SUN AT 2:23 PM
: nakaalis na kayo?
: papunta na kami ni Seph
Cy
: Papunta na kami. Hinihintay ko lang din si Shiela. Hindi pa tapos mag-ayos.
: ganiyan talaga
babae, Cy. Hahaha. Aabutin ng ilang oras sa pag-aayos.Cy
: Isang oras mahigit na nga.
: habaan mo pa
pasensiya mo, Cy. Dalawang oras nga sa akin, e.Cy
: Sanay naman ako pero medyo nakakainis din minsan, lalo na kapag nagmamadali kayo.
: hahaha. Ganiyan na
ba siya katagal simula noong magkakilala kayo?Cy
: 45 minutes lang dati.
: aba, inoorasan
talaga hahaha.: huwag mo kasi siyang orasan para hindi lalong napre-pressure sa pag-aayos.
: mas tatagal iyan.
: ganiyan din ginagawa
sa akin ni babs.: kaya mas tinatagalan
ko para asarin siya.Cy
: Kahit hindi naman kasi siya mag-ayos, maganda na siya.
: Nag-uusap ba kayong dalawa sa chat? Nabanggit niya kasi sa akin na may lakad kayo bukas.
: ah, uu. Ipapaalam ko
sana siya sa 'yo mamaya pero nasabi na pala niya: mag-shopping kami
tapos papasyal.: oki lang ba na hiramin ko muna asawa mo?
Cy
: Hindi ko naman ipinagdadamot asawa ko, Jy. Haha.
: Sige lang. Mas maganda nga iyon para makapagpahinga rin siya sandali sa mga gawaing bahay.
: day off mo ba bukas?
Cy
: Oo at ako ang papalit sa kaniya na gagawa ng gawaing bahay at mag-aalaga ng bata.
: nays. Hahaha.
: enjoy sa paglilinis.
: paano pala kayo
nagkakilala ni Shiela?: naikuwento naman
niya sa akin pero gusto ko marinig din iyong side mo.: kasama rin pala
namin si Monique bukas.Cy
: Sa waiting shed. Parehas kasi kaming naghihintay lagi nang masasakyan at palagi kaming nagkakasabay. Hindi kami magkapit-bahay. Mas nauuna pa siyang bumaba kaysa sa akin.
: Hindi kami nagpapansinan pa pero alam kong pamilyar na ang mukha namin sa isa't isa. Kaya kapag nakikita namin isa't isa na nandoon sa waiting shed, nagngingitian lang kami.
: eh, paano naging
kayo?Cy
: Broken hearted siya noong mga panahong iyon. Ayaw ko sanang lapitan pero naaawa kasi ako.
: Nasanay akong nakangiti siya palagi kapag nagkikita kami para maghintay ng masasakyan.
: ah, pinatahan mo siya
tapos nag-usap kayo at boom, naging kayo.Cy
: Haha. Hindi naman agad. Naging magkaibigan muna kami ng dalawang taon. Kausap pa kita noon sa chat at 2nd year college ka na rin niyon
: oh, ang tagal n'yo
rin pala naging magkaibigan.Cy
: Oo, matagal din. Tapos na siya. Aalis na kami.
: sige, kitakits.
Cy
: Pinapatanong niya kung kasama rin ba si Monique?
: uu, susunod siya maya-maya.
: nakikipag-date pa
siya sandali.Cy
: Maganda iyan para hindi na puro sana all sinasabi sa atin kapag kasama tayo.
: hahaha. Kaya nga.
: sige, bumiyahe na kayo para marami pa tayong mapuntahan.
Cy reacted 🆗️ to your chat.
BINABASA MO ANG
Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)
RomanceCHAT SERIES #8 NOTE: This epistolary is a slow burn romance. This story is not for you if you are the kind of reader who gets easily bored. Browse ka na lang muna ng iba at baka may magustuhan ka pa bago ka maghanap sa ibang writer. Lewl. --- Jyniv...