Ang babae ang naghahabol sa'kin. Sila ang may kailangan, sila ang dapat gumawa ng paraan. Kung ano ang ikinataas ng tingin ko sa sarili ko, ayun ang paglagapak ng kahanginan ko ng sampalin ako nang malakas ng babaeng lasinggera sa may bistro. Walangya, wala naman akong ginagawa sa kanya pero parang ang lalim ng hinanakit niya sa'kin.Siguro karma ko na rin sa pambabae ko kasi walang hiyang sinukahan niya pa ako.
Wala akong nahita sa kanya kahit pangalan niya dumating na kasi ang mga kaibigan niya puro lalake pa, isa lang ang babae. Humingi ng pasensya 'yung isang lalake sa'kin syota niya ata kasi grabe kung mag-alala natatandaan ko 'yung mukha no'n eh taga-computer Science, 'yun 'yung sobrang ingay at laging nakangiti Zest-O ata ang pangalan na inspired sa tetra juice sa tindahan. Bakit kaya hinahayaan niyang maglasing ang girlfriend niya kahit gabi na? Nagka-LQ ba sila?
Badtrip, paano ako makakakuha ng babae kung amoy suka ako? Isa lang ang gusto kong gawin sa gabing 'to gusto kong makilala ang babaeng 'yon, sino ba kasi ang walang hiyang 'yon at ng makausap ko?
Ç
BINABASA MO ANG
Pushing Fall
RomanceEpistolaryo: Pana-panahon (Ikalawang Serye) Ç - papalit-palit ng babaeng tinitignan, mahilig magsulat ng bawat pangyayari sa lukot na patapong papel. Bukod sa ballpen, at papel gusto niya ng atensyon, pero hindi niya nagugustuhan kung paano siya ti...