FRI AT 11:23 PM
: any update?
: puwede na ba ulit ako bumisita? Haha.
: bitin iyong
kuwentuhan natin noong Wednesday.: miss na kita
: miss na kitang kakuwentuhan.
Cy
: Jy, sorry. Lumalala away naming dalawa.
: sinabi mo ba
talagang nagkita tayo noong Wednesday?: na nagkikita tayo?
Cy
: Oo.
: bakit mo sinabi?
Cy
: Kasi may karapatan siyang malaman at para ipakitang wala akong ginagawang kalokohan. Na magkaibigan lang tayo.
: malamang hindi
ganoon ang tingin niya sa akin.: i mean, baka
para sa kaniya, magka-ibigan tayo.Cy
: Klaro naman na sa kaniyang wala na tayo. Alam niya iyong tungkol sa atin kasi nakuwento ko na noon.
: alam niya pero bakit
ka niya jinowa? | Deleted: nasaan iyong
pangako mo? | Deleted: kung hindi mo
sinasabi sa kaniya ang totoo, hindi kayo mag-aaway ng ganiyan.Cy
: Mas lalala lang naman kapag hindi ko rin sasabihin.
: e, naging honest ka
nga pero na-resolve ba problema ninyong dalawa?: hindi tuloy ako
makabisita.: huhuhu. gusto ko pa
naman makipagkuwentuhan.Cy
: Sorry, Jy. Hindi na muna puwede hangga't hindi pa kami nagkakaayos ni Shiela.
: paniguradong
mabubura ulit ako sa buhay mo kapag nagkaayos kayo.Cy
: Hindi. Maiintindihan naman niyang wala na talaga tayo.
: Papatunayan ko iyon sa kaniya para hindi na siya maghinala pa sa atin.
: paano kung hindi
siya naghihinala sa iyo, kundi sa akin pala?Cy
: May balak ka ba?
: balak na ano?
Cy
: Kung may balak ka, huwag mo na ituloy, Jy.
: wala naman akong
balak. Gusto ko lang makipagkaibigan ulit.Cy
: Hindi muna ako makakapag-online. Dadaan ako sa kanila bukas at makikipag-ayos.
: Galit pa naman din sa akin magulang niya.
: Kailangan ko munang linisin pangalan ko.
: paano kung bigyan
mo muna siya ng space?: kasi baka na-shock
lang siya.: hindi matanggap na magkaibigan tayo.
: matatanggap din
niya kung ano mayroon tayo kung bibigyan mo muna ng space.: maiisip din niyang
hindi threat pagkakaibigan natin sa relationship ninyo.Cy
: Siguro nga, kailangan niya muna ng space.
: Ilang araw na rin kasi akong nanunuyo. Halos mag-iisang linggo na rin.
: oh, kita mo.
Mag-iisang linggo na pala kayong hindi nagkakaayos.: kung ganiyan
ang set up, ibig sabihin, kailangan muna niog isa iyong space.Cy
: Tama ka nga. Ganoon na lang yata gawin ko ngayon.
: uu, ganoon ang
gawin mo para kapag lumamig ang ulo niya, saka mo siya kausapin.Cy
: Okay. Thank you.
: welcome.
: matutulog ka na?
Cy
: Pupunta muna ako saglit sa bahay nila. Ihahatid ko lang iyong gatas at damit na nabili ko, pati na rin iyong naipon ko para sa baby namin.
: ganitong oras?
Cy
: Oo.
: lasing ka ba?
Cy
: Kaunti para may lakas ng loob.
: nako, huwag mo na
ituloy.: mas lalo lang gugulo.
C
y
: Gusto kong pumunta para makatulog na ako nang maayos.
: Mag-uusap kami at may ibibigay.
: pero mas magandang
saka mo na ibigay iyan kapag malamig na ulo niya: baka itapon lang
iyan kapag pumunta ka. Sayang naman pinaghirapan mo.Cy
: Susubukan ko lang muna at kapag hindi pa rin nag-work, bibigyan ko na siya ng space simula bukas.
: okii, good luck sa
plano mo.: at sa lakad mo.
: matutulog na ako.
Cy
: Maaga ka matutulog ngayon, ah.
: ah, pagod lang.
Hahaha.Cy
: Sige, magpahinga ka na.
***
OPERATION: Comeback of CyJy group chat
FRI AT 11:58 PM
: disappointed ba kayo sa akin?
Seen by everyone
: mahal niya talaga.
: pero tuloy pa rin
ang plano.Delivered
BINABASA MO ANG
Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)
RomanceCHAT SERIES #8 NOTE: This epistolary is a slow burn romance. This story is not for you if you are the kind of reader who gets easily bored. Browse ka na lang muna ng iba at baka may magustuhan ka pa bago ka maghanap sa ibang writer. Lewl. --- Jyniv...