OPERATION: Comeback of CyJy group chat
FRI AT 12:00 AM
: hii
: medyo nagising na ako.
: mukhang mali yata ginawa ko
: huling chat ni Cyrus sa akin ay noong Monday.
: sabi niya, lumala away nilang dalawa.
: mawawalan na raw siya ng karapatan sa baby nila kasi may law ng involve.
: ginawa iyon ng family ni Shiela.
: Chinese pala family ni Shiela kaya mayaman.
: hindi na rin daw magta-trabaho si Cyrus sa company natin, babs.
: maghahanap na
lang siya ng mas malapit sa place niya para hindi hassle.: at para lumayo na
rin sa akin panigurado.: gusto na niyang
bawasan interaction naming dalawa.: kanina, online siya
pero di na nag-chat.: nag-chat ako
kanina pa pero hindi niya pinansin. Nag-mark as delivered lang.: alam kong mali ako.
: sorry.
: hindi ko naman
alam na hindi na pala siya single.: kung maaga
ko lang nalaman, baka hindi ko na tinuloy ang plano.: pero iyong pangako niya kasi.
: akala ko walang hanggan iyong pangako niya, pero may hangganan pala.
: ako lang umasa sa pangakong iyon
: tama nga kayong dalawa.
: sana nakinig na lang agad ako sa inyo.
: sana hindi na ako nagmatigas.
: edi sana hindi ganito relasyon nila ni Shiela ngayon.
: pumunta rin pala
ako kagabi sa apartment niya.: hindi niya ako
pinagbuksan ng pinto.: gabi-gabi siyang lasing.
: pinagalitan pa siya noong kapit-bahay niya.
: natulog ako sa hotel na malapit sa apartment niya. Four days na ako rito.
: bukas, uuwi na ako sa apartment ko.
: para akong
tanga sa kaaasa.: alam kong marami
kayong sermon sa aking dalawa, pero puwede bang huwag muna?: save n'yo muna
lahat para isang bagsakan kong maririnig sermon ninyo.: sorry sa lahat.
: salamat sa support.
: pansinin n'yo na sana ako.
: hindi buo araw ko na hindi kayo nakakausap.
: babs?
: mare?
: okii. Madaling araw na pala.
: I'm gonna sleep.
: sana paggising ko, okay na tayong tatlo.
BINABASA MO ANG
Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)
RomanceCHAT SERIES #8 NOTE: This epistolary is a slow burn romance. This story is not for you if you are the kind of reader who gets easily bored. Browse ka na lang muna ng iba at baka may magustuhan ka pa bago ka maghanap sa ibang writer. Lewl. --- Jyniv...