Chapter 65

2 0 0
                                    

THU AT 7:56 AM

Cy

: Bakit seen lang?

: Wala ka bang natanggap na bulaklak?

: Nagalit ba siya?

THU AT 12:23 PM

: Tara, kain tayo ng itlog maalat at kamatis.

: Pupunta ka ba dito mamaya?

THU AT 8:08 PM

Cy

: Kasabay mo ba akong maghahapunan?

: Hindi ka na naman ba magre-reply? Para na namang dati. Bumabalik. Haha.

: sorry, Cy

: need ko muna
mag-lie low

: bawasan muna
natin interaction ganoon

: kasi baka di pa
kayo nagkakaayos dahil madalas tayong magkasama.

Cy

: Hindi naman. Magkaibigan naman tayo at alam niya iyon. Walang masama.

: Kung kaya ka umiiwas dahil sa gabing iyon, wala namang nangyari sa atin. Hindi tayo nagkahalikan. Muntik lang. Lasing ako niyon kaya hindi ko alam ginagawa ko pero humihingi ako ng pasensya.

: okii lang iyon, Cy. Naiintindihan ko
naman iyon.

: si Seph kasi, e.

Cy

: Kayo na?

: hindi pero ano. . .

Cy

: Ok.

: gusto kong patunayan
sa kaniyang seryoso na ako.

: ayaw kong di kami nag-uusap.

: may kulang sa akin
kung di kami nag-uusap kahit saglit lang.

: kanina kasi hindi niya talaga ako pinansin.

: ewan kung immature man pakinggan pero gusto na niya akong kalimutan sa buhay niya.

: hindi ko kaya iyong
ganoon.

: gusto ko siyang kasama.

Cy

: Kasama sa pagtanda o kasama sa buhay mo bilang kaibigan lang?

: both

: kaibigan.

: pero parang may nararamdaman ako sa kaniya

: nalilito ako.

Cy

: Gusto mo siya, ayaw mo lang tanggapin

: another sign.

: ikaw na iyong
pangalawang nagsabi niyan.

: sagot ko na lang
kulang.

Cy

: Isipin mong mabuti. Huwag kang magmadali. Malalaman mo rin ang sagot balang araw.

: siguro.

: sana nga.

: kumakain ka na?

Cy

: Bibili pa lang ng ulam sa labas. Huwag ka na munang pumunta dito.

: Ayusin mo rin iyong sa inyo ni Seph.

: okii pero kapag
kailangan mo ng kaibigan, chat ka lang, ah.

Cy

: Oo.

: sige, Cy. Lalabas
muna ako.

: pupuntahan ko siya
sa condo niya.

Cy

: 🙂

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon