Shiela wants to send you a message.
TUE AT 5:56 PM
Shiela Tang
: unsent a message
: unsent a message
: unsent a message
TUE AT 5:58 PM
: Hi, may gusto lang sana akong sabihin...
***
OPERATION: Comeback of CyJy group chat
TUE AT 6:00 PM
: may nag-pm sa
akin.: sa tingin ninyo, jowa
niya iyon?: puro unsent message
pero.Miss Beautiful
: Ano ba sabi niya?
: may sinabi siya
pero hindi ko pa binubuksan. Ayaw kong basahin. May kutob ako.Miss Beautiful
: Message request lang iyan, ano ikinakatakot mo?
: Matakot ka kapag may sumugod sa apartment mo at kinaladkad ka palabas with matching sigaw pa.
: pero paano kung
ganoon gawin niya next time?Miss Beautiful
: Ayan ka na naman sa kao-overthink!!!
: Basahin mo na lang kaya. Hindi rin naman niya mababasa.
: ayaw ko ngang
basahin. Natatakot ako.Miss Beautiful
: Petition, insan. Ikaw na lang magbukas account ni mare.
: hindi niya mabubuksan
kasi di niya alam password ko.Mr. Pogi
: Anong ganap?
Miss Beautiful
: The mystery message request of Shiela.
: Kutob daw na gf ni Cyrus iyong nag-pm sa kaniya.
: ano palagay mo,
babs?Mr. Pogi
: Why won't you read first the chat?
: ayoko nga buksan
Mr. Pogi
: Bakit?
: baka mamaya tama
ako ng hinala.Miss Beautiful
: Wala namang mawawala kung babasahin mo, mare.
: Huwag kang pabitin.
: saka ko na
babasahin.
Baka na-wrong sent lang.Miss Beautiful
: Ikaw bahala.
: Ano, magkikita-kita ba tayo o hindi na tuloy?
: pass. May lakad
si babs sa family niya.Miss Beautiful
: Oo nga pala.
: gusto mo tayong
dalawa na lang?: bonding tayo.
Miss Beautiful
: Kaniya-kaniyang bayad ba, mare? Wala akong pambayad sa kakainin mo.
: hahaha. Sagot
ko na.Miss Beautiful
: Nice. Thanks, mare.
: Ako na lang magbasa ng message niya para sa 'yo, gusto mo?
: hindi na mare.
Ignore na lang muna natin.: Baka bad news,
masira lang araw ko.Miss Beautiful
: Sige, good vibes lang.
: yep, yep. Baka
wrong sent lang talaga siya.: baka nag-aalok
ng kung ano-ano. Uso kasi ganoon sa messenger ko.Miss Beautiful
: Mag-unfriend ka kaya ng mga deactivated accounts at hindi active na account.
: katamad.
: hayaan mo
na hahaha.: magiging active
rin mga di active.Miss Beautiful
: Saan pala tayo?
: dito na lang sa
apartment ko para 'di na ako lalayo.Miss Beautiful
: Sige, sige.
: Huwag kang magpapaka-stress sa message request na iyon.
: susubukan ko.
Hahaha.: paniguradong
babasahin ko rin maya-maya kapag di ako pinatulog ng curiosity ko.Miss Beautiful
: Pabulong kung ano iyon, mare, ah. Para updated ako sa mga tea sa buhay mo.
: syur, mare.
Sasabihin ko agad sa gc na ito.Miss Beautiful
: Sige, magda-drive na ako. See you there.
: ingats, mare.
Miss Beautiful reacted 😊 to your chat.
BINABASA MO ANG
Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)
RomanceCHAT SERIES #8 NOTE: This epistolary is a slow burn romance. This story is not for you if you are the kind of reader who gets easily bored. Browse ka na lang muna ng iba at baka may magustuhan ka pa bago ka maghanap sa ibang writer. Lewl. --- Jyniv...