Chapter 69

4 0 0
                                    

MON AT 9:10 PM

Cy

: Nagpapansinan na kayo?

: hindi pa.

: one month and two
days na siyang di nagpaparamdam sa akin.

: late ko na nalaman
na umalis na siya sa condo niya.

: bumalik na pala siya
ng NY.

: hindi man lang siya nagpaalam nang maayos sa akin.

: hindi ko alam kung magagalit ako o hindi.

: nasa spam yata messages ko kasi friend ko pa naman siya sa fb, pero di nagre-reply simula noong mag-resign siya.

Cy

: Nakausap mo mga magulang niya?

: hindi, iyong tita
niya nakausap ko at
ang sabi sa akin
nasa NY na siya ulit kasama si tita at tito.

: doon na raw sila
mags-stay.

: kasi walang kasama lola niya.

Cy

: Bakit hindi ka bumalik doon?

: wala naman na
akong pamilya roon.

: welcome pa ba ako
sa kanila kung bumalik ako?

: paano kung umalis
siya kasi may nahanap na siya?

: sinabi lang niya
sa aking kailangan kong magseryoso, pero baka ang totoo, pagod na siya sa akin.

: pero hindi siya ganoon.

Cy

: One month na rin akong sumasalo ng pago-overthink mo, Jy.

: nakakasawa ako, ano?

Cy

: Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin, Jy. May mga araw na okay ka at may mga araw namang mahirap kang i-handle.

: Hindi ko alam na ang laki ng pinagbago mo. Ibang-iba sa Jyniv na kilala ko.

: kasi nga salamat na
lang sa dating ako.

: hahaha.

: pero iyong totoo, nakakasawa na ba ako kasi puro si Seph na lang pinag-uusapan natin?

Cy

: Medyo hahaha.

: At ayos lang naman. Halatang gusto mo na siya. Hindi ka naman magiging ganiyan nang isang buwan kung wala kang nararamdaman sa kaniya.

: aaminin ko na ba?

Cy

: Libre naman ang umamin, Jy. Hindi ipinagdadamot ng mundo.

: gusto ko siyang
makasama habambuhay.

: miss na miss ko
na siya

: isang buwan na rin
akong umiiyak kasi wala siya. Wala akong nakakausap na Seph.

Cy

: Ah, oo. Alam ko. Umiyak ka pa nga nang dalawang beses sa akin habang bukambibig mo pangalan ni Seph.

: Gago naman iyon kung gaganiyanin ka.

: deserve ko rin naman.

: kasi ilang taon na
rin siyang naghihintay

: ngayon alam ko na naramdaman niya noong lagi ko siyang bina-basted at ginagamit lang kapag may kailangan

: masakit pala iyong
ganoon, ano?

: iyong gusto mong
mag-stay iyong isang tao sa tabi mo kasi may kailangan ka sa kaniya.

Cy

: Mas masarap kasama iyong taong nag-stay kasi mahal ka niya at araw-araw ka niyang pipiliin.

: kaya mo naging mahal
si Shiela kasi pinili niyang mag-stay?

Cy

: Oo. Siya ang nag-stay sa tabi ko noong panahong pakiramdam ko walang magmamahal sa akin.

: sorry, Cy.

: hindi ko sinasadyang ganoon ang maramdaman mo tapos nasira ko pa relasyon ninyo dahil sa akin.

Cy

: Nangyari na at hindi mo naman kasalanan. Sadyang dumating lang iyong panahon na susubukin ang relasyon namin.

: hindi pa rin kayo
okay?

Cy

: Hindi pa rin pero nagpapadala naman ng update sa akin tungkol sa baby namin.

: Kalalabas lang din ng baby namin last week.

: good news!!!

: mabuti naman at okay
na baby ninyo.

: sorry kung hindi ako
naging active last week, ah?

Cy

: Huwag kang mag-sorry, Jy.

: hindi. Dapat
mag-sorry ako sa lahat ng ginawa ko.

: mapanakit talaga
ako.

: kaya siguro nagsawa
sa akin si Seph kasi mapanakit ako.

: pati ikaw.

: laging inuuna
ang sarili.

Cy

: Wala namang masama kung uunahin ang sarili, Jy. Nasobrahan ka lang pero nare-realize mo naman na at binabago mo iyong mga hindi maganda, kaya sapat na iyon para patawarin kita.

:  salamat, Cy.

: mabait ka pa rin.
Iyon ang hindi nagbago sa 'yo.

Cy

: Sigurado akong marami na ang nagbago sa atin.

: uu, marami na.

: ako na ang ebidensya hahaha.

: pero ang tanong ko. . .

: mahihintay kaya
niya ako?

Cy

: Kung mahal ka niya, hihintayin ka niya.

: sana hintayin
niya ako

Cy

: Oo iyan.

Ex for a Reason (CHAT SERIES #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon