang ginagawa niya. Kung nasaktan, nandito naman tayo para tulungan siyang iahon.


Miss Beautiful

: Kung natuloy lang talaga akong sumama sa inyo noon baka matino kayo.

: Ang akin lang naman, tama na kung wala na.

: mabuti hindi ka
natuloy.

Miss Beautiful

: Mare, kapag hindi ka pa rin in-accept, stop na.

: Wala na iyong pangakong iyon.

: Hanggang salita na lang iyon.

Mr. Pogi

: Babs, kung saan ka masaya, doon ako. Suportado kita pero may point din si insan.

: Wala akong pinapanigan. Tingnan mo lang both sides.

Miss Beautiful

: Matagal na rin naman na iyong pangakong iyon at baka nakalimutan na niya.

: Baka masaya na nga siya sa iba, hindi lang natin alam.

: "baka"

: hindi pa syur. Wala pang malinaw na evidence para tumigil ako.

: maghihintay pa rin ako.

: hindi lang niya napansin iyong fr ko.

: kapag in-accept niya
ako at nagkausap kami, ano gagawin ko sa inyo?

Miss Beautiful

: I-block.

Mr. Pogi

: Sagot mo entrance fee at pagkain sa resort na gusto kong puntahan.

Miss Beautiful

: Charot lang din. Iyong ayuda ko, ibigay mo na sana.

: Paano naman kung kami ang tama ni insan, ano gagawin namin sa 'yo?

: kalimutan n'yo na ako sa buhay ninyo.

Mr. Pogi

: Huwag naman ganiyan, babs.

: Hindi ka namin kalilimutan. Wala iyon sa pagpipilian.

: Move on ka na lang, babs. Iyon ang gawin mo.

Miss Beautiful

: Tapos ikaw ang mamahalin?

Mr. Pogi

: Hindi insan. Basta mag-move on siya, mag-start ng bago kahit hindi ako iyon. As long as masaya siya sa ginagawa niya, I'm going to support her.

Miss Beautiful

: Ay, bet.

: noted lahat. Tulog na ako, guys. I need more rest today.

: thanks for the ride ulit, babs.

: sagot ko na lunch natin bukas.

Miss Beautiful

: Kakain ako nang marami bukas. Night, mare. Don't take my words seriously, ha? Kilala mo naman na ako.

: wala iyon. Alam ko
namang tama ka.

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon