Chapter 21

3 1 0
                                    

MON AT 8:25 PM

: hiiii

: magandang gabi
para sa magandang ako.

Cy 🧑

: Hi, miss beautiful hahaha.

: Sino naman binulabog mo noong di ako ol?

: sila Monique at
Seph hahaha.

: busy sa work?

Cy 🧑

: Busy nga. Kailangan doblehin ang effort kaya pagdating ko talaga sa apartment, pagod na ako.

: kaya pala inaantok
ka agad.

: now I know. Akala
ko kasi ayaw mo akong makausap

Cy 🧑

: Hahaha. Hindi naman.

: Malapit na pala birthday mo. Last week ng April, sa Sabado na.

: oy, naalala niya.

: uu, April 30 haha.

: april fools
ipinanganak pero hindi manloloko, ah.

Cy 🧑

: Hindi pa naman ako ulayanin kaya naalala ko pa.

: lagi mo kayang nakakalimutan birthday ko.

: di ko alam kung
sinasadya mo pero alalang-alala mo naman noong nalaman ko sa isa nating kaklase dati sa HS na ano. . .

Cy 🧑

: Na ano?

: na crush mo raw ako.

: crush mo ba talaga
ako noon?

Cy 🧑

: Kailan iyan sa HS?

: grade 8 hanggang
grade 9. Sabi ni Sabby at Filimon noon.

: nasaan na rin pala
ang dalawang iyon. Nagkatuluyan na kaya? Hahaha.

Cy 🧑

: Huwag kang maniwala sa sinabi nila. Hindi kita crush noon. Ikaw nga itong patay na patay sa akin dati.

: Kasal na nga silang dalawa.

: ay, ohhh. Ang saya
naman ng love life nila.

: hindi, ah. Saka lang
ako nagka-crush sa 'yo noong nalaman kong crush mo ako.

: kanino mo ba
nalaman iyang maling
balita na iyan?

Cy 🧑

: Kay Simon hahaha.

: Halata kaya sa mga tingin mo na may crush ka sa akin. Inamin mo pa nga noon.

: Gumawa ka pa ng love letter, e.

: hoy!!! Anong love
letter iyan?

: hala nabasa
mo!!???

: Nabasa mo???

: Sino nagbigay
sa 'yo???

Cy 🧑

: Monique.

: Inabot sa akin. Halatang galing basurahan pa nga noong inabot sa akin, e.

: Bakit hindi mo man lang binigay nang maayos sa akin?

: kasi pagtatawanan
mo ako at saka labag sa kalooban ko iyon, no!!!

: si Monique lang
pumilit sa akin noon na magsulat ng love letter.

: kasi sabi niya alamin
daw namin kung totoo ngang crush mo ako noon sa pamamagitan ng pagsulat ng ganoon.

: kaso iba kinalabasan.
Ang korni kaya tinapon ko.

: nakita pala ni Monique
kung saan ko tinapon.

Cy 🧑

: Hindi nga korni, natawa ako noon kasi mukha talagang in love na, in love ka ganoon.

: Napaka-colorful pa noong DIY card na ginamit mo. Iyong oslo paper. May malaking red heart sa harap saka stickman na babae at lalaki sa tuktok ng puso.

: Sa loob naman, noong binuklat ko, may flower na drawing.

: sige, describe mo pa.
Hindi ako natutuwa.

: nakakahiyang balikan
mga kagagahan ko noong kabataan ko.

: huwag mo ng
ipaalala.

: hindi ako iyon. Ibang
Jyniv iyon.

Cy 🧑

: Hahahaha. Nakatutuwa rin palang balikan kahit matagal nang nangyari.

: Ano na nga nilagay mo sa dulo ng letter mo?

: wala akong alam
diyan.

Cy 🧑

: Gusto rin kita kung gusto mo ako.

: Tama ba ako ng naalala?

: wala akong
ganiyang sinulat. Imbento ka, ah.

Cy 🧑

: Wala raw

: Mayroon kaya. Hindi ko nga makalimutan iyon kasi kauna-unahang love letter na natanggap ko na may effort mag-art. Hahaha.

: Ipapakita ko sana sa 'yo, pero matagal ng wala. Kasama sa inanod ng bahal 3 years ago.

: pero aminin mo,
gusto mo na talaga ako noon kahit na hindi mo pa nabasa iyong letter ko.

Cy 🧑

: Medyo, hahaha.

: Nagugustuhan ka na rin dahil sa pang-aasar ng kaklase natin noon.

: ako rin, nadala sa kashi-ship ni Monique sa atin.

Cy 🧑

: Isa pa iyon. Hahahaha. Siya pasimuno.

: hays, masarap balikan iyong dati.

Cy 🧑

: Oo, hahaha. Nakakatawa na nakakamangha pala na malaki na rin pala pinagbago natin.

: baka naman
puwede pang ibalik
iyong katulad ng dati.

Seen

MON AT 8:40 PM

: nandyan ka pa?

Delivered

: online ka pa naman. Matutulog ka na?

Sent

: ay ayaw mo iyong sinabi ko?

: joke lang iyon na medyo true.

: joke. Seryoso, biro ko lang iyon.

: ay, makatulog na nga.

: gnight.

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon